Chapter 19

1.4K 20 0
                                    

“Hi, future cousin,” bungad na bati sa’kin ni Jared nang makalapit ako sa upuan ko.

I looked at him with shocked plastered on my face. Just wow! He talked to me first without using his rude tone for the first time maliban kahapon. Mabilis kong hinawakan ang noo niya at baka nilagnat lang kaya naging mabait ngunit hindi.

Bigla akong namula sa hiya ng maalala ang nangyari kanina. Sana naman ay hindi siya nag-overthink sa narinig niya kanina.

“Wow, you're in good mood, huh,” nakangiting saad ko at umupo sa tabi niya.

Napansin kong nakalatag na naman sa mesa niya ang sandamakmak na libro niya. Shit! Parang ako ang nahihilo sa ginagawa niya. Umagang-umaga sandamakmak na libro kaagad.

“You're overreacting.” Natatawang saad niya at umiling-iling pa.

“I'm not. I'm just surprised dahil ikaw ang unang nagsalita sa’ting dalawa,” ngiting saad ko, “By the way, bakit ka tumawag kanina?"

He shook his head. “Wala. Okay na pala."

Nagtataka na tumingin ako sa kaniya. Magsasalita pa sana ako ngunit pumasok na ang instructor namin sa first period kaya napatango na lang ako at napailing para maiwasan ang sarili na huwag mag-overthink.

“Alliah, anong gagawin natin ngayon?”

Kita ko ang kaba ng ka-partner ko ngayon sa Rizal subject. Panares kasi kami at binigyan ng iba't-ibang topic at kailangan i-report sa harap. At dahil pareho kaming walang alam ay pareho kaming nataranta.

“Hindi ko rin alam, i,” tarantang saad ko habang napakagat na lang ng labi habang nakatingin sa orasan.

Maslalo siyang natataranta at pilit na iniintindi ang topic na binigay sa amin ng professor.

Nang dumapo ang tingin ko kay Jared na busy sa pagsulat habang kaharap ang ka-partner niya ay biglang may pumasok sa utak ko.

“Pahiram muna ako saglit," mabilis kong saad at kinuha sa kamay niya ang papel kung saan nakasulat ang gagawin namin.

Nagtaka pa siya ngunit hindi ko na lang pinansin at tahimik na pumunta sa pwesto ni Jared. Buti na lang at may isa pang bakanteng upuan sa tabi niya kaya roon ako umupo. Nakita ko pa ang pagkagulat sa babaeng ka partner ni Jared ngunit hindi ko siya pinansin.

“What are you doing here?” Kunot noo na tanong ni Jared at tumingin pa sa pwesto ko kung saan ako nakaupo kanina pagkatapos ay tumingin uli sa akin.

Mabilis kong pinakita ang matamis kong ngiti sa kanya at nagpa-cute.

“Pwede pa help? Friends na naman tayo, diba? Baka naman,” walang hiya na saad ko.

He rolled his and continued what he was doing.

“Marami pa akong gagawin kaya huwag mo akong abalahin.”

Mabilis akong napasimangot dahil sa sagot niya. Walang hiya, hindi man lang nag-attempt na tingnan ang topic ko para mabigyan ako ng idea. Hmp!

“Hmp! Others," parinig ko sa kaniya at akmang aalis na ngunit mabilis niyang hinablot ang papel sa kamay ko.

Mabilis akong nauapo at ngumiti ng malawak. Tutulong din pala kailangan pang paringgan.

He discussed me about our topic step by step kaya nakuha ko rin ang punto.

“Contribution kasi ni Dr. Jose Rizal ang isulat niyo," napipikon na saad niya.

“Saan? Sa mga kabataan? O sa Pilipinas?" maang-maangan na tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot.

Nakita ko ang pag-uusok ng ilong niya at nanlilisik na mata niya na parang handang-handa ng bumuga ng apoy.

“Ikaw naman, joke lang. Kalma lang,” natatawang saad ko at nag-hand gesture pa na kumalma.

“Anyway, thank you ng marami. Burger ka sa’kin,” natatawang saad ko at tumalikod na.

Hindi ko na makita ang reaksiyon niya dahil nagmamadali akong bumalik sa upuan para isulat ang dapat isulat para sa reporting.

Lumipas ang oras at natapos na rin sa wakas. Lunch time na kaya mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase ko. Kaming dalawa na lang ni Jared ang natira. Tatayo na rin sana ako para pumunta sa cafeteria ngunit bigla akong hinila ni Jared kaya napaupo ako. Buti na lang at hindi gaano kalakas ang impact kaya hindi ako nasaktan sa pag-upo.

“How rude of you,” sarkastikong saad ko at inirapan siya.

He chuckled. Binitawan niya ang kamay ko.

“Sorry. At least ako, sa ganitong paraan nagin rude. Hindi kagaya ng iba riyan,” saad niya na tila may pinariringan.

Inirapan ko na lang siya. Malamang ay ako ang pinariringgan niya.

“Gutom na ak—”

Naputol ang pagrereklamo ko nang bigla siyang nagsalita.

“Here,” putol niya at mabilis na nilapag sa harap ko ang tatlong transparent na tupperware na may laman na kanin, adobo at menudo.

Tumayo siya at pinagdikit lalo ang lamesa namin. May isang tupperware rin sa mesa niya na may lamang kanina. Nang buksan niya ang tupperware ay pumasok agad sa ilong ko ang amoy ng adobo at menudo.

“Wow! Mukhang masarap,” natutuwang saad ko at mabilis na kinuha ang tinidor at kutsara ng inabot niya sa akin.

Umayos ako ng upo at ready na ready ng lumantak kaya niligpit ko muna ang buhok ko.

I saw him smirked. “Hindi pa nga natikman masarap na, paano na lang kaya kung matikman mo na, tiyak makakalimutan mo na ang pangalan mo,” proud na proud na saad niya na sinabayan ng pagkamahangin.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay inutusan ko siyang pumikit at nagsimula nang magdasal.

“Thank you sa food!” masiglang sigaw ko pagkatapos kong magdasal.

Nang malasahan ko ang menudo ay bigla ang napapikit sa sobrang sarap. Hindi naman sa nage-exaggerate ako dahil totoo naman na masarap. I heard him chuckle ngunit hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagnamnam sa masarap na lasa ng adobo at menudo.

Hanggang sa matapos akong kumain ay wala akong ibang ginawa kundi ang mapapikit kapag nalalasahan ang masarap na lasa ng menudo at adobo. Parang ako na nga nakaubos sa kanin ni Jared dahil nang naubos ang kanin ko ay panay kuha ako sa kanin niya.

“Ang sarap talaga. Sino bang nagluto ng menudo at adobo, Jared?” Hinimas-himas ko ang tiyan ko na nasobrahan ng kain.

Nakasandal na ako ngayon sa upuan at hindi gumalaw dahil sa sobrang busog.

For the first time ay busog ako ng ganito kahit adobo at menudo lang ang ulam. Hindi naman sa minamaliit ko ang niluluto nila mama na adobo but the freaking adobk that I taste earlier is really good.

“Of course, ako,” proud na sabi niya habang binabalik ang walang laman na tupperware sa lalagyan niya kanina.

“For real?” gulat na tanong ko sa kaniya.

Makabuluhang tiningnan ang mga mata niya na hindi makapaniwala.

I can't believe that he's a good cook. Paniguradong maraming magkakagusto sa kanya pag ma discover ng iba ang hidden talent niya.

“Yep, swerte mo ikaw ang unang tao na nakatikim sa adobo at menudo ko,” magiliw na saad niya at kumindat pa.

Pabiro akong sumuka dahilan para mapatawa siya.

“I really love to see your epic reactions.”

























The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon