"Did you say yes?"
Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga sa pagu-usap namin ni Sally. Hindi pa rin kasi ma-process ng utak ko ang sudden turn of events.
"I told him I'll think about it. Pero sabi niya he needs my response as soon as possible para mai-habol niya ako sa training na ginagawa niya kay Rico." I said to Sally.
"So what's stopping you from giving him a YES? Di ba ito naman talaga ang goal mo bukod sa mapansin ka ni Yuki?" Pabirong sabi niya sabay tawa.
Napa-irap talaga ako sa sinabi ni Sally.
"Fine, I'll do it."
I still don't know how to break the news kay Yuki if ever magkasalubong kami sa training center. I don't want to sound insensitive dahil sa naging case ni Rico kaya hindi na siya ang magiging representative ng team namin.
As I'm about to enter the building, someone immediately shouted my name.
"Ate Summer!!" Sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan.
Nang maaninag ko na kung sino iyon, agad na napakunot ang noo ko.
"Ran?"
Nakangisi siyang lumapit sa akin.
"I heard the news, Ate. Ikaw na daw ang bagong representative ng team ninyo! Congrats!" Sabay akmang makikipag apir sa akin.
Parang kusang gumalaw ang kamay ko at nakipag apir na ako sa kanya.
"Teka, paano mo nalaman? Eh wala pa nga akong pinagsasabihang iba."
Tumawa ito. "It's all over the news. Coach niyo na rin ang nag announced."
Mariin na napapikit ang mata ko. Di ko alam kung maiinis pa ako or ano.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang nagsalita ulit itong si Ran.
"O, nandito na pala si Capt. Sakto, mukhang gusto ka rin nito batiin eh." Sabay tawag kay Yuki.
Nanlaki bigla ang mata ko. I'm about to hide sa likod ni Ran pero too late. Papalapit na ito sa amin.
Pero bakit nakakunot ang noo nito?
"Hey." Matipid na bati niya.
"Hi." Sagot ko naman.
Narinig kong nagpigil ng tawa si Ran. Agad naman itong tinignan ni Yuki.
"Sige, Ate Summer. Goodluck! Alis na ako." Sabay takbo papuntang elevator.
"Hoy, teka.." Kinakabahan na tawag ko kay Ran pero mabilis na itong nakalayo.
"May kailangan ka pa ba sa kanya? I'll drag him back again here if you want." Seryosong sabi ni Yuki.
"Ah, ano kasi.. Wala na." Sabay iwas ng tingin.
"I think we should go now. Baka ma-late pa tayo sa mga training natin. Are you coming with me?" Tanong nito sa akin nang nakatingin pa rin sa akin.
I slightly met his eyes pero di ko kinaya.
"Le-let's go." Nauutal na sabi ko sabay lakad papuntang elevator.
Nang makasakay na kami ni Yuki, mabilis kong pinindot ang floor number ko at floor number niya. Parang narinig ko pa siyang nagpigil ng tawa or guni-guni ko lang ata.
When the door is about to close, a group of athletes suddenly rushed at pinigilan magsara ang pinto.
"Sorry, male-late na kasi kami." Sabay pasok sa loob.
There are 5-6 people na nagmadali pumasok dahilan para mapaatras ako at muntik pang ma-out of balance nang biglang hawakan ako ni Yuki sa bewang ko.
"Careful. Hindi ka pwedeng ma-injured sa first day ng training mo as your team's new representative."
Napatungo nalang ako at tahimik na hinintay ang pagdating ng elevator sa floor namin. Hindi pa rin ako binibitawan ni Yuki dahilan para pagpawisan ako ng sobra.
"We're here." He said, still holding me.
"Tha-thank you. Pwede mo na akong bitawan, Yuki."
When I said that, parang nakuryente si Yuki based sa naging reaction niya.
"I'm sorry."
Ngumiti ako. "It's okay. You can go now. Kaya ko na from here. Baka ma-late ka pa."
Tumango siya sabay pindot sa elevator button. Naglakad na ako papunta sa archery range when suddenly Yuki called me.
"Summer!" Tumatakbong tawag ni Yuki.
Nang mapalingon ko, nagulat ako when he patted my head.
"Congrats by the way. I'll be rooting for you." Sabay ngiti at nagsimula nang maglakad pabalik ng elevator.
Nag-init bigla ang pisngi ko at tumakbo na ako papuntang archery range. Baka hindi ako makapag pigil at biglang nalang akong mag collapse doon dahil sa ginawa ni Yuki.
The coach gave me a hell training dahilan para mawala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. I'm really tired pero hindi ako pwede maging chill dahil mataas ang expectations nila sa akin. At isa pa, this is my chance to show my full potential as an athlete. I'm here to prove them all wrong. Ibang Summer ang makikita nila. Kung kinakailangan na mag extend ako ng training and give up some of my endorsements, I'll do it in a heartbeat. This is my time. I'll make sure no one can crush my momentum again.
When I got home, Sally messaged me na may iniwan siyang invitation sa desk ko. I asked her who it came from pero hindi niya ako sinagot. I dropped my bag at the nearest chair at kinuha ang envelope. Pagbukas ko at makita kung kanino galing, muntik ko na itong mai-crumple at itapon sa basurahan.
To Madmoselle Summer Brielle Lopez.
You are cordially invited to the company's 30th anniversary as an SVIP. The theme will be a masquerade ball. We hope to see you at this glamorous event.
Kindly confirm your RSVP to the following contacts below. We have reserved 1 seat/s for you.
Did my Dad just invited me to his company's event? What the hell are they thinking?
Author's Note:
Hello! I'm back! (ノ◕ヮ◕)ノ*.✧
I sincerely apologize if sobrang tagal kong di naka update. Ayoko na mag promise kasi baka biglang mawalan nanaman ako ng motivation magsulat. Pero omfg, na-missed ko magsulat about kay Yuki. HuhuhuDid you watched their recent matched against USA? Yuki looked dazed. Parang wala siya sa sarili niya which made me sad. Grabe siguro talaga ang pressure. I hope mag bounced back sila sa upcoming quarterfinals match nila against Italy. Please don't forget to support them and send some kind words or motivation sa mga social media handles nila. ♥️
BINABASA MO ANG
Yuki Ishikawa • Lifetime
FanfictionYuki Ishikawa x Original Character "Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?" Who would have taught that Summer Brielle Lopez, one of the top models of the country, would set aside her career just to meet her happy crush, Yu...