~ grazhiella ~
Binuksan ko ang isang talukap ng mata ko nang may marinig na ingay sa labas. Hindi ako nakatulog kagabi dahil abala ako sa pagrereview.
Tinignan ko ang oras. Alas nuwebe na pala ng umaga. Bakit hindi ako ginising ni Lola Lu? Kapag walang pasok ay sumasama ako kay Lola Lu sa puwesto.
"Lola? Bakit hindi-"
"Open your eyes, Sunshine." Binuksan ko nga at tila nawala lahat ng antok ko sa katawan nang makita si Philip na nasa sala namin. May hawak itong bungkos ng bulaklak. "Happy Birthday, my love."
Nang hindi ako makagalaw ay ito na ang lumapit sa akin. Niyakap ako nito at hinalikan ang buhok kong sabog-sabog. Nang hahalikan nito ang bibig ko ay tinakpan ko iyon.
"Hindi pa ako naghihilamos." Sabi ko sa likod ng palad ko.
"Nonsense." Inalis nito ang palad ko at hinalikan ako ng mariin. "You're always kissable, Grazie. My Grazie."
Hindi ko kinuha ang mga bulaklak na hawak nito sa halip ay niyakap ko lang ito. Uminit ang mga mata ko at umiiyak na ako sa dibdib niya.
"Damn it. I didn't mean to make you cry, Grazie."
"Alam ko."
"I hope those are happy tears?"
Natawa ako. "Masaya ako kasi narito para ipagdiwang ang birthday ko." Pinunasan ko ang mga mata ko at lumayo ng bahagya rito. "Hindi ako nagce-celebrate ng birthday kasi naaalala ko ang mga magulang ko. Hindi ko sila naaalala at wala akong alaala ng kaarawan ko na kasama sila."
"I'm sorry you lost them so early. I wish you could have celebrated with them or had good memories with them. I know it won't make up for it but we can always create new memories." Nilabas niya ang camera na dala niya. Sabi ni Philip ay polaroid camera raw ito.
"Tignan mo naman ang hitsura ko!" He was laughing as he snapped a picture of me.
"Still pretty to me."
Inantay namin na magpakita ang litrato. Nasa mukha ko ang gulat pero masaya ang mga mata ko habang hawak ang bouquet ng bulaklak.
"Come sit here on my lap and let's take a better one hmm?"
Ang susunod na kuha namin ay tumatawa ako habang nakahalik ito sa pisngi ko.
"Itago mo muna habang wala pa akong lalagyan. O bigyan mo na lang ako ng kopya." Nakangiting sabi ko rito.
Hindi ako mahilig sa litrato noon pero maraming nabago si Philip sa akin. Sa araw-araw na kasama ko siya, mas nararamdaman ko ang saya ng mabuhay. Masaya naman akong kasama si Lola Lu pero iba lang ang pakiramdam na hindi ko lang iniisip ang trabaho at pag-aaral.
Minsan ay nagi-guilty ako na lagi kong nakakasama si Philip. Nang sabihin ko kay Lola Lu iyon ay masaya raw ito para sa akin. Na nag-aalala ito na hindi ko naramdaman ang pagkabata at pagkadalaga tulad ng mga kaedad ko.
"Hindi kita pababayaan, Lola Lu. Promise mo sa akin na ihahatid mo pa ako sa altar pag kinasal ako."
"Basta ba kay Philip ka ikakasal."
Nagtawanan kami at nagyakapan. Si Lola Lu ang tumayong ina at ama ko. Kahit anong mangyari sa amin ni Philip, hindi magbabago ang pagmamahal at aruga ko kay Lola Lu.
Nang gabi na iyon ay kina Lolo Lito ulit kami nag-dinner. Nagpumilit si Lola Lu na ihatid na lang muna namin siya sa bahay dahil baka gabihin kami ni Philip.
"Ano pa bang surpresa mo? Ang dami ah."
Bumalik kami sa mansiyon at naglagi sa garden ng mga ito. May inilabas itong kahon. Nang buksan nito iyon ay may kuwintas at bracelet sa loob. Nakahugis ang pangalan ko sa kuwintas.
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 8: The Designer [COMPLETED]
RomansaMarceline A world renowned designer who lives each day like a normal person But she knows how hollow she is with her lost memories An unexplainable fear that keeps her from being completely normal Until she meets Philip who helps her move on from he...