PART I: CHAPTER 14

1.5K 61 9
                                    

⚠️TRIGGER WARNING ON THIS CHAPTER. ⚠️
This chapter contains scenes of violence and rape. Please skip this chapter if these will be disturbing to you.


~ grazhiella ~

"Kumusta ang first week mo?" Tanong ko kay Philip.

"It's okay. Nothing unusual. How about you? On your way to school?"

Ito pala ang pakiramdam ng "dito ay umaga at diyan ay gabi" na sabi sa kanta. Pero kahit papaano, naiibsan naman namin ang pagka-miss namin sa isa't isa. Palagi itong nagse-send ng mga selfie nito at gayundin ako pagkatapos akong pilitin nito ng walang humpay.

Kahit anong tanggi ko ay kinuhanan ako nito ng bagong cellphone na naka-plan. Sabi nito ay sakto lang iyon kasi dalawang taon naman daw ang lock in period ng mga ganun. Pero gusto rin kasi nito ng mas magagandang larawan at para lagi raw akong may internet.

"Oo. Inaantok pa nga ako eh. Pero mahirap ng ma-late kaya heto na tayo." Pilit kong pinasigla ang tono ko kahit na tulog pa ang ibang parte ng isip ko.

"Okay. Let me know when you get to school and when you get home okay?"

"Opo."

"I love you, Grazie." Hindi ito nakakalimot kahit isang araw. Kahit gaano ito kapagod sa eskwela ay hindi nito nakakalimutan sabihin kung gaano ako nito kamahal.

"Love you too."

Wala namang nagbago sa buhay ko bukod sa hindi na ako sinusundo at hinahatid ni Philip. Kahit anong pilit nitong ipahatid sundo ako sa driver nila ay hindi ako pumayag. Masyado na itong maraming binibigay sa akin. Ayokong mapatunayan sa isip ng mga nakapaligid sa akin na pineperahan ko si Philip.

"Grazhiella, pwede mo ba ako turuan doon sa tinuro kanina? Hindi ko talaga makuha eh." Nilapitan ako ng isang kaklase ko. Kilala ko ito dahil halos sabay kami laging umuuwi dahil magkalapit kami ng tirahan.

"Ah...sige."

Marami sa mga kaklase ko ang nagpapaturo sa akin kasi isa raw ako sa mga madaling makakuha at hindi mahirap lapitan.

Hindi na namin namalayan ang oras at ginabi na kami ng uwi. Dahil magkalapit lang naman ang kanto namin ay sabay na kami umuwi. Tinext naman ako ni Lola Lu na nakapaghanda na ito ng hapunan at hindi ko na kailangang mag-abala pa.

Nang matanaw ko na ang bahay namin ay nag-chat ako kay Philip na mukhang tulog pa. "Nasa bahay na ako. 😘"

Paliko na sana ako sa eskinita nang may humaklit sa braso ko. Sinalakay agad ng kaba ang dibdib ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay si Bert lang pala.

"Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako." Nang subukan kong hilahin ang kamay ko ay hindi ko mahila iyon. Humigpit din ang kapit nito roon.

Nakaramdam ako ng takot sa tingin nito. Bago pa ako makasigaw ay tinakpan nito ang bunganga at ilong ko. Nanghina ang katawan ko para labanan ito. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan akong nawalan ng malay.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakagapos na ako sa upuan. Mahigpit at siguradong wala akong takas doon. Nagsimula ng uminit ang sulok ng mga mata ko. Natatakot ako.

"Oh. Don't cry. Don't be scared. I'll make it worth your while, baby."

Napalunok ako nang marinig iyon. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Lumabas mula sa dilim ang isang pamilyar na lalaki. Ito ang pinsan ni Philip, si Earl. Noong una ko pa mang makita ito ay hindi ko na nagustuhan ang pagtingin nito sa akin. May hindi maipaliwanag na kilabot sa paraan ng pagtitig nito sa akin.

Versailles Series Book 8: The Designer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon