Epilogue

1.7K 27 0
                                    

Mabilis akong napailing dahil sa puna niya. Nagulat man ay agad din akong nakabawi.

“That won’t change, Jared. What I truly feel for you is only as a friend, Jared,” diretsong saad ko.

Kita ko sa mga mata niya kung paano siya nasasaktan. Ngunit nanatili pa rin akong matatag sa salita na aking binitawan dahil ayokong masaktan siya kung magsinungaling ako sa kaniya.

Ayoko rin na pati sarili ko, lolokohin ko.

I saw how he smile bitterly. Sa gitna ng ngiti niya ay kita sa mata niya na nasasaktan siya.

“I guess we need to broke and forget that vow now. Happy ako ngayon para sa’yo, Alliah. I know you’ll be safe in Pollux hand, Alliah,” komento niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

“Wait? Ang pinsan na tinutukoy mo ay si Pollux?” gulat na tanong ko sa kaniya nang ma-process ang mga pangyayari.

He chuckled. “Yep! The one and only fiance of yours. Kaya huwag kang mag-alala dahil obsessed na obsessed si Pollux sa’yo. Kahit pa nga itanan kita ay baka patayin pa ako ng loko para lang mabawi ka sa akin,” natatawa niyang saad.

Bumalik ang sigla sa mukha namin. We’re like a best friend, ngunit hindi na kagaya noon.

“Hindi pa tayo sure diyan.”  Natatawang saad ko at pabiro siyang sinampal sa balikat kaya napatawa na lang din siya.

Pagpasok ko pa lang sa bahay ay madilim na. Hindi ko na rin binuksan ang ilaw dahil pagod ako at gusto ko na rin na magpahinga.

Paano ba naman kasi, nag-cutting kami ni Jared para naman daw may quality time kami dahil baka raw bukas o sa makalawa ay bantay sarado na ako kay Pollux.

Jared told me a lot about Pollux. Kung bakit nagtuturo si Pollux sa sarili niyang paaralan kahit na may kompanya siya na dapat niyang atupagin. At first, natakot ako nang malaman ko kong ang rason. Imbes na layuan si Pollux ay maslalong nahulog ang puso ko sa kaniya. I can't imagine that nahulog nga ako sa taong matagal na palang nahulog sa’kin. Feeling ko tuloy, kahit nasaan ako pumunta ay wala nang pagdududa ang puso ko dahil sa sinabi sa akin ni Jared. Feeling ko ay secure na ang pwesto ko sa puso ni Pollux.

“Saan ka galing?”

Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang may nagsalita. Dahil kilala ko naman ang boses ay hindi na ako nag-abala pa na sumigaw at humingi ng tulong.

Instead, I opened the light at una agad na bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Pollux na sobrang sama ng tingin sa akin. Naka-corporate attire pa.

Instead na matakot ay palahim na lamang akong napangiti dahil sa pagseselos niya.

So, this is what it feels na mahalin ng tunay ng taong mahal mo~

“Diyan sa lang tabi-tabi,” sagot ko.

Gusto kong matawa nang masaksihan ko kung paano niya kinuyom ang kamay niya na parang gigil na gigil ng sumuntok. Idagdag mo pa ang necktie niya na ngayon ay maluwag na. Maslalo tuloy siyang naging hot tingnan.

Bago pa makita ni Pollux ang malaki kong ngiti ay mabilis ko siyang tinalikuran. Pumunta ako sa table at nilapag ang dala kong bag. Dahil mukhang wala namang pake si Pollux kung magbihis ako sa harap niya mismo ay ako na lang ang nag-adjust. Kumuha ako ng isang set ng pantulog pagkatapos ay pumasok sa banyo at nagbihis. Akala ko ay isang shirt at pajama ang napili ko ngunit isang short at sando pala na set ang nakuha ko. Kahit na nagdadalawang isip ay lumabas pa rin ako. Buti na lang at hindi ko tinanggal ang bra dahil siguradong bakat na ang dibdib ko kapag nagkataon.

Naghalungkat sa bag ko si Pollux nang mabungaran ko siya paglabas ko ng banyo. Wala man lang siyang pake kahit nakita ko kung paano niya halukayin ang bag ko.

“What are you doing?” kunwaring galit na tanong ko sa kaniya.

He looked at me angrily. “Ano ‘to?”

“Keychain,” plain na sagot ko.

Mas lalong sumama ang mukha niya dahil sa naging sagot ko.

“I know. I'm not blind kaya alam kong keychain ‘to, pero sino ang nagbigay?"

Alam mo pala, dami pang tanong!

“Binili ko,” walang gana na sagot ko at saka umupo sa kama.

Binili ko ang keychain kanina noong gumala kami ni Jared. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa binili kahit na hindi ko naman magagamit. Siguro ay parte iyon ng pagbubuntis ko. Sabi kasi ni Jared ay kailangan ko daw bilhin lahat ng gusto ko at baka makunan ako ng wala sa oras. Inaya pa niya akong magpa-test ngunit hindi na ako pumayag dahil takot ako sa magiging resulta.

“Are you sure?” May diin na tanong niya at marahan na nilapag sa mesa ang keychain.

I just nodded from his question. Tinatamad na akong magsalita kaya siya na ang bahalang mag-adjust.

“Tapos ka na ba sa babae mo?” I asked out of boredom.

Gusto kong lang makita kung ano ang magiging reaksyon niya sa tanong ko.

“Wala pa. Hindi pa ako tapos sa’yo kaya huwag mo akong tulugan,” prenteng saad niya at naramdaman ang yabag ng paa niya palapit sa pwesto ko.

Lihim akong napangiti dahil sa naging sagot niya. Iba pala talaga kapag alam mo na ang totoo at may tiwala ka sa isang tao.

“I’m not sleeping. Nakahiga ako rito pero hindi ibig sabihin niyan ay natutulog ako,” pambabara ko sa kaniya.

Hindi ko sinadya ang pagka-irita sa boses dahil kusa itong lumabas.

“What’s with you? Are you in your menstruation right now?” taas kilay niyang tanong at umupo sa kama.

“Bakit? May buntis ba na dinudugo? Bobo ka ba?” pabalang na tanong ko at inirapan siya.

Hindi ko talaga sinadya na sabihin ‘yon, pero siguro ay ito na ang tamang oras para sa lahat.

“What did you just say?”

“Bobo ka,” nang-aasar na saad ko.

“Not that one, baby. Alam ko namang hindi  ako bobo. Just repeat what you said earlier,” utos niya at tumawa pa.

Patagilid siyang huminga kaya ang ending ay magkaharap na kaming dalawa.

“Ang alin? Yung may buntis bang dinudugo?” pag-uulit ko pa.

“Come again?”

Dahil sa tanong niya ang tumaas ang dugo ko.

“Buntis nga ako! Ang tagal mong mag-process! Parang mas bobo ka pa sa akin—”

Hindi ako natapos sa pagsasalita dahil mabilis niyang sinikop ang labi ko.

“You don't know how happy I am, baby. Thank you so much. I love you, baby” masayang saad niya at paulit-ulit na hinagkan ang iba't-ibang parte ng mukha ko.

“A-ano?” hindi makapaniwala na saad ko.

He loves me?

He loves me!

He said he loves me!

Kulang na lang ay tumalon ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. Iba talaga kapag sa mismong bibig ng taong mahal mo manggagaling ang salitang “Mahal kita”.

He cupped my face. “I love you, Alliah Macababag."

Napaiyak ako sa tuwa at yumakap sa kaniya. “I love you too, Pollux Dela Fuente. From infinity and beyond.”

















The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon