pangatlo

2 2 0
                                    

ako'y nalulungkot at sakit ng puso ang idinulot. sa kaisapang ika'y hindi na akin dahil tinapos mo na kung ano ang meron sa atin. ngunit ako'y nangako sa'yo na hangga't may nakakapitan pa ako, kahit ano pa ang mangyayari mayroon kang babalikan na ako. sana sa paglipas ng araw ng iyong pagpapahinga ay hindi mo makakalimutan ang mga salitang sinasabi kong mahal kita. panghawakan mo ito habang nagpapagaling ka dahil tutuparin ko rin hanggang sa mapasaakin kang muli aking sinta.

kayang-kaya mo ba talaga? hanggang kailangan mo ito magagawa? mga tanong na ibinato sa akin pero ako naman ay sigurado sa desisyon ko dahil alam kong ika'y makakapiling. kakayanin ang bawat araw na wala ka; imumulat ang mga mata at ngingiti dahil alam kong babalik ka pa. hanggang kailangan ko nga ba magagawang hintayin ka? handa ako sa mahabang panahon dahil ayaw ko ng maulit pa ang ating mapait na kahapon. hindi na gagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko, mga bagay na magiging dahilan kung bakit kita masasaktan at mga bagay na magiging dahilan kung bakit sa huli pareho tayong luhaan.

handa at aking isinumpa na hihintayin kita.

Ink of PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon