nais kita kuhanan ng larawan araw-araw para iyong masisilayan kung sakalin man ako'y iyong malilimutan. ito ang magiging daan upang maalala mo ang ating mga alaala na walang sinumang makakasira. ang iyong pagsayaw, pagkanta, pagtawa at ngiti mo sa akin kukuhanan ko kasi ito lamang ang isang materyal na aking panghahawakan at maiiwan kasabay pagkawala ng alaala mo. dadalhin natin ito sa ating pagtanda upang masilayan muli ang mga masasayang pangyayari na tayo ay magkasama. kung sakaling pipiliin mong iwan ako heto ang mga larawan at dalhin mo—pagmasdan mo na baka salaki ay magbago pa ang iyong isip at ako'y balikan.
ngunit sa nakikita ko mula sa iyong mga mata ay para bang disidido ka ng limutin ako, limutin ang kung anumang meron tayo. kung ayaw mo mang tanggapin ay itatago ko na lamang ito at ililibing sa ilalim ng mga buhangin. tanging hiling ko lang na sana'y tanggapin mo ang ibibigay kong isang larawan at itago mo upang sa pagdating ng panahon ay maaalala mo kung gaano ka kasaya sa piling ko.
BINABASA MO ANG
Ink of Passion
Poetrygamit ang aking pluma sinimulan ko nang isulat ang mga salitang hindi ko man lang maibigkas. dito ko na lamang idadaan ang lahat ng aking nararamdam na para bang sasabog kapag hindi ko man lang mailabas. mga nararamdam kong kasing lawak ng karagatan...