masarap sa pakiramdam ng marinig ko ang boses mo sa iyong pagkanta at habang nakikinig ay inintindi ko ang bawat lirika; doon ko pa lamang napagtanto na 'yun pala ang kantang ginawa mo para sa kaniya-kantang akala ko sa akin mo inialay ngunit sa iba pala. pumikit ang aking mga mata habang dinadama ito dahil nararamdaman ko ang sakit mula sa mga boses mo. akala ko ito'y kantang pagmamahal ngunit ito pala 'yung kantang puno ng galit at hinanakit, pero sa boses mong napakalambot ay hindi mo agad mapagtanto na 'yun na pala ang pinapahiwatig nito. kailangan mo lang intindihin ang bawat lirikang binitawan upang mas lumawak ang iyong pagkakaintindi sa mensaheng handog ng kantang ito.
ngumiti ako dahil nagpadala ka na naman sa bugso ng damdamin mo, ngunit sino ba ako upang magreklamo't husgahan kung ano ang nararamdaman mo? alam ko kung gaano kasakit ang idinulot niya sa'yo na hanggang ngayon ay dala-dala mo, at kahit anong aliw ang gagawin ay mas tumindi ang sakit. napatitig ako sa'yo ng madiin dahil humigpit ang hawak mo sa mikropono at pagmulat mo ay nagtagpo ang ating mata, doon nakita ko ang
BINABASA MO ANG
Ink of Passion
Poetrygamit ang aking pluma sinimulan ko nang isulat ang mga salitang hindi ko man lang maibigkas. dito ko na lamang idadaan ang lahat ng aking nararamdam na para bang sasabog kapag hindi ko man lang mailabas. mga nararamdam kong kasing lawak ng karagatan...