ang ating istorya ay binabalak kong isulat sa malawak na kalangitan, upang sa aking pagtingala ay makikita ito at aking muling madama; di lubos maisip ang mga salitang sasabihin, iiwan na lang din ito kasama ang napakaraming bituin. kahit saang dako man ako mapapatingin, sa bawat paglingon ko ay hindi ko maiwasang mapaisip at dumaan sa aking mga mata ang mga ngiti na dulot ng masarap pag-ihip ng malakas na hangin.
ninanais kong maisayaw ka
sa harap ng papalubog na araw
ninanais kong makitang nakangiti ka
habang sa harap ko'y pasayaw-sayawmga mata mong masaya
mga haplos mong nakakahalina
sa mga titig ko, ika'y napatili
sa mga yakap kong nagbigay sa'yo ng matamis na ngiti
BINABASA MO ANG
Ink of Passion
Poetrygamit ang aking pluma sinimulan ko nang isulat ang mga salitang hindi ko man lang maibigkas. dito ko na lamang idadaan ang lahat ng aking nararamdam na para bang sasabog kapag hindi ko man lang mailabas. mga nararamdam kong kasing lawak ng karagatan...