"Thank you for gracing us with your prescence, Ms. Suarez. We still can't believe that you are finally joining our team in time for the national league in 6 months." Masayang sabi ni Mr. Tansinco habang patayo sa kinauupuan niya.
Mabilis lang natapos ang meeting dahil straight to the point ang discussions. Ang lawyer ko na rin ang bahala mag review ng contract bago ako mag sign. Mr. Tansinco is nice enough na patanggapin pa rin ako ng small projects basta huwag lang maco-compromise ang training schedule ko.
Nang palabas na kami ng board room, tumigil si Mr. Tansinco na para bang may nakalimutan pang sabihin sa akin.
"Before I forgot, if you don't have any commitments after this, you may visit the training center para makita mo kung okay sa'yo ang environment. If not, we can arrange something kung saan ka mas comfortable. Here in the federation, we treat our athletes with the best benefits."
Ngumiti ako pabalik kay Mr. Tansinco. "That would be nice. Thank you for doing this for me. Feeling ko okay naman ako doon lalo na it is the biggest sports training center in the country. Not to mention, advance technologies that can help us to hone our skills more."
Nang makapagpaalam na ako kay Mr. Tansinco, agad na kaming pumunta sa parking lot ni Sally at in-intruct ang driver kong si Kuya Roland na pumunta sa Philippine Sports Training Center. After 20 minutes, we arrived sa destination namin. Bago pa kami makapasok sa gate, napansin na naming may mga nakaabang na reporters sa tapat ng main entrance.
"Bakit may mga reporters, Sally? Hindi pa naman tayo nag announce di ba? Pinangunahan na ba tayo ng federation?" Nagpa-panic na tanong ko.
Hindi rin mapakali si Sally. "Teka nga, ako na ang bababa para magtanong sa guard."
Pagkababa ni Sally ng van, agad niyang nilapitan ang guard sa gate. After niyang makipag-usap, kalmado na siyang sumakay ulit.
Huminga siya ng malalim. "Don't worry, may mga athletes lang na inaabangan ang mga reporters. Wala naman silang alam na dadating ka."
I feel so relieved after hearing that. As much as possible, ayoko na munang humarap sa kanila ng hindi pa ako nag a-announce about sa decision ko na bumalik sa archery.
Sa back gate pumasok ang sasakyan namin to avoid the eyes of the reporters. Nang makababa na kami, agad kaming nagpa-assist sa mga staff doon and I was so happy na nakapaka professional nila. Alam kong they were not expecting to see me there, pero mukhang sanay na sila given na may mga sikat talaga na athletes dito sa bansa.
Pagdating namin sa 5th floor kung nasaan ang archery range, agad akong nagmadali para silipin ito sa malawak na glass window. Napanganga ako sa sobrang laki ng pinagbago ng facility. The last time I was here was when I was still in college. Nag tour kami dito kasama ang buong team.
Mas advance na ang mga equipment at nilagyan nila ng bleechers sa side para siguro pwedeng may manood ng practice. I was so busy admiring the place na nakalimutan ko na kasama ko pala si Sally.
"Baka naman hindi ka na lumabas dito, Summer ah. Huwag ka masyadong ma-excite dahil once maging okay ang contract ng federation sa lawyer mo, kahit dito ka na tumira okay lang." Pagbibiro niya.
Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Grabe, ang O.A naman. Uuwi pa rin naman ako sa condo huwag kang magalala. Tsaka baka ma-miss mo pa ako." Natatawang sabi ko dahilan para umasim ang mukha ni Sally.
Hindi ko na masyado inikot ang facility para naman may surprise pa rin konti kapag mag start na ako mag training. Nagyaya na ako umuwi dahil gutom na rin ako.
Habang nasa elevator kami, may mga sigawan na kaming naririnig. Pagkabukas noon, marami nang nagkukumpulan sa fans sa entrance ng training center.
"Oh god, Sally. Makakalabas pa ba tayo ng buhay dito? Kanina naman wala iyong mga iyan." Sabi ko habang papunta sa likod ng concierge.
"Dito ka muna mag stay. Tatawagin ko na si Kuya Roland para ilapit na ang kotse sa back entrance. Siguraduhin mo lang na di ka makikita diyan."
Ngumuso ako. "Oo na, sige na. Titignan ko lang kung sino ba iyong dadating."
Nagmadali nang umalis si Sally habang sumisilip pa rin ako sa likod ng conciege. Maya-maya pa, isa-isa nang nagsibabaan ang mga taong laman ng bus na nakaparada sa harap ng entrance.
"Sino ba kasi iyang mga iyan?" Pabulong sa tanong ko sa sarili ko.
Judging by their height, mga mukha silang basketball players. Not until may makita akong isa na may hawak na..
Wait, is that a ball for Volleyball??
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya nandito siya?
Lalong lumakas ang sigawan ng mga fans dahilan para lumabas ako ng konti sa likod ng concierge.
And there he is, Yuki Ishikawa in the flesh, elegantly descending the bus.
I can't believe I'll be able to finally meet him. Ang tagal ko ring hinintay ang moment na 'to. Unconsciously na pala akong lumalapit papunta sa kanya.
Pictures and videos don't do him justice. He's much more attractive in person. Not to mention, that oozing sex appeal na feeling ko eh hindi siya aware. I was really lost for words when suddenly, nagtama ang tingin namin ni Yuki.
Damn. I don't want this moment to end. Feeling ko napaka delusional ko na kasi I somewhat caught his attention. I'm about to smile at him nag biglang may nag flash na camera sa mukha ko.
"Ms. Summer! Mukhang confirm na talaga na babalik ka sa archery!" Sigaw ng damuho na reporter.
Oh no. Someone finally saw me and hindi ito maganda. Agad na lumingon lahat ng reporters sa akin leaving Yuki Ishikawa confused dahil biglang sa akin nabaling ang attention. They move too fast at napalibutan na nila ako agad. Sunod-sunod na ang flash ng camera and mga video cameras na nakatutok sa akin.
"This is a big revelation, Ms. Summer. Nasagot na rin ang mga haka-haka sa pagbabalik mo sa archery!"
"Ms. Summer! Kailan ang start ng training mo dito?"
"Do you have plans na pagsabayin ang modeling career mo at ang archery?"
Bigla nalang akong nanigas sa kinatatayuan ko. Gustuhin ko mang tumakbo pero hindi ko na magawa. I'm starting to lose my balance when suddenly, someone grabbed me paalis sa kumpulan ng mga reporters. Pagharap ko, isang galit na Sally ang nakita ko.
"Tumabi kayo! Tabi! Magre-release kami ng statement one of these days kaya hintayin niyo nalang!" Sigaw ni Sally habang sinusuong namin ang mga reporters na nakaharang. Nakita ko rin si Kuya Roland na isa-isa ring hinahawi ang tao para makadaan kami ng maayos. Some of the training center guards are also there to control the crowd.
I looked back for one last time and saw Yuki Ishikawa still standing there looking in our way. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy nalang maglakad palayo.
I guess hindi pa ito ang right time para ma-meet kita ng maayos, Yuki. Damn these reporters. Panira ng love life.
BINABASA MO ANG
Yuki Ishikawa • Lifetime
FanficYuki Ishikawa x Original Character "Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?" Who would have taught that Summer Brielle Lopez, one of the top models of the country, would set aside her career just to meet her happy crush, Yu...