Chapter 7

1.6K 26 0
                                    

Nanghihinang umupo ako sa upuan. Gusto kong sampalin ang sarili sa nagawa ko. I feel like I cheated. I also feel disgusted to myself.

Kung hindi pa inutusan ni Pollux ang mga estudyante kanina na papasok sana ng banyo, baka may issue na kami ngayon.

Hindi ko hinintay na bumalik si Pollux kanina sa banyo. Ako mismo ang gumawa ng paraan para makaalis doon habang inuutasan niya pa ang mga estudyante.

Hinang-hina ako habang nililigpit ang gamit ko. Kahit may isang subject pa ay hindi na ako pumasok. Para akong wala sa sarili habang naglalakad palabas sa campus. Muntik na akong masagasaan kung hindi lang ako hinila Jared.

“What the fuck! Magpapakamatay ka ba, ha?” Bulyaw ni Jared sa’kin pero hindi ako umimik.

Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa isipin kung paano ako hinalikan at kung paano tumugon ang katawan ko sa bawat galaw ni Professor Dela Fuente.

Napayuko ako. I’m really disgusted to myself.

Wala sa sarili akong umupo sa waiting area kung saan maghihintay ang mga pasahero na bababa at sasakay.  Wala sa sarili akong nagpadala kay Jared nang hinila niya ako papasok sa kotse niya. Nasa loob na kami ng sasakyan pero hindi pa rin ako makaimik. I want to cry but my tears won't cooperate.

“What happened?” Bakas sa tinig niya ang pag-aalala.

Hindi ko alam kung bakit hindi rin siya pumasok sa klase. Ang tanging alam ko lang ay pareho kaming may problema.

“Nothing,” I answered.

Hindi na siya muling umimik pa at pinabayaan na lamang ako na magmuni-muni. Hanggang sa huminto ang sasakyan dahilan para mabalik ang ulirat ko.

“Nasaan tayo?” Hindi sumagot si Jared bagkus lumabas siya sa kotse. Mabilis kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Agad akong bumaba nang makita ang napakagandang tanawin. Nang umupo siya sa may bato ay umupo rin ako.

“Ang ganda…” Hindi ko mapigilang mamangha.

Ang kalmado at ang linis ng paligid. Green na green pa ang mga puno sa paligid. May mga puno pa ng niyog na marami ang bunga.

“Of course, this is the place where I can relax. At wala pang naka-discover nito kundi ako lang.” Dahil sa sinabi ni Jared ay mabilis akong napatingin sa paligid. Tama nga si Jared, siya pa lang, dahil wala namang mga tao na dumadaan maliban sa’min.

“Ang swerte ko naman kung ganoon. Nakasama ako sa secret place mo.” Nakangising saad ko at muling itinuon ang tingin sa dagat.

“Keep this us our little secret, Alliah.” Nakatingin man sa malayo ay ramdam ko na seryoso si Jared sa pahayag niya.

“Of course, I will, Jared.” Nakangiti kong saad at muling tumingin sa kalmado na dagat.

Sana balang araw… mapalapit ang loob namin sa isa't-isa. I want someone like him as my best friend.

Ilang araw ang nagdaan. Labis ang pagkatuwa ko nang malaman kong may pinuntahan seminar si Pollux abroad. Dahil sabado ngayon ay wala kaming klase. Sinama ako ni papa sa trabaho niya dahil naghahanap daw si Mrs. Dela Fuente ng maglilinis sa bahay nila. Tututol sana ako, pero naalala ko na wala naman si Pollux kaya pumayag ako.

Labis akong namangha sa ganda ng mansyon nila. Halatang lumaki ang mga anak ni Mrs. Dela Fuente na ginto ang ginagamit na kutsara. Nahiya pa akong pumasok dahil sobrang linis ang sahig. Parang nakakahiyang apakan ng isang tulad ko. Hindi kami nag-usap masyado ni Mrs. Dela Fuente. Binilin lang ako nito sa mayordoma para utusan kung saan ako magsisimula sa paglilinis. Tahimik akong nakasunod sa mayordoma habang hawak ang walis at dustpan. Pasimple akong tumingin sa paligid, hindi ko mapigilang mamangha sa ganda nito. Muntik na akong mapasigaw nang mauntog ako sa likod ng mayordoma.

“Sorry po.” Tarantang hingi ko ng tawad ngunit sinamaan lang ako ng tingin.

“Pumasok ka sa loob at linisin mo ang kwarto.” Napangiwi ako dahil sa tinig niya. Halatang wala pang naging nobyo dahil sa pagiging mataray.

“Sige po.”

Bitbit ang dustpan at walis ay pumasok ako sa isang madilim na kwarto.

Hinanap ko muna ang switch para buksan ang ilaw. Sandamakmak na bote ng alak agad ang bumungad sa’kin nang binuksan ko ang ilaw. Huminga muna ako nang malalim bago nagsimula ng linisin iyon.

Tagaktak ang pawis nang matapos ako sa paglilinis sa mga kalat. Iginala ko ang tingin sa paligid. Wala itong masyadong gamit sa loob, tanging isang study table na may isang frame na nakalagay at isang itim na upuan na parang panlaro. May mga malaki ring mga painting na nakasabit sa dingding. Nang makitang may sariling refrigerator pala sa loob ay pinuntahan ko ito. Siniguro ko munang walang cctv bago binuksan iyon. Nilabas ko ang pitsel at kinuha ang nag-iisang baso sa gilid. Nagsalin ako at nilagok ang tubig. Tila nabuhayan ang sistema ko sa lamig ng tubig. Ang kaninang pagod ay naibsan ng kaunti.

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang may pumasok. Nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong binalik sa refrigerator ang pitsel at baso. Narinig ko ang paglundag ng kama. Parang binato ng kung sino man ang sarili niya sa kama.

“Hey! Bagong katulong ka ba rito?”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa kaba. I knew the owner of that voice. Kagat labi akong napapikt dahil sa kaba.

“Hey!”

“Ay!” Napasigaw ako sa gulat nang magsalita siya sa tabi ko. Muntik na akong matumba kung hindi pa ako nahawakan nito sa baywang.

“Fuck! You're here…” mahinang sabi nito at tila hindi makapaniwala.

His chocolate eyes met my gaze. Ngayon ko lang napansin na may konting bigote na pala siya. Bago pa ako nakabawi sa pagkakagulat ay mabilis na niyang sinakop ang labi ko.

“Fuck, I miss you,” saad niya sa pagitan ng halik.

Mabilis akong natoud sa ginawa niya. He lift me up at walang kahirap-hirap na nilapag sa kama niya.
Hindi ko magawang magprotesta. Tila bumagal ang pagproseso ko sa nangyari. Pumatong siya sa’kin habang ang malikot niyang kamay ay nasa dibdib ko.

“Alliah, tapos ka na— ay, diyos ko po!”

Naitulak ko si Pollux nang marinig ko ang boses ni Mrs. Dela Fuente. Dahil sa hiya ay mabilis akong napayuko habang si Pollux ay parang wala lang.

“Mom, you're disturbing us.” Bakas sa boses ni Professor Dela Fuente ang pagkainis. Inayos niya pa ang sout ko dahilan para lumaki ang mata ko.

This guy is fucking insane! Kinabahan na nga ako at iyon pa ang nasabi niya.

“Ma'am sorry po. Hindi po talaga kami nag—ano. Aksidente la—” parang tangang paliwanag ko kahit alam kong hindi naman kapani-paniwala.

“It was not an accident, Mom. Ginusto naming dalawa ‘yon,” pagpuputol pa ni Pollux sa sasabihin ko. Inis ko siyang binatukan at sinamaan ng tingin.

“Tumahimik ka nga! Ikaw lang ang may gusto kaya huwag mo akong idamay sa pagiging malibog mo!”

“Okay.” he shrugged, “Kaya pala hinayaan mo ang kamay ko sa dibdib mo. Ako lang pala ang may gusto,” gaguhang puna niya at binigyan ako ng mapang-asar na tingin.

“You jerk!”

The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon