PART I: CHAPTER 11

1.6K 66 3
                                    


~ grazhiella ~

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako. Alas otso pa lang ng umaga kaya baka gising na si Philip.

"O, gising ka na pala Ella. Halika na kumain ka na." Nginitian ko si Manang Ising, ang mayordoma rito sa mansyon nila Philip. Mabait ito sa akin mula noong makilala ko ito. Lagi akong inaasikaso nito tulad ng pag-asikaso niya kina Philip.

"Nasaan po si Philip?" Sabi ko habang umuupo.

"Baka pabalik na rin iyong batang iyon. Alam mo naman iyon tumatakbo lagi sa umaga." Nilagay na nito ang mga pang-almusal sa hapag.

Inaya ko itong sabayan kami tulad ng lagi kong ginagawa sa tuwing narito ako. "Kumain na po ba kayo? Sabayan niyo na po kami."

"Ay kumain na ako. Sige, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka."

"Ako na lang po ang kukuha. Mukhang marami pa kayong gawain." Hindi naman ako sanay na may ibang gumagawa ng mga bagay para sa akin. Wala naman kaming katulong ni Lola.

Ngumiti ang matanda sa akin. "Katulong ako rito at bisita ka. Kaya kasama ka sa pagsisilbihan ko."

"Si Manang naman. Ako lang naman ito."

Hinaplos nito ang buhok ko. "Masaya ako at ikaw ang naging nobya ni Philip. Akala ko nga noon eh mag-uuwi iyan ng foreigner. Mapapasabak ang Ingles ko."

"Eh baluktot din naman po mag-Tagalog si Philip." Natawa ako nang maalala kung paano ito magsalita minsan.

"Napakabuti mong bata. Sabihan mo ako kung dumating na ang Lola mo at babaunan kita ng malagkit ha?"

Niyakap ko ito. "Salamat Manang."

Hindi pa ako nakakasubo ng pagkain nang may yumakap sa akin sa likod. Kinintalan ako nito ng halik sa pisngi. Amoy pa lang nito alam ko na. "Good morning, my love."

Nakangiting umupo ito sa may kabisera. Inabutan ko siya ng mga pagkain. "Kumusta ang takbo mo?"

Pinunasan nito ang pawis nito. "Nice. You should come with me next time. Although I know you're studying for your exams so you can't wake up early."

Tumango ako. "Sige sasamahan kita sa susunod. Pero maghahanap pa ako ng sapatos. Wala akong pang-takbo."

"Let's find a pair later."

Magana kaming kumain at kami na ang nagligpit at naghugas kahit pinagsabihan kami ni Manang. Naligo kami sa kani-kaniya naming kwarto bago ako tumuloy sa library ng mga ito para doon mag-aral.

"I can help you outline. I'm good at it." Sabi nito at kinuha ang isang libro ko.

"Maiintindihan mo ba iyan, Philip?" Sa pagkakaalam ko ay Business Administration ang kinuha nito. Ngayon ay kukuha na ito ng mastesrs sa isa sa mga sikat na unibersidad sa buong mundo.

Nagkibit-balikat ito. "Maybe. At least I'll learn something new, right?"

Lumipas ang oras na nagbabasa lang kaming magkatabi. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nang magising ako ay may nakahandang tinapay sa tabi ko. Sa tabi niyon ang mga index cards na sinulatan ni Philip. Maganda ang sulat nito at hindi ako nahirapang basahin. Napatango ako nang mapagtantong magaling nga itong mag-outline.

Nilingon ko ito sa sofa sa likod ko. Mukhang nakaidlip din ito. Tahimik kong kinain ang tinapay na may palaman na strawberry jam. Kaunti na lang ang gagawin ko dahil halos natapos na ni Philip lahat.

Nang matapos ko iyon ay nilapitan ko ang kinaroroonan nito. Nakaisip ako ng paraan para gisingin ito. Umupo ako sa kandungan nito bago yumuko para halikan ito sa tungki ng ilong. Napasinghap ako nang hawakan nito bigla ang beywang ko. Napakapit ako sa mga balikat nito.

Versailles Series Book 8: The Designer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon