~ grazhiella ~
Tahimik kaming naglalakad ni Philip. Iniisip ko kasi kung anong uulamin namin ni Lola Lu. Nilingon ko lang ito nang mapansin na tumigil ito sa isang tindera ng ihaw-ihaw di kalayuan. Mukhang wala pa naman sa hitsura nito ang kumakain sa tabi-tabi.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito.
"I'm hungry. I want some barbecue."
Napatingin ako sa ihawan. Nakakainggit naman ito. Minsan lang ako bumili sa ihawan na iyon kapag may extra ako na madalas ay wala.
"Do you want anything? My treat." Nakangiti ito habang nakatunghay sa akin.
"Hindi na. Saka mukhang kaya ko naman ng umuwi mula rito."
"Uy, Ella. Boypren mo ba ito? Ang gwapo ah. Hindi mo ba ito ginayuma? Eh 'di ba kapitbahay niyo iyung albularyo?"
Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko. "Ang albularyo, nanggagamot po. Baka mangkukulam ang ibig niyong sabihin. Saka hindi ko iyan ginayuma. Hindi ko naman siya nobyo. Saka sa ganda kong ito, kailangan ko pa ba ng gayuma?" Kinukuha ko lang ito sa yabang pero hindi naman talaga ako ganoon kagandang-ganda sa sarili ko.
"Sabagay. Pero maganda ka naman talaga."
"Ate, wala akong pambili ng barbecue mo kahit sabihin mong pang-Miss Universe ako." Sabi ko kay ate. Hindi naman na bago sa akin ang masabihan ng maganda pero ayoko rin naman na ginagawang katauhan iyon.
"Can I have five of these..." Tinignan ko nang ituro ni Philip ang laman, balat ng baboy, betamax, at isaw. "And three of this." Tinuro nito ang mga bangus na nasa lalagyan.
"Wala ba kayong tiga-luto para bumili ka ng ganyan karami?" tanong ko rito. Mamaya sisihin pa ako nito kapag sumakit ang tiyan nito.
"We do. But I like to try it." Iba rin talaga itong mokong na ito. Wala sigurong ganito sa pinanggalingan nito.
Pagkatapos balutin ni ateng intrigera ang pagkain namin ay naglakad na uli kami. Hindi rin naman kami nagtagal maglakad nang tumigil kami sa harap ng bahay namin ni Lola Lu. May ilaw na sa loob kaya ibig sabihin ay nakauwi nakauwi na si Lola.
"Here." Tinignan ko ang supot na binili namin kanina. "Take it." Laman niyon ang isda na inihaw.
Umiling ako ng mariin. "Ayoko nga. Pera mo iyan eh. Saka nahatid mo na ako-"
"Ella?"
Nalingunan ko si Lola Lu na nakapameywang sa pinto. "Lola."
"Bakit ngayon ka lang?" Sa akin siya nagtatanong pero kay Philip siya nakatingin.
"Mahabang kwento Lola. Pero iyung binili kong ulam natin, kinagat ng asong ulol."
"But we bought something else." Marahas kong nilingon si Philip nang sabihin niyang bumili kami ng bagong ulam.
"Sino ba ito, Ella?" Nakalapit na ito sa amin at nakatingala na kay Philip.
"Philip po." Nakangiting sabi ng binata.
"Ah...eh baka gusto mong dito na kumain, hijo? Nobyo ka ba ng apo ko?"
Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi ni Lola Lu. Kahit natawa si Philip sa reaksyon ko ay wala akong pakialam dito. Ito? Nobyo ko?
Wow Grazhiella, sukang suka? Sa gwapo ni Philip ikaw pa ang nasuka?
Tinignan ako ng makahulugan ni Philip. "No. But we can work on that." Kinindatan pa ako nito.
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 8: The Designer [COMPLETED]
Storie d'amoreMarceline A world renowned designer who lives each day like a normal person But she knows how hollow she is with her lost memories An unexplainable fear that keeps her from being completely normal Until she meets Philip who helps her move on from he...