~ marceline ~
~3 years later
Frances took me in from the day I was released from the hospital. Napag-alaman ko na sa France talaga ito nakatira. Inayos nito ang mga papeles ko para makasama niya ako pabalik.
Mula noong makapunta kami rito ay hindi niya ako pinabayaan. Binihisan niya ako at tinapos ang therapy ko rito. I needed both physical and mental therapy to get me back on track. It's like my world was restarted. She homeschooled me and made me learn the English and French languages so I can easily blend in.
While in her home, I learned that she owns one of the most luxurious brands in the fashion industry. Wala sa pakikitungo nito ang estado nito sa buhay. Napakabait at hindi maarte. Sa bahay nga ay nakapantulog lang ito. May taga-linis lamang ito pero ito ang nagluluto ng mga pagkain namin. Maasikaso ito sa akin at maging sa mga kasambahay nito. Wala itong asawa at mga anak kaya naman ay kaming dalawa lang ang narito. Ayokong maniwala na mag-isa lang talaga siya rito buong buhay niya pero nang makausap ko ang mga katulong ay wala raw talagang ibang tao rito bukod kay Frances. Wala itong ibang pamilyang kasama o kahit mga kaibigan ay hindi tumutuloy rito.
Pinasyal ako nito sa mga lugar sa France. Napakaganda rito. Hindi ko alam kung saan ako nanggaling sa Pilipinas. Sinubukan kong tumingin ng missing persons pero walang lumabas. Hindi ko naman pwedeng hanapin ang pangalan ko kasi hindi ko naman alam ang totoo kong pangalan.
Kapag wala akong aralin ay nagbabasa o naglilibot lamang ako dito sa bahay. Napakalaki kasi ng bahay ni Frances. Narito lang ako sa bahay at nililibang ang sarili ko sa panonood at pagbabasa ng libro. Kahit na ilabas ako ni Frances ay nagkaka-panic attack ako sa tuwing nahahawakan ako ng lalaki. Dahil doon, mula noong nanirahan ako rito ay puro babae na ang staff ni Frances.
Habang mag-isa ako sa bahay ay lumibot ako bago ko nakita ang isang sewing machine sa isa sa mga kwarto. Tinignan ko ang mga guhit ni Frances doon ng mga bag at sapatos. Napakagaling nito. Napakaganda ng mga gawa nito. Nakikita ko sa telebisyon at mga magazines ang kuha mula sa fashion show nito at mas lalo akong humanga rito. Matagal ko ng nakikita ang sewing machine na iyon pero hindi ko magawang lapitan, ngayon lang.
Kumuha ako ng papel at nagsimulang gumuhit. Hindi tulad ng mga ginagawa ni Frances, damit ang ginuhit ko. Nang makita ko ang makina na pangtahi ay umupo ako roon at sumubok. Mabilis dumaan ang oras at habang tinitignan ko ang gawa ko ay napaisip ako kung ginagawa ko na ba ito noon. Parang natural at alam ng mga kamay ko ang gagawin para mapagana ang sewing machine.
Napatigil lang ako nang makita si Frances sa may pinto. Akala ko ay magagalit ito pero ngumiti siya sa akin. "You have talent, Marceline. And I watched how much you enjoyed yourself making that dress. Say...do you want to study fashion and work with me?"
"Talaga po?" Nakaramdam ako ng saya. Tinatanong na ako ni Frances noon kung ano pa ang gusto kong gawin pero hindi ko pa maisip. Ngayon ay alam ko na kung ano ang gusto ko. Gusto ko maging katulad ni Frances.
Frances nodded at me. Her eyes sparkled as she looked at me. Tinapos ko ang tinatahi ko bago ipinakita sa kanya. Natuwa naman ito at sinukat pa nga ang gawa ko. "I love the design!"
Tulad ng sabi nito ay pinag-aral niya ako sa isa sa mga exclusive fashion schools sa France. Bago ako magsimulang mag-trabaho sa kanya ay hinayaan niya pa akong manirahan mag-isa sa Milan para masubaybayan ang opisina nito roon.
Sinimulan na rin akong turuan ni Frances kung paano manamit ng angkop sa mga okasyon at bilang isang fashion designer hanggang sa ma-realize ko and mga estilo na gusto ko at bagay sa akin. Nagsimulang magbago ang pananamit ko dahil na rin sa mga damit na pinapadala ng ibang designers. Hindi ako takot magpakita ng balat ko pero sinisigurado ko rin na kumportable ako sa sinusuot ko.
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 8: The Designer [COMPLETED]
RomanceMarceline A world renowned designer who lives each day like a normal person But she knows how hollow she is with her lost memories An unexplainable fear that keeps her from being completely normal Until she meets Philip who helps her move on from he...