Chapter 24

1.3K 24 0
                                    

Matapos sabihin ni Jared iyon ay napatango lang ako. Tahimik kong pinatong ang mukha sa armrest habang nakatingin sa pwesto niya kung saan ang bintana. Pinikit ko ang mata ko para sana umidlip nang tuluyan akong makatulog.

Nagising ako nang maramdam kong may kumurot sa pisngi ko. Mahina akong umungol at inalis ang kamay na kumurot sa’kin.

“Hey, wake up. Your fucking boyfriend is here. Trust me, he will kill me if you're not going to wake up," mahinang sabi ni Jared sakto lang para marinig ko.

Kinusot ko muna ang mata ko bago dumilat. Tumingin ako kay Jared habang nasa lamesa pa rin ang mukha ko.

“Anong sinasabi mo?” tanong ko ulit sa kaniya.

“F*ck! Just sit properly and look in front of you,” gigil na bulong ni Jared sa’kin na tila naiinis na.

Kahit na nagsusulat siya sa notebook niya ay bakas pa rin sa mukha niya ang panggigigil dahil sa diin ng bawat pagkakasabi niya. Idagdag mo pa ang paghawak niya sa ballpen na sobrang diin. Kulang na lang ay lalabas ang ugat  sa kamay niya.

Kunot noo akong tumingin sa harap. Ganoon na lang ang pagka-gulat ko nang makita si Pollux sa harap. Muntik pa akong mahulog sa upuan buti na lang at mabilis ang reflexes ni Jared kaya mabilis niya akong nahawakan sa kamay at bumalik sa pagkakaayos ng upo.

Napuno ng hiyawan ang buong silid. Ang kanina na tahimik na nagsusulat, ngayon ay nakangisi na habang kinakantyawan kami. Taliwas sa naging reaksyon nila ay napayuko ako habang si Jared ay paulit-ulit na napamura dahil sa inis at takot. Inis dahil sa maingay na kantyawan nila at takot dahil sa anumang oras ay suntukin siya ni Pollux.

Sino nga naman ang hindi magugulat kung unang bubungad sa’yo ang nag-aapoy na mukha ng boyfriend mo, diba?

Malamang magugulat at kinakabahan ka talaga.

Agad na natahimik ang buong silid nang mabilis na binato ni Pollux ang hawak niyang selpon. Lahat ay nagulat dahil sa nangyari. Pati si Jared na kanina na mura ng mura ay ngayon ay natahimik at laglag ang panga.

“Who said that all of you are allowed to make noises in my class?!” Nangagalaiting sigaw ni Pollux.

No one dared to answer. Napalunok ang ibang estudyante at ganoon din ako. Niluwagan niya ang necktie at mabilis na kinuyom ang palad. Halata mong galit siya dahil kulang na lang ay lumabas ang ugat niya sa kamay.

Mabilis akong tumayo. “Sir, he just help me. Muntik po kasi akong mahulog kanina,” pagpapaliwanag ko.

I felt like he owe an explanation. Lumambot ang ekspresyon niya at pumunta sa gawi ko. Lahat ng nadadaan niyang kaklase ko ay mabilis na kumakawala ng hangin na tila nakahinga ng maluwag.

“I know, baby. I know. I’m just pissed,” parang batang sumbong niya at yumakap sa’kin.

Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha ng mga kaklase ko. Si Jared naman ay parang wala lang sa yakapan namin at marahan na kumawala ng hangin.

“I'm jealous, baby. They’re teasing you with this guy.” Nakalabing saad niyaat tinuro pa si Jared.

“I can't help it. That should be me. Ako lang dapat,” possessive niyang saad.

Nakita ko ang ilang paghagikhik ng mga kaklase ko dahil sa inakto ni Pollux. Who would thought that this firm and proper professor can be this cute.

Mabilis akong napangiti at kinurot siya sa pisngi. “Seloso mo talaga… kaya mahal kita, i!”

Hindi mapigilang mapatili ng ilang mga kaklase ko. Ang iba ay bugbog sarado na ang katabi dahil sa paghahampas nila.

“Sir, P.D.A ‘yan. To the detention office, now!” Birong sigaw ng kaklase ko na nagpapatawa na lang sa’min.

Pagkatapos ng klase ay agad akong hinila ni Pollux papunta sa opisina niya.

“Hoy! Parang tanga ‘to. Ano bang meron sa mukha ko, ha?” natatawang saad ko at tinakpan ang mukha dahil sa hiya.

Sino ba namang hindi mahihiya kung titig ng titig sayo ang boyfriend mo. Kung ice lang ako ay malamang kanina pa ako natunaw dahil sa titig niya.

“Wala lang,” nakangiting sagot niya at kinuha ang kamay ko na nakaharang sa maganda kong mukha.

Hindi naman ako masyadong mahangin, ‘no?

Inilapit niya ang mukha sa leeg ko. “Are you okay? You look tired earlier,” bulong niya habang nakadikit ang mukha sa leeg.

His hot breath automatically touched my skin. Akmang sasagot na sana ako ngunit mabilis siyang nagsalita.

“What the f*ck! Whose jacket is this? Bakit amoy lalaki ‘to?" his voice roared in his office.

Mabilis siyang napalayo sa akin habang masama akong tiningnan. Buti na lamang at hindi niya ako tinulak dahil baka sa malamig na sahig na ang bagsak ko. Magkaharap na kami ngayon habang nakaupo sa kandungan niya ng nakatagilid.

I was hesitant to tell him the truth dahil sa sama ng tingin niya. Agad namang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sobrang kaba.

“S-sa akin,” pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin.

He unzipped my jacket dahilan para tumambad agad sa kaniya ang mga hickeys nagawa niya kagabi. Sa isang iglap lang ay nagbago agad ang kaniyang mood. Nakangisi na siya at kulang na lang mapunit ang mukha dahil sa laki ng ngisi.

“The hickey's suit you, baby," komento niya at pinasadahan ng tingin ang bawat parte ng dibdib ko pataas sa leeg.

“Heh! Ilang araw na naman akong magbabalot sa sarili ko dahil sa kagagawan mo,” saad ko na parang naiinis.

He laughed softly. “You should be proud, baby. Hindi ka ba proud na ako ang asawa mo?” tanong niya na seryosong nakatingin sa akin.

“Anong asawa? Hindi pa nga tayo kasal, i!” pabiro kong komento sa kaniya.

“Of course, I will f*ck*ng marry you, baby. Kahit ngayon pa kung gusto mo,” paghahamon niya habang pinasadahan nang halik ang leeg ko.

“Heh! Gusto ko pang makatapos sa pag-aaral, ‘no!” Nakangusong saad ko.

Gusto ko sanang tumawa ngunit nang tinginan ko ang mukha niya ay nakatingin siya ng seryoso sa akin.

“Aray!” Hindi ko mapigilang sigaw dahil sa pagkadiin niya ng hawak sa kamay ko.

“Pag-aaral ba talaga ang rason mo? Pag-aaral ba? O ‘yng p*st*ng Jared na ‘yon?! Malamang ‘yong Jared na ‘yon ang rason mo,” he sarcastically laughed, “Nagawa mo ngang magsinungaling para sa kanya.”















The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon