patawad sa aking naging kasalanan
patawad sapagkat ika'y aking nasaktan; hindi ko man lang inisip kung ano ang iyong mararamdaman at nagdesisyon na hindi man lang kita tinanong kung iyo bang magugustuhan. patawad sa mga galaw kong padalos-dalos. ngayon, tayong dalawa ay nasasaktan. umiiyak at puro luhaan sa isang desisyong hindi man lang inisip ang mga posibilidad na mangyayari bago gumawa ng pagpapasiya. patawad kung tayo ngayon ay nagkakasakitan, magkahawak ang kamay habang parehong luhaan at makikita sa ating mga mata ang puro sakit. siguro ito na ang oras upang bumitaw; sa mga ala-alang nanatili hanggang sa kasalukuyan at mga ala-alang dadalhin hanggang kamatayan. gusto kong hilingin na sa susunod na kabanata ay ikaw pa rin ang aking mamahalin, gusto kong ikaw pa rin ang aking makakapiling. gagawa ng panibagong ala-ala na magbibigay sa ating puso ng saya.
patawad sa aking mga pagkukulang na hindi ko man lang inisip kung ano ang iyong mararamdaman. naging makasarili't insensibito sa mga binitawang salita na naging dahilan ng pagkabiyak ng iyong puso; na naging dahilan ng iyong pagluha. patawad kung ang iyong pag-ibig ay aking sinayang na hindi ko man lang nakita o naramdaman dahil nanatili pa rin ako sa aking nakaraan. patawad kung puro sakit lamang ang aking naibigay sa'yo at araw-araw ako ang naging dahilan ng pagluha mo. patawad kung ganoon na lamang kabilis sa akin ang bitawan ka; hindi inisip kung ano ang iyong tunay na nadarama. nagdesisyong mag-isa na hindi ka man lang inisip aking sinta.
patawad kung hindi ako kumapit ng malakas, mga kamay ko ay mabilis pa sa oras kung kumalas. patawad kung hindi man lamang kita napigilan habang ikaw ay naglalakad papalayo; naglalakad at unti-unting naglaho. patawad kung sa tingin mo ika'y hindi mahalaga ngunit ang totoo takot akong mawala ka; takot akong iwanan mo na pero ngayon ay nangyari na nga talaga. sinubukan kitang abutin ngunit para kang isang bituin na kahit anong pagsungkit ang aking gagawin ay hinding-hindi ka na ulit mapapasaakin. patawad, patawad aking mahal.
BINABASA MO ANG
Ink of Passion
Poetrygamit ang aking pluma sinimulan ko nang isulat ang mga salitang hindi ko man lang maibigkas. dito ko na lamang idadaan ang lahat ng aking nararamdam na para bang sasabog kapag hindi ko man lang mailabas. mga nararamdam kong kasing lawak ng karagatan...