naaalala ko pa ang panahon kung kailan tayo nagkakilala. napakasuplada mo na para bang pinagbagsakan ka ng langit at lupa ngunit nakilala mo ako kaya napapangiti ka na. nagsimula sa estranghero hanggang sa naging magkaibigan, naging sandalan ang isa't-isa, nagiging sumbungan ng mga problema - at naging rason para magiging maligaya. sa tuwing titigan ko ang iyong mga mata nakikita ko ang sobrang saya, saya na ako ang lumikha ngunit minsan ay hindi mo maiwasang umiyak kasi naaalala mo ang mapait na nakaraan. habang tinititigan ko ang iyong mga larawan ay hindi ko mapigilan ang pamaisip sa ating magandang kinabukasan. madalas mang mag-away ngunit sa isa't-isa pa rin ang bagsak.
hawak ko ng mahigpit ang iyong kamay at wala na akong balak pang bitawan ito, kasi para na ring sinira ko ang napakamagandang kinabukasan ko. mga halikhik mong nakakahalina, tila ba'y dinuduyan ako at napapapikit ang aking mga mata. boses mong parang musika sa akong mga tenga na 'kay sarap damhin at pakinggan ng paulit-ulit - na nagbigay ng kagalakan sa aking mumunting puso at mga ngiti sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Ink of Passion
Poetrygamit ang aking pluma sinimulan ko nang isulat ang mga salitang hindi ko man lang maibigkas. dito ko na lamang idadaan ang lahat ng aking nararamdam na para bang sasabog kapag hindi ko man lang mailabas. mga nararamdam kong kasing lawak ng karagatan...