PART II: CHAPTER 37

1.5K 80 3
                                    


~ philip ~

"O, andito ka nanaman apo."

"Hindi pa sana kayo magsawa sa mukha ko. And it has been a while since I visited. C'mon, Lola."

Tumawa ito at itinabi ang ginagawa. "Hinatid mo ba ang lolo mo pauwi?"

I smiled at her and kissed her forehead. "Yes, and I brought someone for you to meet."

Lumingon ito sa pinanggalingan ko. Naramdaman ko na nanigas ang katawan nito.

"P-Philip..."

"I know...kamukha niya si Grazhiella. But no Lola...she's not Grazie."

Marceline smiled and walked toward us. She had a sweet smile on her lips as she approached us.

"Hello po, Lola Lucilla. Ako po si Marceline." She handed her the bouquet which she accepted like she was in a trance.

"Marceline..." Bulong ni Lola Lu.

"Opo. Marceline po ang pangalan ko."

"P-pwede ba kitang yakapin apo?" I felt a tug at my heart with the sight. Lola Lu had unshed tears in her eyes as she embraced Marceline. I felt bad as it is but there was no turning back.

It will raise more questions if Marceline wanted to meet her but I won't let her. Seeing them together is making my chest tighter. It's like being pulled to the past.

"Napakaganda mong bata." Sabi ni Lola Lu. She glanced at me. "Nobya mo na ba siya, Philip?"

I set aside my guilt and pulled myself into the current moment. "Nililigawan ko pa, Lola." I gave Marceline a knowing look.

"Ah...mabuti iyan. Pahirapan mo ng kaunti itong si Philip ha?" Nagbibiro na sabi ni Lola Lu.

Marceline blushed. That's when I noticed her golden skin glow against the sun. I was fighting so hard to run my fingers on her skin during the drive. We haven't talked much about how comfortable she is yet with me. Yes, we kiss. But we haven't talked about limitations just yet.

"Opo, Lola." Nahihiyang sabi nito. "Uhm, can I freshen up a bit?" Paalam nito sa akin.

I nodded. "Sure. Just go past the reception and turn right."

I watched her go. Sinalubong ko ang tingin ni Lola Lu.

"Bakit niya kamukha ang apo ko, Philip?"

I shook my head. "Hindi ko rin alam, Lola. Nang makita ko siya, akala ko siya si Grazhiella. Pero habang nakikilala ko siya..." Umiling ako. "Malayong siya si Grazhiella. Patay na siya, Lola. Marceline is different. She's a different woman."

"Parang nabuhay ang apo ko nang makita ko siya, apo." Inalalayan ko itong umupo.

"I know. I felt the same." I wrapped an arm around Lola Lu. "I'm sorry if I didn't prepare you beforehand. Naaya na siya ni Lolo bago pa man kita makausap. I knew you would react like this. Even Lolo was dumbfounded."

"Magaan ang loob ko sa kanya, Philip. Mukha siyang mabait na bata."

"She is, Lola."

"Hindi mo ba siya nagustuhan dahil kamukha niya si Ella?"

"Iyon din ang naisip ko nang makita ko siya, Lola. Ganoon din ang sabi ni Lolo at Damon sa akin. Pero habang matagal ko siyang nakakasama at nakakausap, mas naiisip ko kung gaano sila magkaiba ni Grazie. I might have the wrong reasons when I asked her out initially but I realized how amazing she is. How strong she is despite her beautiful exterior. She's just as beautiful on the inside."

Nang tignan ko sila Lola Lu ay nakatingala ito sa akin. May ningning ang mga mata nito. "Akala ko hindi na kita makikitang ganito kasaya, apo. Hindi mo alam kung gaano ko kadalas na hinihiling na sana ay makahanap ka ng magpapasaya sa iyo ulit. Yung magpapasaya sa iyo ng higit pa ng nagawa ni Ella."

"I guess I wanted to be happy again. I am giving myself a chance to feel happy again."

Nang makita kong papalapit na ulit si Marceline ay pinaupo ko ito sa tabi ni Lola Lu. I left them to talk while I fetched some drinks for them. As I watched them, I could also see the sparkle in Lola Lu's eyes. The same sparkle that once looked at Grazie. Maybe bringing her here will help us make happy memories and stop living in the past.

~ marceline ~

Hindi nga nagkamali si Philip nang sabihin nito na mabait si Lola Lu. Kanina pa nito sinasabi kung gaano ako kabait at kaganda. Sinabi rin nito na magaan ang loob nito sa akin.

"Ano pong ginagawa niyo?" Tanong ko habang tinitignan ang knitting na ginagawa nito.

"Ah sumbrero. Ibibigay ko sana kay Philip kapag dumalaw siya. Malamig sa Bagui 'di ba? Pero napaaga siya ng bisita eh. Hindi ko pa tapos."

"Ano pa pong ginagawa niyo bukod sa sumbrero?"

"Dati gumagawa ako ng kamiseta-" Tinignan ako nito ng may lungkot sa mga mata. Ngumiti ito ng pilit at tinuloy ang ginagawa. "Gumagawa ako ng kamiseta para sa apo ko. Pero mula noong nawala siya, wala ng magsusuot ng mga ginagawa ko. Minsan ay nagtatahi rin ako ng mga bestida ni Ella noon."

Hinaplos ko ang likod nito. "Napakaswerte po siguro niya para magkaroon ng lola na tulad niyo."

"Maswerte rin ako bilang lola niya. Napakabait niyang bata. Kaya siguro maaga siyang kinuha."

I hate making her feel bad by making her think back on the times she had with her granddaughter.

"Pasensiya na po-"

"Wala iyon, ano ka ba. Nami-miss ko siya minsan kaya nababanggit ko. Pero matagal na panahon na iyon, Marceline. Tulad ni Philip, kailangan namin magpatuloy sa buhay. Lalo na siya. Bata pa siya at marami pang pwedeng mangyari sa buhay."

"Matagal po ba naging magkasintahan si Philip at si Grazhiella?"

"Wala pang isang taon dahil nagbabakasyon lang si Philip noon dito. Pero naging malapit sila sa isa't isa sa dalas nilang magkasama. Nagkamabutihan. Inalagaan niya ng husto ang apo ko noon. Mahal na mahal siya ng apo ko."

Napatango ako. "Mukhang mahal na mahal nga po niya ang apo niyo."

She smiled and nodded. "Kaya sobrang hirap niyang bumangon noon. Akala ko hindi na siya makakabangon ulit." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ngayon ko lang nakita si Philip na masaya ulit. Sana bigyan mo siya ng pagkakataon na pasayahin ka. At bigyan mo rin siya ng pagkakataon na sumaya kasama ka."

"Matagal na rin po akong nabubuhay na parang may kulang sa pagkatao ko. Ngayon ko lang talaga nararamdaman na parang nabubuo na unti-unti ang pagkatao ko."

This place feels like home. I have been at Versailles for years and it certainly has been my home since I came to the Philippines but this place feels different. Feels like I've been here before.

"Bakit mo naman nasabi iyon apo?"

"Wala po akong maalala, Lola. Wala akong alaala ng mga nangyari sa akin sa loob ng labingwalong taon."

"Apo..."

"Nagising na lang po ako na nasa ospital ako at walang maalala." I smiled at her. "But I am living my second life, Lola. I am very much happy where I am now. I can not...ask for more..."

"Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero magaan ang loob ko sa iyo. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ang Lola para makausap mo. Nabanggit sa akin ni Philip na wala kang lola. Kung si Lito ay pwede mong maging lolo, ako rin pwede mo maging lola. Bumisita ka rito sa amin kahit kailan mo gusto. Kahit hindi mo kasama si Philip."

I tried to hold back my tears. My heart feels so full right now. "Pwede ko po ba kayo yakapin?"

Tumango ito. "Oo naman, apo."

I embraced her. And just like that, I felt light and calm. I can feel the tranquillity that Philip is talking about. Weirdly, I think I've never felt like I belonged anywhere until I got here.


PART II: CHAPTER 38 >>

Versailles Series Book 8: The Designer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon