ANO ba ang tugmang salita ang maaari kong ilarawan sa aking nadarama nang araw na iyon?
Lahat binibigyan ko ng kahulugan.
Parang lahat ng bagay ay nakangiti sa akin sandaling madaaanan ko ang mga ito.Nakakabaliw pala talaga 'pag nakikita mo ang taong gusto mo –araw-araw.
Nakakatrabaho ko pa. Biruan? Hindi gaano dahil sa takot kong makahalata siya sa mga tuksong ibinabato sa aming dalawa.Pero.
Tingin ko may ideya na siya sa mga nangyayari.
Gusto kong hilingin na sana meron nga.
Pero parang mas ayos rin na hindi muna.
Parang imposible.
Dahil ang bawat pag-amin ko sa group chats namin na gusto ko siya at i-unsent man agad iyon ay nakukuhanan agad nila ng litrato.
Ano pa ang takas ko?
Ginagawa ko nalang dahilan na si Ma'am Tyna ang gumagamit ng account ko at nagtitipa ng kung ano-anong mensahe kahit ang totoo ay ako 'yon.Nope. Binabawi ko. Hindi lahat.
Hindi lahat ng nasa convong iyon ay galing sa sarili kong pagtipa o damdamin pero kahit pa man, sumasang-ayon ang puso ko sa mga salitang nanggagaling sa tipaan.Sadyang nahihiya lang akong umamin kahit totoo naman lahat ng iyon.
Nagising ako nang maramdaman kong kumirot ang aking paanan. Para itong kinukuryente at kung igagalaw mo ay ikatutumba mo't lalakas ang epekto nito. Sinuklay ko ang aking buhok nang lingunin ang kabuuan ng dining. Hindi gaanong madami ang tao. Sakto lang. I'm on my break. I still have my thirty minutes before going back to my shift. Tinignan ko ang oras saka pasimpleng sumulyap kay Sra nang dumaan ito sa aking harapan na may hawak-hawak na mga tray.
Yep. I think tonight will be the best night so far. With him. I hope so. I am his pre-closer. Two hours lang ang gap namin. Gayunpaman, hindi ko naman siya iiwanan dahil bukod sa bago pa lang siya sa closing ay gusto ko siyang makasama nang matagal.
Nangiti ako sa ideyang maaaring mangyari ngayong gabi. Pero sandali ring napawi nang makita ko siyang magpunas ng kaniyang pawis gamit ang likod ng kaniyang palad at umaktong nag-ehersisyo. Tingin ko'y gutom na ito kahit dalawang oras pa lang ang itinatagal niya simula nang pumasok siya. Bigla ay gusto kong hilinging kahit isa man lang sana ay may magsuhestyon na pakainin na siya.Gusto ko sanang ako ang mag-utos o magsabi pero alam kong 'pag ginawa ko 'yon ay tutuksuhin na naman ako. Gusto kong lapitan si Ma'am Tyna at sabihin iyon pero nakita ko siyang nagmamadaling tumakbo palabas ng store. Sinundan ko siya pero abala na siyang makipag-usap sa isang rider na may iniabot sa kaniyang isang kahon. Hindi ko alam kung ano ang laman. Lalapitan ko na sana siya nang madaplisan ko naman ng tingin ang motorsiklong sinasakyan ni Ma'am Niana. Nabaling ang atensyon ko sa kaniya nang mahirapan itong makababa sa sinasakyan kaya pinaandar pa ito ng rider sa may mataas na sahig upang doon siya makababa at 'di mahirapan.
Naisip ko itong kuhanan ng bidyo ngunit nang dudukutin ko na sana ang aking phone sa jacket na suot ko ay wala akong nahawakan. Kinapa ko na rin maging ang bulsa ng aking pantalon ngunit wala. Tatawa-tawa mang pumasok ng store ay ang kakaba-kaba kong sarili dahil sa pag-aalala kung saan ko nailagay ang bago kong phone.
Nawala ito sa isip ko at hindi ko alam kung saan ko ba iyon naipatong. Bumalik ako sa kung saan ako nakaidlip kanina. Alam ko at sigurado akong doon ko iyon inilapag pero wala ako roong nadatnan. Nagpunta pa ako ng restrooms sa pagbabaka-sakali pero alam ko namang hindi ako roon nagpunta kanina bago ako lumabas.
Nagsimula na lang akong manbintang.
Si Eertah agad ang una kong nasalubong nang pumasok ako ng kitchen. Nakita ko siyang nakangiti and I take it as a hint."Akin na," ang tono ng aking pananalita ay parang sigurado akong siya talaga ang kumuha ng phone ko. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya.
"Ang alin," ang lakas na naman ng boses niya at amoy ko pa ang sigarilyo mula sa kaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
Fiction généraleHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...