gamit ang aking pluma sinimulan ko nang isulat ang mga salitang hindi ko man lang maibigkas. dito ko na lamang idadaan ang lahat ng aking nararamdam na para bang sasabog kapag hindi ko man lang mailabas. mga nararamdam kong kasing lawak ng karagatan na napapalibutan ng malalalim na kadagatan; liwanag ng buwan na nagbibigay ilaw sa mga daan, daang tatahakin ko habang dinadama ang aking nararamdam. napuno na ang librong dati kong sinulatan kaya aking binabalak na isulat ito sa malawak na kalangitan upang sa aking pagtingala ay makikita ito at aking muling madama; di lubos maisip ang mga salitang sasabihin, iiwan na lang din ito kasama ang napakaraming bituin. kahit saang dako man ako mapapatingin, sa bawat paglingon ko ay hindi ko maiwasang mapaisip at dumaan sa aking mga mata ang masasakit na pag-ihip ng malakas na hangin. ayaw kong pakatitigan sa mga mata dahil makikita ang malalaking alon na namumuo rito; ayaw ko ring magsalita upang hindi marinig ang matinding lindol na galing sa boses ko, kaya sa pagsulat ko na lamang idadaan ang iba't-iba kong nararamdam.