"KEEKO," Napalingon pa ako sa kaniya nang tawagin niya ako.
Humakbang ako pabalik. Paharap sa kaniya.
Hinihintay ang kaniyang sasabihin."Biro lang," hindi ko naintindihan kung ano ang sinasabi niya. "Biro lang lahat," saad pa nito.
"Biro ang alin?" Nagtanong pa ako dahil hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin.
Lumapit siya sa akin.
At parang naiilang ako sa mata niyang sa akin nakatingin.
Ramdam kong ramdam niya ang nararamdaman ko.
Parang may animong kumakatok sa loob ng dibdib ko dahil kabog ito ng kabog.Bakit kasi kailangan pa niyang lumapit?
"Wala pa akong anak." Parang gumaan ang pakiramdam ko nang banggitin niya iyon. Bagaman hindi ako agad nakapagsalita bilang sagot sa kaniyang sinabi, natuwa ako.
Natuwa ako na para bang kahit hindi niya sabihin iyon ay lilihis ang nararamdaman ko sa kaniya. Isa na namang imposible. Dahil makita ko lang siyang mangiti, lumalalim ito.
"Ano?" Maang-maangan at bingi-bingihan kong sagot. Nangungumpirma.
"Biro lang 'yong may anak na ako, kako," nakangiting aniya.
"Weh? Sabi nila may anak ka na raw e." Nagpupumilit ko pang sabi kahit mismong sa kaniya na nanggaling.
"Okay. Maniwala ka nalang sa kanila kung maniniwala ka."
Akma na siyang aalis nang magsalita pa ulit ako.
"Eh, sino 'yong binanggit mong pangalan ng bata." Parang hindi ko na natandaan ang pangalan na sinabi niya dahil hindi ko iyon masabi."Gawa-gawa ko lang 'yon. Gawa-gawa ko lang lahat.
'Yong may anak na ako at pangalan ng bata."What a relief.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga pinagsasasabi niya. Halos nauto niya ang karamihan sa amin na may anak na siya. Maging ako nong umpisa ay ayaw talaga maniwala pero sa kung paano siya magkwento, parang seryoso siya sa lahat ng kaniyang pinagsasasabi."May experience na ako but that was 6 years ago. Not with my exes but with someone I had met once in a bar near to where I was working." Hindi ko malaman kung bakit niya sinasabi sa akin 'yon. Hindi naman ako nagtanong at tingin ko hindi niya naman obligasyong sabihin iyon. Kami itong naniwala agad-agad at hindi niya na iyon problema. Sadyang mga uto-uto lang talaga mga tao ngayon.
"You don't have to say that. You're not obliged to explain, no one asks you to do so."
"Ang bilis kumalat ng sinabi ko," natawa na lang siya. "Binibiro ko lang sila Lauren at Saturn sa counter kanina dahil mga anak-anak 'yong usapan tapos naniwala sila. Hindi ko alam lahat kayo maniniwala," dagdag pa niyang sabi.
"Masanay ka na dahil lahat ng bibitiwan mong salita, iikot at iikot 'yan. Ayaw mo man iparating sa iba, makakarating at makakarating 'yan."
Tango lang ang isinagot niya sa aking sinabi.
Tapos nakangiti na akong tumalikod habang nilalaro ang mga susi sa aking daliri tahak-tahak ang daan papuntang kusina.Nadatnan ko sina Tess at Lauren na paniguradong 'yon pa rin ang pinag-uusapan. Para akong matatawa nang makita ko sa mukha ni Tess ang pagkadismaya sa kaniyang nalaman. Tulala siya sa kaniyang ginagawa habang ako ay nangingiti na lang dahil tingin ko, sa akin lang sinabi ni Israel na biro lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
General FictionHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...