lima

0 0 0
                                    

pasilong naman ng iyong tahanang puno ng pagmamahal dahil nais kong maramdaman. habang tinitigan kita nakikita ko ang isang tahanang magliligtas sa akin, ngunit hindi naman kita gagamitin para sa akin pansariling kasiyahan dahil nais kong maging bahagi sa iyong tahanang ligtas - palisong naman kahit ganito lamang ako. buksan mo naman ang tahanan ng iyong pagmamahal dahil nais kong maging bahagi nito, nais kong pagbuksan mo ako ng tao't puso; at ibungad sa akin ang matatamis mong mga ngiti.

"tok! tok! tok!" aking katok, nang buksan mo ito ay bumungad sa akin ang matamis mong ngiti ngunit masasalamin sa iyong mga mata ang sakit. ngumiti ako ng malaki at tumuloy habang ako ay kinakausap mo, "kumain ka na ba?" lumingon ako sa'yo at ngumiti habang tumango. lumapit ka sa akin at ako'y iyong niyakap ng mahigpit, napapikit ng maramdaman ko ang init ng iyong mga bisig kasabay at lihim akong napangiti dahil ito ang tahanan ng pagmamahal mo.

Ink of PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon