For the following days, naging maayos na sistema ko sa training. I always make sure na nasa archery range na ako 1 hour bago kami mag start. Some of my team mates are very welcoming and willing i-share sa akin iyong mga natutunan nila all through out their national team status. Konti-konti na ring nagwa-warm up sa akin ang head coach ko at hindi na niya ako masyado pinag-iinitan compare nung mga unang araw ko. I'm exhausted lagi pag-uwi pero I'm still happy kasi I'm back to doing what I love.
I'm also touched by the support I'm getting ever since nag start akong mag archery ulit. Some of my fans are leaving postive comments on my social media accounts. Pero siyempre, hindi pa rin naman mawawala iyong mga bashers na sobrang sipag i-down ako at sabihan ng kung ano-ano na para bang kilalang-kilala nila ako.
I'm also very thankful to Sally. Every time na uuwi ako, she makes sure na makakain pa rin ako ng maayos kahit minsan nalang rin siyang pumunta sa condo ko. Either may lutong bahay na naka prepare na or may take out nang food sa mesa ko. Lalo lang tuloy akong ginanahan to do my best para naman makabawi sa mga taong laging nandiyan para sa akin. And siguro someday, I want to thank Yuki. Kasi nga naman, kung hindi niya nakuha ang attention ko, baka chaotic pa rin ang everyday life ko. May mga times na umaakyat pa rin ako sa rooftop hoping na makita ko siya ulit doon. Pero sadly, mukhang hindi na nagtutugma ang schedule namin.
*・゜゚
A day before the presscon, sinundo ako ni Sally sa training center to discuss possible questions na ibabato sa akin. And gaya nga ng sabi ko noon, we have to prepare for the worse. This may be a formal event pero baka may isa or dalawang rude na reporter pa rin ang makalusot at magtanong ng personal questions sa akin.
"Basta, Summer.." Panilamula ni Sally. "If sa tingin mo hindi ka comfortable sagutin ang isang tanong, turn them down nicely and tell them to ask you questions na related sa archery."
"Don't worry! I got this, okay?" I assured her.
She smiled softly at me. "I know and I'm so proud of you kahit na hindi pa nagsisimula ang official games." Sabay tawa at hampas sa braso ko.
Napahawak ako sa balikat ko na hinampas ni Sally. Nang lingunin ko siya, palabas na siya ng pinto ng unit ko.
"I'll see you tomorrow, Summer." Sabay sarado ng pinto ko.
*・゜゚
Maaga akong nagising kahit na 1 PM pa naman ang start ng presscon. Hindi ako gaano nakatulog ng maayos dahil sa excitement. I'm so ready to ace all the questions na itatanong nila and of course, I really want to see Yuki. Hindi ko na kasi siya naabutan sa rooftop. Ayoko rin naman pumunta sa volleyball court kasi baka maka attract nanaman ako ng attention at maging issue pa.
Nag prepare ako ng mga gamit at susuotin ko sa presson. They gave us our official uniform para suotin.
BINABASA MO ANG
Yuki Ishikawa • Lifetime
FanficYuki Ishikawa x Original Character "Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?" Who would have taught that Summer Brielle Lopez, one of the top models of the country, would set aside her career just to meet her happy crush, Yu...