Chapter 23

1.3K 21 0
                                    

"Halika nga rito, anak." Utos ni mama kaya pumunta ako sa gawi niya.

Agad niya akong sinalubong ng yakap kaya mahigpit ko rim siyang niyakap pabalik na tila ninanamnam ang ilang buwan, araw, at oras na hindi kami nag lambingan.

"Sa wakas, inlove na rin ang anak ko," malambing na saad niya sa akin.

Hinahaplos niya ang buhok ko na parang bata. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sinabi niya. Akala ko ay papagalitan niya ako dahil sa kagagahan ko.

"Mama, hindi ka galit?" parang batang tanong ko at sumisinghot pa.

Kumalas siya sa yakap at mabilis na tumingin sa mukha ko.

"I'm not, anak. I'm happy for you dahil sa wakas, nakita ko na rin sa mukha mo kung paano ka maging masaya. Kaya pala blooming ka nitong nakaraang araw, ha," pagbibiro niya dahilan para mapatawa ako.

Gumaan bigla ang nararamdaman ko dahil sa pinakita ni mama. Talagang wala na akong mahihiling na iba pa dahil swerte na swerte ako sa pamilya ko.

Napatawa ako habang pinupunasan ang luha ko. "Thank you, Ma."

Pagkatapos ng drama namin ay mabilis akong pumasok sa kwarto at nagbihis. Mabuti na lang at medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong maligo. Ma hapdi pa ng konti pero hindi na kagaya kagabi.

Nagpaalam ako kay mama na papasok ako sa klase kahit tanghali na. Ayokong may ma-miss na lessons dahil mahirap mag-catch up lalo na't hindi naman ako kasing talino ni Albert Einstein.

Pagpasok ko sa campus ay unang bumungad agad sa akin ang kakaibang tingin sa akin ng mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway, mayroon pang nagbulong-bulongan. Nagkibit balikat na lang ako at dumiritso na sa room.

Agad na lumiwanag ang mukha ko nang makita ko si Jared. Nakatayo siya sa upuan niya at nag-aayos ng gamit na tila tapos ng mag-lunch.

"Hi!" masiglang bati ko sa kaniya.

Kumaway pa ako habang naglalakad papunta sa gawi niya. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin, tingin na parang sinuri ang buong katawan ko.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka pumasok kanina?" parang tatay na tanong niya sa akin nang makarating ako sa tapat niya.

Kung hindi ko lang siya kaibigan ay malamang nago-overthink na ako na may gusto siya sa akin. Ngunit malabo rin namang mangyari 'yon. Sa galing at talino niya, malabo na magustuhan niya ako. Sa ugali pa lang niya, halatang mataas na ang standard niya.

"Masakit ang katawan ko kanina kaya ngayon lang ako nakapasok," sagot ko sa kaniya, which is true naman.

Sa nangyari sa cafeteria ay wala pa akong update dahil hindi ko pa naman nakita at nakasalubong si Pamela at Joshua. Wala rin akong load kaya hindi ko sila makontak.

Nilapag ko ang bag sa upuan ko at saka umupo sa lamesa at tiningnan siya habang inaayos ang gamit.

"Saang banda?" out of nowhere niyang tanong.

"Ha?" takang tanong ko rin sa kaniya kasi hindi ko gets ang tanong niya.

"What I mean is, saang banda ang masakit sa'yo?" paglilinaw niya.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Paulit-ulit akong napalunok nang maalala ang nangyayari sa akin kagabi. Kahit nga ngayon ay sumasakit pa rin ang balakang ko. Lumingon siya sa akin nang hindi ako umimik.

"Ah, sa balakang," bulalas ko.

Mabilis akong napakagat ng labi nang ma-realize ang sagot ko. Sa kakaibang tingin niya ay malamang iba na ang nasa isip niya. Gusto kong kutusan at sampalin ang sarili ko dahil sa katangahan ngunit wala naman akong magawa dahil huli na ang lahat.

"O-okay," alinlangan na saad niya at umiwas ng tingin sa akin.

"N-nahulog kasi ako sa puno doon sa amin kaya ayon," pagpapaliwanag ko at pinaglalaruan ang kamay dahil sa kaba.

Napahinto siya sa pagsarado ng bag niya at lumingon sa akin pagkatapos ay tumingin din agad ng diretso sa harap.

"Hindi ka ba aware?"

"Saan? Alin?" nagtatakang tanong ko.

"That you have hickeys on your neck."

Mabilis pa sa kabayo na kinuha ko ang salamin sa bag ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang may iilang kiss mark nga ang naroon. Napapikit ako dahil sa sobrang hiya. Paniguradong nakita ito ni mama kanina pati na ang ibang estudyante na nakasalubong ko kanina.

Kaya pala iba ang tingin nila!

Kagat labi kong nilagay sa bag ang maliit na salamin at tumingin kay Jared ngunit mabilis siyang umiwas ng tingin nang magtagpo ang mata namin. Napahawak na lang ako sa leeg ko dahil sa sobrang hiya. Naramdaman kong hinubad niya ang jacket na suot niya.

"Wear this. It can help," saad niya sabay abot sa akin nang hindi nakatingin.

It's a Korean style jacket. Kulay itim na abot hanggang leeg ang zipper. Ngayon, tanging polo na puti na lang ang suot niya na pang-itaas.
.
"S-salamat," hiyang sagot ko at sinout ito.

Tumango lang siya at umupo pagkatapos ay kinuha ang isang libro na nakapatong sa mesa niya.

Nang masout ko ang jacket ay agad na pumasok sa ilong ko ang panlalaking pabango. Mabango ito ngunit mas mabango si Pollux. Mahina akong napahagikhik habang mabilis na umakyat ang dugo ko sa pisngi.

"Manahimik ka, Alliah! Napahiya ka na nga kahalayan pa ang nasa isip mo!" sermon ko sa aking sarili.

Mahina akong napatampal sa noo dahil sa kahalayan na nasa isip ko.

"Kami na," pag-amin ko kahit hindi naman niya ako tinanong.

Napakagat labi na lang ako. Umupo na ako sa upuan ko at saka bahagyang tumingin sa kaniya.

"Alam ko," confident niyang saad, "Kahit hindi pa man kayo noon ay alam kong maging kayo rin," tila siguradong saad niya.

Nanatiling nasa libro niya ang tingin habang ako ay nakakunot ang noo dahil sa naging pahayag niya.

"Bakit ba palagi kang sure sa mga sinasabi mo?" kuryusadong tanong ko sa kaniya.

Hindi sa gusto kong ibahin ang usapan kundi dahil sa kuryosidad. I know that he's Pollux cousin pero hindi ko alam kung bakit ganoon na lang siya magsalita. Tila ba lahat na lang nang sasabihin niya ay na research na at 100 percent positive.

"Because he's a Dela Fuente," makahulugang puna niya.

"And so?"

"The Dela Fuente will do everything para lang makuha ang taong mahal nila."









The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon