Chapter 28

1.3K 24 2
                                    

"W-what?" kinakabahan na tanong ko at mabilis na nagpunas sa luha sa pisngi.

Nang maalala ko ang gabi nang may nangyari sa amin ni Pollux, gusto kong kutusan ang sarili ko, maalala ko na hindi pala gumamit ng condom si Pollux. At mas lalong hindi ako nag-pills!

Mabilis na bumaba ang tingin ko sa maliit kong tiyan at muling tumingin kay Jared pagkatapos ay umiling.

"N-no. That won't happen, Jared. Not now," kinakabahan na saad ko.

Muntik na akong mapaupo buti na lamang at mabilis ang reflexes niya kaya mabilis niya akong nahawakan at naalalayan.

Hanggang sa makaupo kami sa isang upuan malapit sa pond ay nanginginig pa rin ang kamay ko dahil sa kaba. Kahit na nakahawak sa akin ang mainit na palad ni Jared ay wala pa rin itong epekto.

"Hey! Calm down. Hindi ka naman pababayaan ni Pollux if ever he will know that you're pregnant," pagpapagaan ng loob sa akin ni Jared na hindi naman nakatulong kahit kaunti.

"How? Paano ako kakalma, Jared?" tarantang tanong ko, "Paano nga kung buntis ako? Buti sana kung hindi babaero 'yang pinsan mo pero babaero i. Baka nga dalawa na kami ngayon na buntis at parehong siya ang ama," kontra ko.

Napairap ako sa hangin nang pumasok sa isip ko ang nasa balita kagabi. Idagdag mo pa ang pag-alis ni Pollux na hindi man lang ako sinuyo. Hindi naman sa naglilikramo ako, pero that was his part na suyuin ako!

Anong gusto niya?

Ako na lang palagi ang susuyo sa kaniya?

And if he truly love me, edi sana pinilit niya ako na makinig sa paliwanag niya, diba?

"Malabo ang sinasabi mo, Alliah. Si Pollux? Ipagpapalit ka? Makabuntis ng iba?" he shrugged, "I doubt that."

Saad niya na para bang mataas na ang tiwala sa kaniyang pinsan na noon ay todo sira siya kay Pollux.

"Paano mo naman nasabi? Sa gwapo at yaman ba naman niya, malamang marami siyang madadali," nakasimangot na saad ko.

He chuckled and let go of my hand. "I think I need to tell you a little secret," saad niya na nagpapanting sa tainga ko.

"Talaga? Ano? Spill na dali!" atat na saad ko.

Minsan lang magkwento sa akin si Jared tungkol secret niya. Though, nag-share naman siya ng family problem niya sa akin pero iba pa rin kapag secret niya.

He laughed softly and pat my head. "I have a cousin who's very close to me. Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko," panimula niya at napabuntong hininga, "ngunit sa isang iglap lang ay nasira 'yon lahat when that friend of mine planned something that I don't really like."

"Ano bang plano ng pinsan mo na hindi mo nagustuhan? Is it about drugs or something?" advance na tanong ko dahilan para batukan niya ako.

"Drugs talaga? Anong akala mo sa amin, mga addict?" natatawang tanong niya.

"At anong akala mo sa akin? Bato? Na hindi tinatablan ng sakit? Bw*s*t ka! Ang sakit ng batok mo!" likramo ko at sinamaan siya ng tingin.

Imbis na kontrahin ako ay tumawa lang siya at napailing. "Oa mo talaga."

Akmang sasagot na sana ako sa sinabi niya ngunit mabilis siyang nag-hand gesture na tumahimik kaya tinikom ko ang bibig ko.

He let out a huge sighed. "He planned to own the woman that I truly care and treasure. Gusto niyang angkinin ang babaeng matagal ko na nang gusto."

"So parang love triangle? Ganon?" segunda ko sa sinasabi niya.

"Parang ganoon na nga," sagot niya, "ang saklap lang kasi ang babaeng gusto ko ay hindi na ako maalala. Kung sabagay, bata pa lang naman kasi kami noon and I bet nakalimutan na rin niya ang sumpaan namin noon."

"Wow? Parang teleserye lang. May pa sumpaan lang? Ano bang sumpaan niyo?" intrude ko sa pagkukuwento niya.

He looked at me seriously kaya napaayos ako ng upo. "We vowed not to fall in love with other man/woman."

Mabilis akong napatigil sa sinabi niya. Mariin akong napatingin sa mata niya papunta sa kamay niya. Muntik na akong ma-out of balance kahit na nakaupo ako nang makita ko ang peklat na yari sa isang kagat ng tao sa kanang bahagi ng kamay niya.

"A-Andrie?" gulat na gulat na bulalas ko.

Nang makita ko ang dahan-dahan niyang pagtango ay mabilis akong napatayo at sinabulong ng yakap ang isa't isa.

"I-I miss you," he whispered.

Kahit na hindi ko makita ang mukha niya ay ramdam kong umiiyak na siya. Andrie is my best friend when I was in Elementary kaya nang mag-migrate sila sa US ay todo iyak ako dahil siya lang ang natatangi kong kaibigan noon. I often called him "Andrie" dahil magkatunog lang sa salitang "daddy". Para kasi siyang tatay ko noon kung makabawal at maka-care sa'kin.

Simula nang umalis siya ay nangako ako sa sarili ko na hindi na makipagkaibigan pa sa iba. At kung makikipagkaibigan man ako ay dapat hindi ko ita-trato kagaya ng pagtrato ko sa kaniya.

"I-I miss you too," puno ng pangungulila na saad ko.

"F*ck, I thought you forgot about me!" pahayag niya habang mahigpit akong niyakap.

"I don't. Kahit kailan hindi kita kinalimutan, Andrie," saad ko at humiwalay sa yakap.

He kissed my forehead after wiping my tears. Hindi na ako nagulat dahil noon pa man ay 'yon na ang nakasanayan niyang gawin. Inipit niya sa tenga ko ang iilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Then, bakit hindi mo ako naalala? Magkatabi nga tayo simula first semester pero hindi mo man lang napansin," puno ng hinanakit na saad niya at umiwas ng tingin.

"I'm sorry," hinging patawad ko, "Don't blame me for not noticing you dahil after you leave me, I made a promise to myself not to befriend someone unless it's you, Andrie."

I looked at him with loneliness in my eyes. "I want you to be my forever best friend, Andrie. Only you."

"Hindi na ba pwedeng magbago? Kasi ako... I want you as my... woman."



























The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon