LMH 6

21 0 0
                                    

HALOS mahulog sa kaniyang kinauupuan si Tess nang pabigla kong ipinatong ang aking dalawang braso sa kaniyang balikat. Ni para siyang nasa kawalan at 'di malaman kung anong pinagpapantasyahan.

Itong Amerikanong nakatayo sa kaniyang harapan at naghihintay ng kaniyang orders? O etong si Israel na mahinahong ipinapaintindi sa guests na hindi hilaw ang manok na nai-serve sa kanila kundi dahil spicy ito at ganoon ang kulay dala ng marination process.


"Letse ka talaga." Masama na ang tingin nito sa akin samantalang ako ay natatawa nalang sa reaksyong ibinigay niya.




"Kausapin mo na kasi. Ang tagal mo rin siyang hinintay 'di ba?" pabulong kong sinabi sa kaniyang kaliwang tainga. Iniisip ang aking sinabi.



"Bakit ko kakausapin?" Nagpapakipot pang aniya. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.


"Suuuuus. Halata ka kaya." Kumuha ako ng disposable spoon and fork na nasa ilalim ng kaniyang kinatatayuan.



"Letse. Umalis ka na nga rito. Doon ka sa dining," tawa lang talaga ang isinagot ko sa kaniyang sinabi saka ko binaliktad ang cap niya kaya mas lalo siyang nainis. Ganda talaga asarin nitong babaeng ito.




Bumalik na ako sa dining matapos no'n dahil ibinigay ko sa guest ang aking kinuha. Chineck ko rin 'yong mga restrooms. Hindi gaanong ma-tao nang sumapit ang alas dose. Nakakatamad kumilos dahil wala ka nang maisip gawin. Nagawa na kasi lahat kahapon. Unless, may makita na namang isang tagong area itong si sir Mario para ipalinis sa'yo. Kahit busy siyang nagbibilang ng pera sa counter, may maiisip at maiisip siyang ipalinis sa'yo. Kulang na nga lang pati maitim na batok ni Saturn ay ipalinis niya dahil nga sa walang magawa.




Humakbang ako palapit kay Sra nang makita itong nasa bussing station lang at nag-aabang ng iba-buss out na table. May gusto akong sabihin. Pero hindi pa man nakakalapit sa kaniyang kinaroroonan ay humakbang naman ito palayo. May unbussed table pala at simple siyang humila ng tray para puntahan iyon.


It was his third day. Sa mga nakalipas na araw ay limitadong mga salita lang ang lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi talaga siya magsasalita kung hindi mo kakausapin o tatanungin. O baka sa akin lang? Imposible. Dahil maging 'yong mga kasama ko ay ang pagiging tahimik niya ang usapin.



"Keeko." Ayon na ang tinig na aking narinig nang dumaan ako sa harapan ni Sir Mario. May hawak na naman siyang pera at maliit na papel. Ano pa ba ang aasahan ko? May ipapabili na naman siya sa akin.





"Yes po?" Kahit alam ko naman na ang sunod niyang sasabihin ay nagtanong pa rin ako.



"Bilhin mo'to sa Alfamart." saka niya inabot sa akin ang pera at 'yong papel. Napanguso nalang ako dahil wala naman akong magagawa kundi sundin ang utos niya.



I just went to the locker area to get anything where I could cover my orange uniform. Kinalkal ko bawat locker, nagbabakasakaling may makita ako. Nalimutan ko kasing dalhin 'yomg sweater ko. Buti nalang laging may dala si Lauren kaya walang paalamanan ko 'yong isinuot sa aking pantaas.


"Kix." Sabay na boses ang nagpalingon pa sa akin bago ako makalabas ng store. Si Eertah at Saturn na may nginunguya na naman.



"Bakit?"



"Saan ka punta?" Hays. Nagmamadali nga akong lumabas para hindi nila mahalata kung saan ako pupunta pero mukhang naramdaman nila ang yabag ng aking mga paang paalis. Alam kong alam nilang dalawa kung saan ako papunta. At alam ko ang tanging dahilan kung bakit nila ako tinawag.




Lead Me Home (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon