"SAAN kayo galing?" kunwaring tanong ko kay Sra nang makabalik ito sa loob. Pabalik na siya, 'yon ang alam ko. Dahil nang mag-bio out siya kanina ay tinignan ko ang oras para alam ko kung anong oras ang balik niya.
"Sa labas lang," sagot niya sa akin at kinuha ang bag niya na nasa harapan ko. Pareho kaming nasa stock room. Kumukuha ako ng tissue roll.
Sa lapit niya sa akin ay parang naamoy ko ang usok ng sigarilyong ginamit niya. Pero mas nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy ng kaniyang suot. Ano bang pabango o fabcon ang gamit niya?
"Nagyoyosi ka pala?" hindi ko pinahalatang interesado ako sa kung anong ginagawa niya o sa mga trip niya sa buhay.
"Ngayon lang ulit actually. Pinilit ako ni Eertah e," bigla ay gusto kong pasuin ng baga ng sigarilyo ang bagang ng babaeng iyon. Ang bad influence talaga, hays.
"Pero hindi ka talaga nagyoyosi?" usisa ko pa.
Umiling siya. "Hindi. I mean... dati. Pero tinigil ko tapos ngayon lang ulit," aniya.
"If I were you, itigil mo na 'yan," para akong magulang niya kung makapagsabi ng gano'n. Nangiti lang siya ro'n kaya tumalikod ako at hinanap naman ang trashliners. "Sayang, gusto pa naman kita," bulong ko sa mga kartong nasa harapan ko. Sobrang hina lang niyon.
Pero hindi ko alam kung bakit parang narinig pa niya dahil nagsalita siya.
"Ano?" kaya napaharap ako sa kaniyang muli.
"H-ha??" napapalunok kong tanong.
"Anong sabi mo?" hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. "May sinabi ka ata?" dagdag pa niya.
"Sinabi? Anong sinabi ko?" hindi talaga ako umamin at pinanindigan kong wala akong alam sa sinasabi niyang may sinabi raw ako.
"May narinig akong gusto gusto na sinabi mo e."
Pakiramdam ko tuloy narinig niya talaga ng buo ang sinabi ko. Pero tulad ko, nagmamaang-maangan lang rin siyang hindi iyon narinig o nais lang niyang kumpirmahan mula sa akin, sa ikalawang pagkakataon. Nope! I can't. I ain't ready to confess.
"Ahhhh. Ang sabi ko, gusto ko pa naman healthy 'yang lungs mo. Ano. Kasi," lunok. " 'Diba nakakasira ng lungs 'pag naninigarilyo ka?" ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung maniniwala talaga siyang 'yan ang sinabi ko. Pero pakiramdam ko nakalusot ako ro'n. Ipinagpasalamat ko nalang talaga na pumasok sina Nam at Tess kaya napalingon kaming pareho sa kanila.
Kita ko na agad na sumama ang tingin sa akin ni Tess nang madatnan nila kami ro'n na dalawa lang. Pero binawi niya agad 'yon at pilit na ngumiti.
"Eto oh," natatawang sabi ni Nam habang nakaturo sa telang nakatupi na apron pala ni Tess. Pinapatungan ito ng malaking karton kaya hindi mo mahahalatang naro'n kung hindi mo lalapitan. "Itinago kanina ni Driggs," natatawa talagang ani Nam.
"May galit talaga sa'kin 'yong bading na 'yon. Ako na nga inagawan, siya pa galit," sagot ni Tess na animong may sama ng loob kay Driggs na siya rin namang may sama ng loob kay Tess. "Lagi nalang ako inaagawan, hays. Hindi ba sila makahanap ng sa kanila? I mean, ang dami pa namang iba diyan, bakit kailangang maki-share 'no?"
Ramdam kong may pinariringgan siya. Pero bakit parang sobrang inis ang nararamdaman niya gayong apron lang ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Nam. Sa kaniyang mga binitiwang salita, animong nais niyang ipaalam na dati'y mayroon siyang pagmamay-ari ngunit inangkin ng iba. Hindi ano ang tinutukoy niya, kundi sino. Gayong pagkakaalam ko'y hindi naman sila naging magkasintahan ng taong gusto niya.
BINABASA MO ANG
Lead Me Home (UNEDITED)
General FictionHeart break is a blessing. Couldn't we all agree with that? If our heart doesn't break, we can't be with the person or in a place where we are rightfully belong. Heart breaks lead us to our destiny. Thank you, Louisze, for if you didn't break my h...