"NARINIG ko 'yong sinabi mo," banggit ko kay Sra nang madatnan ko siyang abala sa hugasin sa 3compartment sink.
Nilingon niya ako at sandaling tinignan sa mata.
"Alin?" tanong niya sa akin at isinalansan ang mga pinggan na kalalabas lang sa dishwashing machine.Napalunok pa ako bago sagutin ang tanong na alam ko namang alam niya ang sagot. "Hindi nga ako 'yon," sabi ko na para bang pinipilit niya akong aminin ang bagay na hindi naman ako ang may gawa. Ni wala nga siyang komento kung hindi lang siya tinanong. Sa katahimikang taglay at pagkatao niya, alam kong sasarilinin lang niya ang opinyon niya unless hingiin ito.
"Wala naman akong sinabi na ikaw 'yon ah," salubong ang kilay niya pero nakangiti pa rin.
"Anong sinasabi mong kunware pa ako?" tanong ko pa. Gusto kong malaman ang ibig niyang sabihin sa mga salitang binanggit kanina.
"Hindi ikaw 'yong sinasabihan ko," aniya na hindi ko pinaniwalaan. Mayroong parte sa akin na naniniwalang para sa'kin ang kung anong sinabi niya .
"Para kanino?" hindi ko talaga siya tatantanan.
"Wala. Basta ko lang nasabi,"ang tangi niyang sagot. Pinangunutan ko siya ng noo. Parehong nagtama ang tingin naming dalawa. Iyan na naman ang mga mata niyang 'pag sa akin nakatingin ay parang nililigaw at nililinlang ako.
Bigla ay sumigaw si Sir Dè dahilan para matinag kami sa gano'ng sitwasyon. "Utensils. Palabas," aniya sa amin na pareho naming nilingon at agad isinunod. Sabay kaming humakbang papunta kung saan nakalagay ang cutlery bin at parehong yumuko. Ayon at nagbungguan ang pareho naming mga ulo.
Nagtinginan kaming muli at hindi ko namalayang nakangiti nalang ako sa nangyari samantalang siya ay naiilang na nang makarinig kami ng tuksuhan mula sa mga kasama namin. Tinignan namin kung saan nanggagaling ang panunukso at naroon na nga sila Ma'am Tyna na pagkalawak-lawak ang ngiti at Eertah na may pinakamalakas na tawa.Bumitaw ako sa bagay na pareho naming hinawakan. Ipinaubaya ko iyon sa kaniya at bumunot nalang ito bigla ng gloves saka tumungo palabas.
Nakangiti kong pinagmasdan ang kaniyang likuran at katawan na lumalayo sa aking gawi. Saka ko ulit narinig ang panunukso na nasa aking likuran na pala.
'Dahil sa iyo, puso ko'y sumasayaw
Isip 'di mapakali, ngiti ay laging nasa labi' boses ni Nereesa ang bumulong sa aking tenga na alam kong purong panunukso. Umilag ako sa kaniya kahit hindi ko na matago ang ngiting sumisilay sa aking mukha."Tama ka na. Walang gano'n," sagot ko sa kaniya.
"Sus. Kunware ka pa," inulit niya ang mga salitang iyon na ginagaya rin ang boses ni Sra na hindi naman niya magaya. Natawa na lang ako saka ko siya inambaan ng batok.
Sabay-sabay nilang kinanta ang liriko ng kantang iyon.
Nakakakaba, nakakaaliw
Nakakakilig, nakakabaliw
Napapakanta, napapaisip
Napapangiti, nakakabaliwSaka sila nagtawanan nang iwanan ko sila roon na animong mga palakang bumoboses at nagsilabasan matapos ang malakas na ulan.
"Closing ka diba, Ke?" tanong sa akin ni Driggs nang masalubong niya ako papuntang restrooms.
Umiling ako. "Hindi. Pre-close lang. Si Israel ang closing ko," sagot ko sa kaniya. Closing rin si Driggs.
"Syempre hihintayin mo 'yan no. Technically, closing ka na rin," siya ang nagdesisyon na para bang buhay niya ito.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
General FictionHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...