"CLOSING ka ulit bukas," narinig ko nalang na sabi ni Eertah kay Israel. Siguro ay tinanong ng huli ang kanyang pasok bukas kung kaya't gano'n ang sinabi ng una.
Hindi pa man siya nakakasagot at hindi pa man tinatanong ay pinangunahan pa ni Eertah si Sra. Nakaramdam siguro agad ito sa maaaring itanong sa kaniya lalo pa't nakatingin ako sa kanilang dalawa at nakikinig sa usapin. "Ikaw ulit 'yong mid niya," saka siya tumawa ng nakakaasar. Baliw.
Siya ba o ako? Dahil nang marinig ang katagang iyon parang nagtatatalon sa tuwa ang puso ko. Ngayong gabi pa nga lang ay hindi na mabura sa aking labi ang ngiti sa tuwing inuutusan ko siya sa mga dapat niyang linisin at gawin habang may bahid ng maktol sa kaniyang mukha.
"Pinull-out na ata 'to kagabi e," kamot ang ulo niyang banggit. Nangiti ako sa kaniyang reaksyon dahil wala nalang siyang magawa kundi ang sundin ako.
"Gabi-gabi po 'yan pinu-pull out idol," sagot ko sa kaniya at pinangunahang hilain ang mga couch.
"Hays," rinig ko ang buntong hininga niya na sinadya atang lakasan.
"Luh, nagrereklamo ka ata e," kunwaring ani ko.
Nakikita ko sa gilid si Ma'am Niana na nanunukso ang tingin. Nakaupo sa expi station at 'di ko alam kung kinukuhanan ba kami ng litrato o ano dahil sa nakatutok ang camera ng phone niya sa aming dalawa.
"Walang tao e. I mean, haba pa ng oras. Anong gagawin mo? Edi maglinis."
"Oo nga. Wala naman akong sinasabi ah. 'Di naman ako nagrereklamo," nakanguso niyang sabi saka nagpatuloy sa paglilinis.
Tumalikod ako sa kaniyang gawi dahil hindi ko na mapigilan pa ang ngiting sisilay sa aking labi. Baka mahalata niyang paraan ko ito para asarin siya. Pero ang totoo, gusto ko lang siyang makausap at gusto kong magkaroon ng mahabang conversation sa pagitan naming dalawa.
Halos magdadalawang oras na akong tumutulong sa kaniya sa paglilinis. Kanina pa dapat ako nakauwi. Kanina pa dapat ako nakahiga at tapos nang kumain pero dahil sa kagustuhan kong makasama pa siya ng matagal ay tiniis ko ang mga iyon.
Minsan lang mangyari 'to.
Minsan lang.
Who knows bukas wala na siya?
Who knows bukas hindi ko na siya makikita?
So, I just grabbed the opportunity to be with him that night kahit sa work lang."Tumatakbo ang oras mo, hoy," naroon na naman ako sa likod niya at ipinapaalala iyon. Nakita ko na naman kasi siyang nakatayo sa isang tabi at animong binabantayan ang oras. Na para bang hinihintay matapos ang oras niya nang wala siyang ginagawa.
Walang sali-salita siyang umalis. Nakangiti akong tinignan o may mukha na parang naaasar ngunit ayaw ipakita.
Halos karamihan sa TMs ay alam na gusto ko siya.
Siya nalang ata ang walang ideya ro'n. Bagaman meron man ay nagpapanggap nalang siyang bingi at bulag sa kung paano ko siyang lagi tignan.Alam nila na hindi ako basta-basta uuwi.
Alam nila na mananatili ako hangga't narito siya.
Kaya sa ayaw at gusto nitong ni Sra, sisiguraduhin kong malinis na dadatnan nila Sir Mario ang dining nang wala silang masabi pag-apak palang ng dining."Iyan tanggalin mo 'yan."
"Wala dapat 'yan diyan."
"Eto linisin mo rin."
"Ipasok mo 'to sa loob ng PWD."
"Punasan mo 'to."
Iniutos ko na lahat sa kaniya.
Nahihiya ko mang mandohan siya ay pinilit ko ang sarili dahil ayokong sabihin nila na ako ang gumagawa ng lahat at ako ang kumilos ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
Aktuelle LiteraturHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...