LMH 14

7 0 0
                                    

HINDI ko na inisip kung para saan 'yong sulat na napulot ni Sra. May pagtataka pa man pero nilukot ko nalang iyon at itinapon. Ewan kung bakit may panghihinayang sa mukha ni Sof at Sra nang itapon ko iyon pero hindi na rin pinansin.



Pumasok ako sa locker area at inilagay sa locker ko ang dala-dalang chocolates. Tumikim lang ako ng isa at nang mapadaan sa aking harapan si Sra ay may biglang pumasok sa aking isip. Nangiti nalang ako nang kuhanin ko ang isang kahon no'n at ilagay iyon sa locker niya. Pasimple ko 'yong ginawa. Hindi ko nalang alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Ano 'yan?", awtomatiko akong napalingon nang madatnan ako ni Driggs doon sa locker area. May head band siyang suot na kita ang malawak niyang noo. Gusto kong sabihin na kamukha niya 'yong clown sa palabas na 'IT'.

"Chocolates. Hindi ba obvious?" I asked her sarcastically instead.

"Ang ibig kong sabihin, anong ginagawa mo diyan? Nakita kitang naglagay ng tsokolate sa locker ni Sra," nanlaki ang mata ko nang lakasan niya ang boses.


"Huy! Ano ka ba? Ang lakas na naman ng boses mo. Bawal bumulong ha? Hindi uso? Hilain ko baba mo, e," singhal ko sa kaniya dahilan para mapahawak naman siya sa kaniyang baba.


"O, 'e ano nga?" tanong pa niya.


"May nagbigay sa akin kanina," turo ko sa matatamis na hawak. "Syempre ishe-share ko 'no," palusot ko.


"Ishe-share? Pero kay Sra lang?" banat ng kaibigan ko.


"E, kanino pa ba dapat?"


"Hello? Kaibigan mo ako so need ko rin matikman 'yan," saka niya hablot sa hawak ko na ikinagulat ko.
"Ano? Parang ayaw mo pa ah," kunwaring balik niya sa pagkaing hinablot nang mapansing masama ang tingin ko sa kaniya. Taena nito, pwede namang manghingi nalang e.


"Sraaa!" biglang sigaw niya na tinatawag ang katrabaho namin. Nanlaki ang mata ko nang maisip kung anong maaaring gawin niya. Alam ko ang takbo ng isipan nitong kaibigan kong 'to. Alam niya ang kahinaan ko. 'Yon 'yong mga sikretong maaari niyang ilaglag na ikapapahiya ko kahit alam ko namang hindi niya kayang gawin sa akin. Well, who knows? There were times na wala siyang preno kung magsalita.



Pero maaaring mahalata dahil sa kung paano ako umakto at mag-reak. Bigla ay gusto kong isungalngal ang lahat ng tsokolateng nasa kamay ko nang matahimik na si Driggs.



"Bakit?" biglang lapit ni Sra. Tinignan pa ako ni Driggs na para bang sinasabi niyang 'wag ko siyang hamunin dahil anumang oras ay malalaman nitong si Sra na gusto ko siya.

Tumikhim muna ako. Ako na ang nagsalita. "Hmm. Ano. Ahhh. Pasuyo naman ng utensils. Palabas nalang," kunwaring utos ko. Mabuti nalang at may utensils na ro'n. Alam niyang kailangan ng ilabas ang mga 'yon dahil paniguradong wala na sa labas. At ayaw naming madatnan ni Sir Meliton ang cutlery warmer nang kakaunting utensils ang laman.


Kinuha ni Sra ang cutlery bin na may mga spoon and fork saka na lumabas. Sinunod ang aking utos.




"O, diba? Natakot ka, " saka siya malakas na tumawa pero nasamid nang isubo ko ang isang malaking piraso ng chocolate sa bunganga niyang malaki.



Natatawa ko rin siyang tinalikuran saka na ako lumabas sa locker area. Paglabas kong kitchen ay ang pa-kanang gawi patungo sa dining. Maliit na espasyo o pasilyo ang daan. Gulat nalang ako nang pagliko ko ay ang nakabungguan kong si Sra.


"Putangina," saka siya napaatras. Para siyang tanga na sobrang lakas kung magulat.


"Sorry," ako agad ang humingi ng paumanhin kahit pareho naman kaming walang alam na magbubungguan kami. Hindi niya ako sinagot. O maaaring nagsalita siya pero hindi ko na narinig dahil iniwan ko siya roon. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog no'n bago ko pa puntahan ang isang guest na nagpapalinis ng kaniyang mesa.


Lead Me Home (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon