HINAYAAN kong tumakbo ang ilang minutong iyon.
Hindi mabagal.
Hindi rin mabilis.Awtomatiko akong nangiti nang biglang magbukas ang front door at ang ngiting-ngiting si Israel ang lumabas roon. Bagaman hindi ako nagpahalata, may kinang sa aking mga mata nang magtama ang tingin naming dalawa.
Dumaan siya sa'king harapan nang walang kahit anong salitang lumabas sa kaniyang bibig. Ni mangamusta o mag-"hi" ay hindi ko narinig sa kaniya. Pero bakit nga ba kasi niya iyon gagawin?
Tanging ang nakabibighaning amoy ng kaniyang presensya ang naiwan at aking nalanghap. Ang bango.
Bigla ay ginanahan akong kumilos.
Bigla ay nagkaroon ako ng lakas para gawin ang mga bagay na kanina lamang ay pilit kong tinatanggihan gawin dahil tingin ko'y nakakapagod ang mga ito.Kinuha ko na lamang ang brush at sinunod ang utos ni Sir Mario na kuskusin ang isang bahagi ng walls ng dining. Para akong tangang nangingiti kada kuskos na aking ginagawa. Si Lauren na nasa harapan ay tinatanong ako kung anong nangyayari sa'kin. Sinasabihan pa'kong 'baliw'. Hindi ko naman pwedeng sabihin kung sino ang dahilan ng ngiting iyon dahil maging ang kaibigan niya ay tipo ang tipo ko.
"Kumusta ka na diyan?", lumabas si Sir Mario mula office na may nginunguya pang pagkain.
"Malapit na Sir," sagot ko. Hindi niya alam, nalibot ko ang buong dining para linisin ang pinagagawa niya.
Maging ang ibang gawain na para sana kay Sof mamaya sa closing ay nagawa ko na dahil tuwang-tuwa ang puso kong makita si Sra. Mas lalo pa akong nangiti nang makita ko siya sa unang pagkakataon na suot ang uniform namin. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay kahel na pantaas, itim na pants at sumbrero. Maging ang sinturon nitong kakulay ng tshirt niya at may bahid ng puting linya sa gitna nito ay pinagmasdan ko. Halos bawat suot niya sa katawan ay bagay na bagay sa kaniya. Ano pa 'yong lagi siyang nakangiti 'pag nakababa ang itim niyang mask?
Agad akong napaiwas ng tingin nang makita niyang tinititigan ko siya. Baka mahalata na niya ako? O baka alam na nga niya? Paanong hindi? E halos oras-oras akong tinutukso sa kaniya 'pag nakatalikod siya. Imposibleng hindi pa siya nakakaramdam.
"Pogi 'no?" tanong ni Ma'am Tyna sa'kin. Nasa tabi ko na pala siya.
"Sino?" kunwaring hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Nagpatuloy ako sa paglagay ng sanitizer sa spray bottle na hawak.
"Si Israel."
"Sus. Mas pogi pa nga ako, e," biro ko na inirapan lang niya.
"Gusto mo tawagin ko?" Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.
"Ba-Bakit mo tatawagin?" nauutal pa ako.
"Bakit ka nauutal?" Napansin pa niya. Hindi ako sumagot. Nangamot lang ako sa ulo saka hinanda ang sarili sa mga susunod niyang maaring gawin. "Israel!!",ayan na nga at sumigaw pa siya. Tinawag ang kasamahan naming kakatalikod lang at kakatapos lang uminom ng tubig.
"Po?" nang makalapit ito sa aming gawi. Pasimple akong tumalikod. Umiiwas ng tingin.
"Gwapo mo sa uniform mo ah," ani Maam Tyna na pinupuri si Sra, minamasdan taas-baba nitong postura.
Naiilang si Sra. Pansin ko iyon. Nangiti lang siya. Hindi siya umimik.
"'Diba Keeko?" biglang baling sa akin ng manager ko.
Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin dahil bakit kailangan niya akong tanungin ng gano'n sa harap ni Sra. "H-huh?" nauutal talaga ako. Sinigurado ko munang walang babara sa lalamunan ko sa oras na magsalita akong muli. "Oo. Syempre naman. Sa dining 'yan e. Pogi kaming lahat sa dining," taas-kilay kong sagot.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
General FictionHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...