Chapter 18

1.4K 25 0
                                    

“Heh! Huwag mo akong asarin. May kasalanan ka pa sa akin,” naiinis na sabi ko at pinaglandas ang braso.

He tried to hold my hands pero hindi ako nagpatinag. Akmang aalis ako sa pwesto nang mabilis niya akong kinulong sa bisig niya gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa pang-upo ko pa rin.

“What? I didn't do anything, baby.” Kunot noo na sagot niya na para bang walang alam sa nangyari.

He tried to kiss my neck ngunit mabilis kong iniwas ang sarili ko.

“Anong hindi? First of all, you flirt someone doon sa CR. Pangalawa, sinigawan mo ako sa room. Pangatlo, pumunta ka dito nang may sakit, gusto mo bang maaksidente ha? Paano na lang kung nasagasaan ka, ha?” galit-galitan na sermon ko sa kaniya.

Para tuloy akong pinapagalitan ang jowang pasaway. I wasn't really mad at him. Feel ko lang maggalit-galitan dahil gusto ko.

Akmang lalapit uli siya sa akin ngunit madali ko siyang pinigilan.

“Hep, diyan ka lang. May pang-apat pa.” Taas kilay kong pigil sa kanya.

He let out a huge sigh and looked at me. “Ano?”

“Bakit hindi ka nagpaparamdam?”

Unti-unting gumuhit sa labi niya ang ngiti. Ako ang unang umiwas dahil masyadong nakakatunaw ang ngiti niya. Lumayo ako ng kaunti at tinukod ang kamay sa kama ngunit maling hakbang ito dahil ang nag-uumbok niyang ibabang bahagi ay tumama sa akin. I know nararamdaman niya ang pagtama ng ibabang bahagi ko sa kaniya dahil mabilis niyang idiniin ang sarili ko sa kaniya. He even pressed my butt.

“So, my baby really misses me, huh.” He smirked.

“Fuck! You don't know how happy I am today baby,” natutuwang saad niya.

I was about to say something when he talked again.

“First of all baby, hindi ako nakikipag-flirt doon sa CR. I was just helping her dahil muntik na siyang madulas," pagpapaliwanag niya habang sunisimot ang leeg ko.

“Sus, palusot mo bulok,” bara ko sa kaniya.

He just chuckled and continued to explain.

“Pangalawa, I was really fuming mad when I saw you talking with that shit seatmate of yours.”

“Heh! bakit ka ba galit? Pinsan mo naman iyon,” sagot ko pa ulit sa kaniya.

He pushed me a little at tiningnan ako sa mata.

“Wow! You must be really close to him now at alam mo na ang tungkol diyan,” sarkastikong saad niya at mabilis akong binitawan.

Akmang tatayo siya ngunit mabilis ko siyang pinigilan gamit ang sarili ko. Maslalo kong diniin ng sarili ko sa kaniya. I heard him cursed kaya mabilis akong napangisi. Ito lang pala ang kahinaan niya.

Pinitik ko ang noo niya.

“Umayos ka," banta ko sa kaniya, “Alam mo naman na classmate kami, diba? At seatmate pa kami kaya malamang nasasabi niya sa akin," paliwanag ko sa kaniya.

Dahil sa sinabi ko ay mabilis niya akong inikutan ng tingin na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

Nang tumunog ang selpon ko ay mabilis akong tumayo. Good thing at hindi na nakahawak si Pollux sa akin kaya agad akong nakaalis sa pwesto.

Nang makitang si Joshua ang tumawag ay agad na kumunot ang noo ko. Halatang may kailangan siya dahil hindi naman siya tumatawag ng maaga simula nang maghiwalay kami.

“Hello, Jared?” bungad ko agad sa kaniya.

Narinig ko ang ingay sa paligid kaya ang hula ko ay nasa eskwelahan na ang loko.

The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon