"Okay team, I have an announcement to make." My coach said habang nagco-cool down kami after ng isang matinding training session.
"Next week, we'll be having an exhibition game in order for us to decide kung sino-sino ang ipapadala sa international games. Kaya mas lalo kayong magsikap mag training ngayon if you want to compete for our country."
Tila nabuhayan ako ng loob dahil finally, may chance na akong makapag compete outside the country. Before kasi laging local games lang dahil skeptical si Dad sa sport na ito. Na kesyo hobby lang daw ito ang di dapat sineseryo. This is my chance to prove him wrong. Alam kong matagal akong nawala sa archery, pero I will really give my all. And isa pa, ayoko rin mapahiya kay Yuki. Ito na nga lang ang way para magkaroon ako ng extra points para maging interesado siya sa akin.
During that week, I really tried my best na i-improve pa lalo ang skills ko. Dumating pa sa point na nage-extend ako ng personal training hours dahil sobrang pumped up talaga ako para sa exhibition game.
Three days before the exhibition game, inagahan kong dumating sa training center para silipin saglit si Yuki. Pagdating ko sa floor kung nasaan ang volleyball court, malayo palang ay may naaninag na akong mga tao na nagkukumpulan malapit sa entrance. Dahan-dahan akong lumapit na nakiusyoso sa kanila.
"Anong meron?" Tanong ko bigla.
Agad na nilingon ako ng isa sa mga tao na nakatayo doon.
"Meron kasing- Hala! Ate Summer!" Sigaw nito nang makita niya ako.
Agad kong nakilala ang mukha ng sumigaw na iyon. Isa iyon sa mga ka-team mate ni Yuki na sumundo sa amin sa rooftop nung na-stuck kami doon. Pero hindi ko na matandaan ang pangalan.
"Ikaw iyong ka-team mate ni Yuki di ba?"
Agad sumilay ang ngiti nito sa labi.
"Oo, ako nga Ate Summer. Ran. Ran Takahashi."
Kung maka-ate talaga 'to, wagas.
Binalik ko ang tingin sa mga taong nakapaligid sa entrance ng court nila.
"So, ano nga? Ano bang meron?" Tanong ko ulit.
"Halika, Ate Summer. Papakita ko sayo kung bakit. Sumunod ka sa akin, dali!"
Para akong nagayuma ng Ran na ito at sumunod ng walang reklamo sa kanya. Pagdating namin sa gilid ng court mismo, may naka line up na mga bata at kanya kanyang may hawak ng bola ng volleyball.
"May special session kasi kay Capt ang isang organization na nagi-sponsor ng mga batang gusto matuto mag volleyball. Kaya hayan, cancelled ang morning practice namin." Ran said.
Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Yuki. Napansin ata iyon ni Ran at biglang hinawakan ang magkabilang balikat ko at pilit na pinaharap kung nasaan si Yuki.
"He's there near the camera man. Thank me later." He said na parang nang-aasar pa.
BINABASA MO ANG
Yuki Ishikawa • Lifetime
FanfictionYuki Ishikawa x Original Character "Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?" Who would have taught that Summer Brielle Lopez, one of the top models of the country, would set aside her career just to meet her happy crush, Yu...