Special Chapter (⁠。⁠•̀⁠ᴗ⁠-⁠)⁠✧

26 4 0
                                    

"30 minutes warm up starts now. Go!" Sigaw ni Coach Blain after niya kaming i-briefing sa summary ng magiging training namin today.

Nakita kong tinutulak ni Tatsunori ang ball cart kaya naman bigla ko siyang nilapitan.

"Hoy, Tatsu!" Tawag ko sa kanya.

Agad itong napalingon at tumigil sa pagtulak ng cart.

"Ano nanaman bang problema mo, Ran?" Painis na sagot nito.

Tumawa siya at pabirong hinampas ang likod ni Tatsu.

"Parang ewan 'to. May napapansin lang kasi ako kay Capt nitong mga nakaraang araw."

Napakunot ang noo ni Tatsu sabay tingin kay Yuki na nasa other side ng net. Nakita niya itong nagpa-practice mag-set at masayang nakikipag-usap kay Tomo. Tinignan niyang mabuti si Yuki na tila ba ina-asses kung ano bang pwedeng mapansin ni Ran sa kanya.

"Ano bang meron kay Capt? Okay naman siya ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano bang meron kay Capt? Okay naman siya ah. Mukhang good mood pa nga."

Humalukipkip si Ran at tinignan na rin si Yuki.

"Iyon na nga eh. Hindi naman masyadong ganyan iyan dati. Madalas sobrang seryoso."

Agad na natigilan si Tatsu at biglang lumaki ang mata dahil may na-realize ito.

"Hala, hindi kaya.."

"Oo boi, mukhang in love ata." Sabay tawa silang dalawa.

Nagpatuloy pa ang tawanan nila ng may biglang magsalita sa likod nila na kinagulat ni Ran at Tatsunori

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagpatuloy pa ang tawanan nila ng may biglang magsalita sa likod nila na kinagulat ni Ran at Tatsunori.

"Hoy, ano pang ginawa niyo diyan?"

Agad silang napalingon at nakitang nakatayo na pala si Yuki sa likod nila.

Agad na tinulak ni Tatsunori palayo ang ball cart at naiwan si Ran sa prescence ni Yuki.

Badtrip talaga 'tong si Tatsu. Nang iiwan sa ere.

"Ano.. Kasi.. Si ano.." Nauutal na sagot ni Ran.

Nakatitig lang si Yuki sa kanya na para bang hinihintay nito na umamin siya kung ano ba ang pinag-uusapan namin ni Tatsunori a while ago.

"May sasabihin ka ba, Ran? Kasi kung wala, mag simula ka nang mag warm up." Ma-awtoridad na sabi ni Yuki.

Napakamot nalang sa ulo si Ran at tumango. Mukhang mali naman ata ang assumption niya dahil nag sungit nanaman ito lalo na sa kanya.



Author's Note 。⁠◕⁠‿⁠◕⁠。

Hello, guys! I'm back again for another update, pero this is a special chapter only. Sobrang saya ko kasi na nakapasok ang RJN for Paris Olympics kaya naisipan kong gumawa ng ibang POV ng ibang RJN player. At hayun na nga, si Ran ang napili ko dahil lately, sila talaga ni Yuki ang tag team sa court pero kapag in real life, isa sa mga bully ni Yuki sa twitter. Hahahaha

I'm currently working on sa Chapter 10 and hopefully ma-release ko ito within this week. Alam kong excited na kayo malaman kung tatanggi ba sumama si Yuki sa condo ni Summer or hindi. (⁠◠⁠‿⁠◕⁠)

 (⁠◠⁠‿⁠◕⁠)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yuki Ishikawa • LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon