Isang hakbang mo pa palapit sa kaniya, lalayo na ako.'Iyan ang bulong ng isip ko nang makita ko siyang nakatingin na naman sa taong gusto niya. Humihiling ang puso ko na 'wag siyang gagalaw mula sa kinatatayuan niya dahil paniguradong masasaktan na naman ako.
Ang hirap ng sitwasyon na mayroon ako. Pero paniguradong nahihirapan rin siya sa relasyon na mayroon kami sa trabaho. Ako, siya at ang taong gusto niya.
Bakit hindi nalang ako, siya at 'ako' ang taong gusto niya? Imposible.
Maisip ko pa lang ulit ang mga katagang binitiwan niya nong huli kaming nag-usap, naninikip na ang dibdib ko. Alam kong wala siyang kasalanan kung bakit ako nasasaktan. Dahil damdamin ko ito at ako ang may kontrolado sa puso ko. He's not at fault why I fell. Sadyang mabilis lang ako maattach at mahulog sa mga salita niyang alam ko namang walang katotohanan. Sumasabay lang siya sa trip ng mga kasama namin sa trabaho. Doon ako naiinis.
Napapikit ako nang marahan nang mapansin kong humakbang siya papalapit sa harapan. Kung saan naroon si Naomi. Agad akong tumalikod at nagtungo sa kitchen para libangin ang sarili at hindi makita kung anumang magpapasakit sa damdamin ko.
Totoo. Nasasaktan ako 'pag nakikita ko silang dalawa na nag-uusap at nagtatawanan. Kahit wala naman akong karapatan magselos, dahil una sa lahat, hindi ko siya pagmamay-ari at hindi ako ang gusto niya.
Alam niyang gusto ko siya.
Alam nilang lahat na gusto ko siya.
At halos malaman na rin ng buong mundo kung sino ang gusto niya.
Hindi ako iyon.
Ang awkward ng dating, sandaling magsama-sama kami sa dining.
Kailangan kong tiisin dahil wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanan na hanggang mag-katrabaho lang kami.We're not friends.
We're just colleagues.And, I don't wanna befriend him now that he knows and everyone knows how much I like him. Dahil kung magkasama kami at bawat galaw na gagawin ko o niya ay bibigyan nilang lahat ng ibang kahulugan, panunukso dito, panunukso doon, lagi nalang akong masasaktan.
"Opening mag-break na," ayan na ang malakas na boses ni Sir Mario. Mabuti naman kung ganoon. Dahil hindi kaaya-aya sa aking paningin ang kung anong nakikita ko ngayon. Magkaharap sila sa harapan at pabulong na nagkwekwentuhan. Bukod pa sa kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Nalimutan ko na naman ang mag-almusal bago pumasok.
Hays, buhay nga naman. Kung anong mas kailangan ko, 'yon pa ang nakakalimutan ko. Hindi ko naman kailangan ng love na 'yan, bakit napakahirap kalimutan?
Sumulyap pa ako ng isang beses at 'di inaasahang nagtama ang paningin naming dalawa kaya agaran na akong umiwas at tumalikod papuntang kitchen.
"Pa-meal 3 naman ako," bulong ko kay Dolfo matapos mag-endorse saka ako nag-bio out. I washed my hands at the PWD restroom. Doon ako nagpunta. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nangiti nang kalahati.
Tsk, tsk. Ang pogi pogi mo, Keeko, kaya hindi mo dapat iiyakan 'yang love na 'yan. Hindi ka dapat nagpapaapekto. Sanay ka ng masaktan kaya dapat wala na sa'yo 'yang mga ganyan. Hays.
Huminga ako nang malalim at nangiti. 'Yong ngiti na laging nakikita sa'kin ng mga tao. And, I went outside of that room after a few minutes. Gulat pa ako nang pagkabukas ko ng pinto ay ang nakaputing uniform na si Ma'am Tyna, nakaharap sa pintong nilabasan ko habang idinidikit ang pagkahaba-haba niyang eyelashes.
"Grabe naman, ma'am. Kakagulat ka." sabi ko sa kaniya.
Natawa lang siya. "Saglit, 'di ko makabit."
Natatawa ko nalang rin siyang pinanood idikit ang mga bagay na iyon sa mata niya."Ano 'yan? Props na naman?" kaswal kong tanong.
"Anong props ka diyan?" Tss. Akala niya hindi ko alam kung bakit halos araw-araw ay may dumarating na parcel sa store para sa kaniya. Puro iyon eyelashes na iba't- iba ang sukat at minsa'y iba-iba ang kulay. Hindi ko alam kung animong maitatago ba ng mga bagay na iyon ang lungkot sa kaniyang mukha at ang minsang luha sa kaniyang mga mata.
Hindi.
'Cause as what they always say, "eyes never lie."
Pero sana nga.
At, sana ganoon lang kadali.
Nang masubukan at magawa ko rin.
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, kung ang nais ko lang naman ay itago ang damdamin kong nasasaktan."Ahem."
I cleared my throat as I am now heading to the expediter station. They are still there. I mean, he's still there. Its so awkward. Naomi should always be at the front as well as there should be one Ambassador welcoming the guests. There's no issue, it's just me making one.
"Tess, pasuyo naman ako ng meal ko." Kay Tessie ko iyon ipinakuha sakto sa paglabas niya. Kita ko sa peripheral vision ko na nilingon nila ako pero ni isang segundo hindi ako tumingin sa kanilang gawi.
"Thanks much!" nakangiti kong sabi nang maiabot ito sa akin. Umalis na ako to get utensils in the cutlery warmer, na katabi lang rin naman ng station na iyon.
Bawat yapak ng aking paa ay ang umaasa kong sarili na sana banggitin niya ang pangalan ko. Banggitin lang. Kahit ano nang sabihin niya, wala akong pakialam. Gusto ko lang marinig ang boses niya ng ako naman ang kinakausap.
Pero wala e.
Wala lang ako sa kaniya.
Kaya, dapat ko na talagang itigil itong nararamdaman ko habang maaga pa.
Ayokong lumalim pa ito ng lumalim hanggang sa masaktan ako nang masaktan nang masaktan nang paulit-ulit sa tuwing makikita at maririnig ko ang pangalan niya, dahil panigurado... paniguradong hindi lang isang buwan o dalawa bago ko siya makalimutan. Baka umabot ng isang dekada kung 'di ako titigil ngayon pa lang.I've been in this situation once. Nangyari na ito e.
Nangyari na ito pero hindi ko pa rin pinigilan. Doon ako nagkamali.At, kung maibabalik ko lang ang oras.
Itatama ko na 'yon.
Though, wala namang mali kung nagkagusto ka.
Sadyang 'wag lang daw talagang aasa dahil sa huli ikaw ang talo at paulit-ulit na magpapakatanga.Bigla ay parang gusto kong bumalik sa umpisa.
Normal na araw.
Normal na panahon.
Normal na pakiramdam.
Normal na usapan.Siya at ako.
At ang usapan ay umiikot lang patungkol sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
Ficción GeneralHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...