LMH 4

29 0 0
                                    

PASADO alas syete nang magising ako isang umaga. Three weeks na ang nakalipas.
Gustuhin ko pa mang umidlip dahil sa kakulangan sa tulog ay pinipigilan ko ang sarili dahil paniguradong male-late ako 'pag nagkataon. Ayokong salubungin ang tanghali ko nang pagbubunganga ni Sir Mario ang maririnig.


"Ayan! Ano oras na kasi natutulog!"
"Ayan! Chinat na naman kasi si ano. Umaasa na naman!
"Ayan! Lagi nalang ganiyan!"


Ganiyan 'yan siya. Pwera nalang kung may dala kang almusal o pagkain na ipantatapal sa kaniyang tiyan. Basta busog siya, walang problema. E kaso, wala pang sahod kaya minabuti kong pumasok nang maaga.



Nagfacial wash lang ako. Kumain ng kaunti. Naligo ng halos kinse minutos. Nagbihis. At pumara na ng sasakyan papunta sa store.



Sa gitna ng byahe ay ang isip kong animong naiwan sa kung anong nangyari kahapon. Tingin ko, nasagot ko naman nang maayos ang bawat tanong na ibinato sa akin ng Operations Manager.



"Why do you deserve the spot?" parang narinig kong muli ang malalim na boses ni Sir Yomo. Maging ang sagot ko ay nagpanting muli sa aking tenga.


Tama naman ang sinabi ko. Pero tingin ko kulang.
Tingin ko may isang specific na sagot siyang hinihintay na hindi niya narinig mula sa akin. May panghihinayang sa aking loob nang sabihin niyang pinapaikot ko lang siya. Pakiramdam ko'y naging isang butas iyon para hindi ko makuha ng isangdaang porsyento ang spot. Isang bagay na siyang ipinunta naming lahat. Kasama ang aking apat na katrabaho at anim mula sa ibang store.



Well. Ayos lang naman sa'kin kung hindi ma-direct. I told them many times about this.
I told them I wasn't ready.
And, maybe its a sign for me to resign.
To grab the opportunity that my Aunt AJ was recommending me.


Pinalis ko na ang isiping iyon. I shook my head as if it could erase all things that I was worrying about. I tried to focus to my now. Kung hindi, hindi. Maybe, some other time. In God's perfect timing, right?


"Para po!" I told the driver when I arrived at my destination. Doon ako bumaba sa daan na hindi ko kadalasang binababaan. May bibilhin kasi ako. Kanina pa tumutunog ang tiyan ko at hindi ko na matiis pa ang gutom na ito.


Bumili lang ako ng Chicken Ala King sa isang kilalang fastfood. Minadali ko itong kainin tapos lumabas na rin ako. Salubong ang kilay kong tinahak ang daan patungo sa store nang tumunog ang phone ko. I received a text message from an unknown number.


"See you!" what the message contains. Napaisip ako kung sino 'yon at sinubukang replyan. Pero nakamot ko lang ang aking ulo nang hindi ito magsend. Wala nga pala akong load. Tf!




Ibinalik ko na lamang ito sa aking bulsa at nagpatuloy sa paglalakad. Halos dalawang minuto lang ang itinagal ko mula sa aking kinainan hanggang sa tindahan.



Nadatnan ko si Sir Mario na nagdi-dilute ng MPSD sa isang gallon. Nag-bio in na ako saka ko inagaw sa kaniya 'yong kung anong ginagawa niya. Ayaw niya pang ibigay pero kalauna'y napapayag ko siyang 'wag na akong tulungan sa trabaho ko. Sa amin kasi nakatoka iyon. Nakakahiya naman kung umagang-umaga tinutulungan ka na ng manager mo. Madami pa naman akong oras na natitira. Kung tutulong pa siya, parang wala na akong gagawin sa isang oras na mayroon ako para maghanda.


Isa pa, nakita ko siyang pawis na pawis na sa kaniyang uniform. Idagdag mo pa ang magulo niyang buhok na parang sinabutan ng kung sino dahil nakatayo ang bawat hibla nito. Dahilan na rin para makita ko ang kaniyang malapad na noo.



Itinuloy ko lang ang mga ginawa niyang gawain ko.
Saka ko nilagyan ng mainit na tubig ang green sanitizer bucket. Matapos salinan ay isinawsaw ko ang green towel at idinala ito palabas ng store. Magga-glass funnel nalang ako dahil nag-bell na si Sir Mario hudyat ng quick meeting.



"Kix."



Napalingon ako nang tawagin ako ni Sir Gil. Galing siyang restroom hawak ang isang folder at nagsusulat-sulat pa rito.



Mag-iisang oras na ang nakalipas simula nang magbukas kami ngayong araw. Ako palang ang nasa station namin habang ang ibang station ay may kasama na sa pag-operate.



"Yes po?" tanong ko rin sa bagong manager.



"Pasunod ako ng tissue sa mga restrooms ha? Nalimutan mo maglagay," utos niya lang.



"Sige po," 'yon lang ang isinagot ko at panandaliang binitiwan ang blue mop para kumuha ng tissue roll. Nakalagay ito sa drawer na itaas ng cutlery warmer. Kinuha ko ang blue na upuan para may matungtungan. Pagtapos ay inilagay ko na rin sa mga banyong wala ngang tissue.




Wala pa gaanong tao nang sandaling iyon pero ang dumi na agad ng floors. Hindi ko alam kung kaninong paa ba galing ang maputik na yapak. Nakamot ko nalang ang ulo ko at nagsimulang ilampaso ang hawak sa bawat sahig na madaraanan.




Sa bawat ugoy na aking ginagawa ay ang pagsabay nito sa malakas na tugtog na maririnig sa kabuuan ng tindahan. Gusto atang mabingi nitong si Sir Mario sa sobrang lakas nito. Bakit hindi nalang kaya siya mag-earphone kung gusto niyang mabasag ang eardrums niya? Hindi 'yong dinadamay niya pa kaming lahat sa trip niya.


Mukhang nakaramdam naman ito dahil paunti-unting humina ang tunog. Ang kaninang mabilis na ritmo na kaniyang pinapatugtog ay napalitan ng isang mabagal na awitin. Hindi ko alam ang title ng kanta basta ang sarap pakinggan sa tainga.



Para kang hinehele.
Bakit may ganoong music sa playlist gayong ang pagkakaalam ko ay dapat lively ang mga awitin roon. Bukod pa sa 'yon ang unang beses kong narinig ang kanta sa mismong pinagtatrabahuan ko.



The sun goes down, the stars come out
And all that counts is here and now



Nakakaantok.
Parang bigla ay gusto kong gawing mikropono ang hawak na mop at sabayan ang kanta kahit hindi ko alam ang liriko nito.


Bawat salitang naririnig ko sa awiting iyon ay dinadama ko.
Ang paghakbang at pag-atras ng aking dalawang paa para hindi madulas sa basang dala ng aking hawak ay tila ba sumasabay sa ritmo.




Hanggang sa may kakaiba akong naramdaman.
Ang normal na kabog ng dibdib ay biglang bumilis.
Marahil kabado sa pag-aalalang may madulas sahig  dahil nalimutan kong maglagay ng wet floor sign. Sa harapan lang ako nakapaglagay. Sa harapan ng pinto at iisa lang ito.


Pero tingin ko hindi.
Hindi dahil roon.


Binitiwan ko ang aking hawak at dahan-dahan itong natumba sa bakanteng upuan. Tumalikod ako sa isang pwestong kakalinis ko lang at akmang aalis nang marinig ang isang tunog mula sa isang bagay na kakalapag lang.

Napalingon ako roon at aking namataan ang isang wet floor sign na bigla ay naroon na sa aking harapan.


Sa likod nito ay ang nakatayong isang lalaking nakaitim na polo shirt, nakaitim na pants, nakaputing sapatos at may pulang bag na nakasukbit sa kaniyang likuran.

Sa likod ng kaniyang itim na mask ay ramdam kong ngumiti ito dahil naningkit ang kaniyang dalawang mata.



Ni hindi man lang ako nito hinayaang makapagsalita at tanungin kung ano ang kaniyang pangalan. Iniwan niya lang ako roong tulala.
Ni hindi ko na marinig at kung saang parte na ng kanta ang tumutugtog.



Basta unti-unti itong humina at tumigil matapos banggitin ang katagang ito.




My universe will never be the same
I'm glad you came
I'm glad you came.

Lead Me Home (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon