LMH 3

27 0 0
                                    

NAKATITIG sa bilugang buwan at humihiling sa nagkikinangang mga bituin. Nakaupo ako ngayon dito sa tabing-dagat habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin.

I sipped a li'l from my iced cold coffee, and took a bite of my pepperoni pizza.

As I swallowed a piece of it, a realization then hit me.


Akalain mo 'yon?


Dalawang buwan na ang nakalipas matapos kong ubusin ang sarili sa isang taong hindi makita ang halaga ko.


Dalawang buwan na ang nagdaan nang walang natanggap na kahit anong sagot sa mga tanong ko.
Bakit hindi pwedeng ako?
Bakit hindi pwedeng kami nalang?


Puro ako bakit.
Puro ako tanong and I don't think its healthy cause everytime I hear his name, and see his name in the active lists, nababaliw ako at animong may bagyong namumuo sa isipan ko.


Anyhoo, I'm talking about Andrei, my former trainee.


Sabi nila, kung puro ka tanong at walang nakukuhang sagot, tama na. Kung maging ang halaga mo ay kinukwestyunin mo na, tama na.



That's why I stopped.
Hindi dahil sa napagod na akong gustuhin at hilingin siya sa tadhana.
Huminto ako dahil tingin ko mas kailangan ng sarili ko ang oras na ibinibigay ko para sa iba.



Nakalimutan ko ngang ayusin ang sarili ko nang mga panahong iyon.
Humaba ng kaunti ang aking balbas at bigote.
Maging ang aking buhok sa ulunan.
Pati ang pimples and acnes ko, animong nanganganak dahil nadaragdagan.


Pero ngayon. Okay na ako. Natanggap ko na.
Na sadyang pinagtagpo lang kami ng tadhana.
At, hindi kami ang para sa isat-isa.
Dahil hindi kailanman mangyayari iyon.



Bumalik na ako sa store matapos kong magliwaliw roon.Nais ko mang manatili pa roon ng ilang oras ay hindi ko ginusto dahil puro kabataang magkakarelasyon ang nasa tabi ko. Tss.



"Closing na naman ako?" tila naaawa kong pinagmasdan ang nakalabi na si Sof matapos niyang tignan ang kakasend lang na schedule.



Halos mag-iisang linggo na kasi siyang closing. Mukhang nangangayayat na nga siya dahil pakiramdam ko talaga pagod siya lagi sa gabi.


Gustuhin ko mang kuhanin ang schedule niya ay hindi rin aakma sa oras ko dahil may mga assignments pa akong kailangan tapusin at magagawa ko lang iyon sa gabi kung saan sa mga ganoong oras lang gumagana ang utak ko. Bukod pa riyan, paniguradong kukulangin siya sa tulog dahil dalawang oras ang byahe niya pauwi at mayroon na lamang siyang pitong oras para maghanda– hindi pa nabawas riyan ang byahe niya papunta ng store.




"Wala e. Dalawa nalang tayong naiwan dito sa dining," natatawang ani ko. "'Di bale, this week, sa-suggest kong ako naman mag-closing." Naramdaman kong nakahinga siya nang maluwag.



"May bagong paparating ah," bigla ay sumingit si Dolfo na hawak-hawak ang isang basong avocado ang laman, dahilan para lingunin namin ito.



"Edi wow," 'yon agad ang isinagot ko. Hindi malaman kung totoo ang kaniyang sinabj. Marahil nagbibiro, umaasa akong sana totoo.



Lead Me Home (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon