Chapter 20

1.4K 19 0
                                    

Today is the most awaited day of everyone. Kahit saan ka lumingon ay masaya ang bawat estudyante. Because today, is the day where our stress will be free.

May general program para sa foundation day. May iba't-ibang presentation, may competition sa sayawan, kantahan at katalinuhan.  At dahil wala naman akong talento kahit man lang sa pagsayaw ay umalis ako ng gym.

Ano pa bang silbi ko roon?

Puno na rin at naghahalo na ang amoy kaya hindi na lang ako nakipagsiksikan. Pumunta na lang sa cafeteria. Kung puno ang gym ay taliwas naman sa cafeteria. Tanging ang mag nagse-serve lang ang tao.

“One yakult and two chocolate cupcakes,” order ko.

Dahil ako lang naman ang customer ay mabilis na binigay ng tindera ang order ko. Mabilis naman akong nagbayad. Pagkatapos kong bumili ay umupo ako sa pinakadulo. Ilang sandali pa, habang busy ako sa pagkain ay biglang may pumasok.

Agad akong kumaway ng makitang sina Pamela at Joshua pala. Joshua is holding Pamela’s hand.

Langya! Kung makahawak sa isa't isa ang dalawa ay parang wala ng bukas.

Kumaway rin silang dalawa sa’kin. Nakita kong nag-uusap ang dalawa pagkatapos ay dumiritso si Joshua sa counter habang si Pamela naman ay naglalakad papunta sa kinauupuan ko.

“Hi,” bati niya, “Can we sit here?” she pointed to the two vacant seats in front of me.

“Hello! sure. Buti na lang nandito kayo, kung hindi baka amangin ang bibig ko mag-isa,” natatawang saad ko at napakamot sa batok.

She laughed from my remarks. Umupo siya sa harap ko.

“Hala, sorry! Kumain pala tayo,” pag-aaya ko sa kaniya nang marealize na kanina pa pala ako sumusubo.

“It's okay,” natatawang saad niya, “Papunta na rin naman dito si Joshua,” tanggi niya at nilingon si Joshua na may dala-dalang tray kung saan nakalagay ang order nila.

Napatingin ako sa mukha ni Pamela at hindi sinasadyang mapatingin ako leeg niya kung saan nakasabit ang necklace na binili ni Joshua.

“Sabe na, i. Maganda talaga ‘yan. Bagay sa’yo,” mabilis akong napatuptup sa labi ng ma-realize ko kung anong sinabi ko.

Hindi pala alam ni Pamela na ako ang kasama ni Joshua nang binili nito ang necklace.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagiging madaldal ngunit huli na ang lahat.

“Oh! Ikaw pala ang kasama niyang bumili ng necklace?” Tila manghang tanong niya at mabilis na napahawak sa kwintas.

Nagdadalawang isip akong tumango at nahihiya na tumingin sa kaniya.

“Oo, pero huwag kang mag-alala dahil siya ang personal na pumili niyan. Huwag ka sanang magalit kay Joshua dahil gusto lang talaga niya na i-surprise ka,” paliwanag ko sa kaniya dahil baka iba ang isipin niya.

Alam ko rin naman kung anong feeling kapag nagseselos at maghinala kaya mabuti ng magpaliwanag nang maayos baka maghiwalay pa sila ng dahil lang sa akin.

Hindi naman ako masyadong mayabang, ‘no?

“This is the first thing that I received from him kaya palagi ko itong sinusuot. This is very special to me,” nakangiting saad niya habang nakahawak sa pendant ng kwintas.

Sinuklian ko rin siya ng ngiti. Naalala ko tuloy ang kwintas na gustong-gusto kong bilhin para kay Pollux pero hindi ko naman afford. Napasimangot na lamang ako at umiwas ng tingin para hindi mahalata ni Pamela ang lungkot na nararamdaman ko. Kahit pa galit ako sa ginawa ni Pollux kanina ay nanginginbabaw pa rin ang pagkagusto.

Nang makalapit na sa amin si Joshua ay mabilis na tumayo si Pamela para tulungan si Joshua pagkatapos ay isa isang nilapag ni Pamela ang binili ni Joshua.

“Anong pinag-uusapan niyo?” bungad na tanong agad ni Joshua at tumingin sa akin na parang nagdududa.

Akmang sasagot ako ngunit naunahan na ako ni Pamela.

“You won't understand, babe. It's girls talk,” saad ni Pamela at kumindat pa.

Bahagya akong natawa dahil sa inasal niya. She’s not bad at all. Buti na lang at siya ang pinalit ni Joshua dahil parang magkasundo naman kami.

“Stop being tsismoso, Joshua. Sa amin lang ‘yon,” panggatong ko pa sa sinabi ni Pamela.

Napalabi na lang si Joshua. “Edi, wow!” nagtatampong saad niya.

Nang matapos nilang ilapag lahat ng order nila ay nilapag naman ni Joshua ang tray sa kabilang mesa habang si Pamela ay umupo na.

“Here. That’s for you, Alliah.” Nilagay ni Joshua ang isang platito na may lamang isang hiwa ng cheese cake sa harap ko pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ni Pamela.

Imbis na tumanggi ay nagniningning pa ang mga mata ko.

“Wow, thank you sa inyo!” magiliw na saad ko at agad sinunggaban ang cake.

Napatawa naman si Pamela sa inakto ko at napailing naman si Joshua. Alam na alam kasi niya na gusto ko ang cheesecake.

Nahahalata ko na na may pera na siya simula nang naging sila ni Pamela. Todo kayod siguro ang loko para pantayan at ibigay lahat ang gusto ni Pamela. Mapapa “sana all” na lang talaga ako.

“Welcome,” sabay na saad nilang dalawa at nagsimula na ring kumain.

“Bakit ka nandito, Ali?” pambabasag ni Joshua sa katahimikan.

I pouted. “Ang baho doon sa gym. Nag-mixed na ang mga pabango at sweat nila,” parang bata na saad ko habang ngumunguya.

“Sus! Parang hindi kana nasanay,” komento ni Joshua at tumawa pa.

“Gago ka talaga! Hindi ako sanay sa mabaho, noh!” depensa ko sa kanya, “I, kayo nga nandito rin sa cafeteria.”

“Mag-snacks lang kami kasi nagutom ang bebeloves ko.”

Mabilis na pinapaikot ang mata ko at umakto na parang nasusuka kaya napatawa na lang ang dalawa.

“Babe, may icing ka sa gilid ng labi mo.”

Umangat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakatingin si Joshua kay Pamela kaya napatingin ako sa mukha ni Pamela. Pamela's face has an icing malapit sa labi niya.

“Hindi riyan, sa kabila.” Pinunasan ni Pamela ang gilid ng kanyang labi gaya ng sinabi ni Joshua ngunit mas lalo lang itong dumami.

“Babe, you look a mess. Let me clean it for you.” Natatawang pinunasan ni Joshua ang gilid ng labi ni Pamela.

Napaubo ako nang malakas nang magkatitigan ang dalawa. Ang corny, para namang nasa pelikula ang dalawa.

“Agh! Andami namang langgam dito," pabiro kong tinampal ang braso ko na tila may gumagapang na langgam.

“Panira talaga naman ng moment, o,” nakangusong saad ni Joshua na nagpatawa kay Pamela.

“Heh, bawal P.D.A. dito kaya umayos ka,” pangangaral ko sa kaniya at inirapan.

“Opo, Ma,” pang-aasar na saad niya.

Muntik ko na siyang batuhin ng tinidor kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon