"Ms. Summer, look here!"
Sinalubong ako ng sandamakmak na flash ng camera pagkababa ko ng aking van. Kakagaling ko lang sa isang photoshoot and I am dead tired. Buti nalang naka shades ako kaya hindi ako ganoon na startle sa sunod-sunod ng pagkuha sa akin ng pictures. Sally, my Manager, is trying to shove the reporters away para makadaan ako. Tumulong na rin ang mga guard ng condo kung saan ako nakatira.
"Ms. Summer, any plans on continuing your archery career again?"
"Are you going to accept the PH Archery Federation's offer to join the national team?"
"Will you be able to continue your modeling career if you join the team this year?"
Umiling nalang ako sa mga sunod-sunod na tanong ng mga reporters. I really don't have the energy to answer them right now. Pagod ako at gusto ko nang matulog as soon as possible. Ilang araw na akong puyat dahil marami akong naka-book na guesting and endorsements. And besides, nasabi ko na noon sa ibang interview ko na wala akong plano bumalik sa archery.
Nang makapasok na kami sa lobby ng condominium, agad na binaba ni Sally ang ibang gamit ko at huminga ng malalim bago ako hinarap at nagsalita.
"Hay nako, Summer. Bakit mo pa kasi tinaggap iyong endorsement na iyon ng Archery equipment? Iyan tuloy, nasira nanaman ang ulo ng mga reporters at fans mo at nag speculate agad na ipu-pursue mo na ulit ang sport mo na iyon." Pagalit na sabi niya sabay hawak sa kanyang sentido.
Nag pretend ko na walang narinig at naglakad na papuntang elevator. Pinindot ko agad ang UP button para makatakas ako sa sermon session ni Sally.
I am Summer Brielle Suarez, one of the top paid female endorsers in the Philippines. They call me as the Helen of Troy of my generation, because hundreds of companies wants me to be the face of their brand. Make-up, bags, clothes, gadgets, you name it. Kaya naman never akong nahirapan dahil sila na mismo ang lumalapit sa akin.
I was in College and competing in an Inter-Scholastic Sports meet when a CEO of one of the largest sports equipment and apparel company offered me to be the face of their Archery equipment line. I was really skeptical at first dahil normal lang naman ang tingin ko sa sarili ko, and never in my wildest dreams na gusto kong maging sikat na endorser one day. I was too preoccupied with Archery dahil ito talaga ang first love ko. After some grueling thought, I accepted it eventually.
Since then, nag sunod-sunod na ang mga love calls from other sports brand. It was fun at first, pero nakaramdam rin ako ng pagod dahil pinagsasabay ko iyon sa pag-aaral ko and sa Archery. To be honest, hindi ko naman kailangan gawin 'to since sagot naman lahat ng Dad ko ang lahat ng expenses ko. Pero sa kagustuhan kong matuto maging independent, tiniis ko nalang hanggang sa maka graduate ako.
Hindi nagtagal, tumanggap na rin ako ng non-sports related offers at doon na lalo tumaas ang brand reputation ko. I stopped receiving money from my Dad because I'm earning that much to provide for my own needs. He couldn't care less anyway since anak lang naman niya ako sa labas kaya hinahayaan nalang niya ako to do anything I want. Pinag-aral lang naman niya ako out of responsibility. Pero never kong naramdaman na anak niya ako. Kaya I used my savings to move out of the house dahil hindi na rin kaya ng sikmura ko makasama siya and iyong first family niya na basura lang rin naman ang tingin sa akin.
Nang makarating ako sa pinto ng unit ko, I immediately punch my passcode at dumiretso na sa kama ko para mahiga. Maya-maya pa, bumakas ulit ang pinto at niluwal nun si Sally. Binagsak niya ang isang maleta ko at naramdaman kong lumapit siya sa akin.
"Ikaw talagang bata ka, oo! Kung hindi lang anak ang turing ko sa'yo, matagal na kitang sinakal!" Sigaw niya sa akin habang nakadapa ako sa kama ko.
I rolled out of bed at nilagpasan siya papuntang sofa. Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV. I heard Sally na bumuntong hininga at biglang pumasok sa CR.
BINABASA MO ANG
Yuki Ishikawa • Lifetime
FanficYuki Ishikawa x Original Character "Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?" Who would have taught that Summer Brielle Lopez, one of the top models of the country, would set aside her career just to meet her happy crush, Yu...