hindi mo kailangang patunayan sa kaniya ang 'yong sarili. hindi mo siya kailangang piliting magbago para sa'yo kasi siya mismo ang gagawa kapag gusto niya ito. huwag kang magpakabaliw sa taong puro naman pasakit ang hatid sa'yo na para bang hindi ka tao, huwag mong ipilit ang iyong sarili kung ikaw na mismo ang nakakita kung gaano siya kalupit sa'yo na ni minsan ay hindi iniisip ang nararamdam mo; at huwag kang magkandarapa sa kaniya upang mahalin din niya. ikaw na mismo ang dumistansya na kahit gaano mo pa siya kamahal ay kailangan mo pa rin siyang iwan dahil gagamitin ka lang para sa pansariling kaligayahan. bakit ka ba nagtitiis sa taong hindi ka totoong mahal? alam kong uhaw ka ng pagmamahal dahil hindi mo ito naramdaman sa sarili mong pamilya ngunit hindi mo ito kailangan mula sa taong ginagamit ka lang.huwag mong saktan ang iyong sarili't magpakalayo-layo na lamang para hindi na niya abusuhin ang iyong pagmamahal. kailangan mong imulat ang iyong mga mata at huwag kang magpabulag sa sinasabi niyang "mahal kita" kung ikaw mismo ay hindi mo ito maramdaman. kaawaan mo ang iyong sarili kaysa taong katulad niyang manggagamit. talikuran mo siya't huwag magpakatanga dahil nagmumukha kang kawawa. tingnan mo naman ikaw, palaging umiiyak at napapatanong sa sarili na "mahal niya kaya ako?" kahit pinapakita niya naman panakip-butas ka lang niya.
hindi ito ang nararapat sa'yo, mayroong taong ipaparamdam sa'yong ikaw ay kaparapat-dapat at sapat na sapat kung mamahalin. punasan mo ang iyong mga hula ay magsimula na wala na ang taong ito na walang ibang idinulot kundi sakit at puot.
minsan, kailangan nating pakinggang ang sigaw ng ating utak kaysa sigaw ng ating puso dahil ikakapahamak natin ito. huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin mo dahil kailan man hindi ka sasaya.
BINABASA MO ANG
Ink of Passion
Poetrygamit ang aking pluma sinimulan ko nang isulat ang mga salitang hindi ko man lang maibigkas. dito ko na lamang idadaan ang lahat ng aking nararamdam na para bang sasabog kapag hindi ko man lang mailabas. mga nararamdam kong kasing lawak ng karagatan...