NILINGON ko ang lalaking iyon. Prente ito sa paglalakad na tinatahak ang daan papuntang kitchen.
Gusto kong habulin at sabihing hindi doon ang CR pero 'di pa man nakakahakbang ay lumabas muli ito kausap na si Sir Gil.
Akala ko guest. Pero hindi pala.
"Kix." Pagtawag nito sa akin. Sinenyasan niya akong lumapit kaya lumapit ako paroon sa kanilang gawi.
"Yes po?" tanong ko. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang tingin ng lalaking nasa aking harapan.
"Trainee mo." Dahilan para lingunin ko na ang kakangiti lang na bago.
"A-ahh." I was speechless. I was lost of words. I didn't even know why it feels awkward when our eyes met. Naiilang ako sa pagtingin niya. Bakit gano'n?
"What was your name again?" Sir Gil asked him and that was the moment when my phone dings so I have directed my eyes towards it. Who's this person that keeps on texting me? Nantitrip ba 'to?
"Hope you like it!" What the heck? Will like what?
"Israel po." sagot nito na dinagdagan pa matapos tumango ng kausap. "Sra nalang for short."
I cleared my throat before telling him to walk after me. I just roamed him around the entire store. I gave him the JobAide so he could review and write important details that I am saying. Pero, wala raw siyang dalang paper. He has no pen as well. Ano bang klaseng trainee 'to? Why was he not prepared?
Tinatamad akong magpunta ng office dahil nagma-mop si Eertah. Panigurado 'pag dumaan pa akong muli sa daang nalinisan niya na ay magbubunganga na naman ito. Malakas pa naman ang boses nito kung magsalita. Panigurado lahat ng guests makakarinig.
"Isusulat ko nalang mamaya. Bibili nalang ako ng notebook." he said.
So, we continued.
It took me seven minutes to say what are things that he must always remember. Of course, standards in our station are necessary. And, I gave him three minutes to think and throw questions he want to ask. Pero wala raw siyang maisip.
"Sige. Mamaya."
I let him wander around for almost an hour. Hinayaan ko siyang pagmasdan ang kilos ng bawat isang tao na madaplisan ng kaniyang mata. It was not his first job as what he had told me. But this was his first fastfood job. He once worked at this famous casual dining restaurant but things were different. They do not do buss out tables. They were just there to serve and accompany guests. Ni natatatawa ko nga siyang pagmasdan gumamit ng mop. Hindi niya alam gamitin ito na para bang kakapanganak niya pa lang kahapon at kakaimbento pa lang ng bagay na iyon.
Napakapangit tignan ng sahig 'pag siya ang nagma-mop. Animong may naglaba dahil sobrang basa ng sahig at may mga kanto nito na hindi nadaraanan ng basa.
"Hindi ganiyan," natatawa kong inagaw ang mop na hawak niya at ipinakita ko sa kaniya ang tamang paggamit nito.
Ibinigay kong muli sa kaniya iyon at ipinasubok ko sa isa pang pagkakataon. Umaasang nakuha na niya ang aking sinasabi. Pero hindi pa rin. Sa halos apat na minutong lumipas upang ipaintindi sa kaniya ang aking ginagawa ay ako na ang nakatapos na i-mop ang buong tindahan.
Mahiyain siya. Well, a thing I understand since he's new. Maybe a week after or a month, kakapal na rin mukha nito. Siya na mismo gagawa ng sarili niyang schedule at magdedesisyon sa mga bagay na hindi na kailangang aprubahan ng mga managers.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
General FictionHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...