Chapter 10

1.5K 22 0
                                    

“Buti hindi ka na busy ngayon, love?” tanong ko kay Joshua habang kumakain.

Nandito kami sa isang restaurant sa labas ng campus. Hindi naman kami mapera kaya sa mumurahing restaurant na lang kami kumain.

“Medyo nakaluwag-luwag na nga, love, i. Marami kasing binigay na activity ‘yong mga professor namin. Kulang na lang magkanda kuba kami sa paggawa.” Nakasimangot na likramo niya.

Hindi ko mapigilang pisilin ang pisngi ni Joshua. Sobrang cute ba naman. Hindi ko mapigilang manggigigil.

“Aray, love! Masakit.” Natatawang saad niya habang hinihimas ang pisngi.

Napatawa na lang ako. Hindi ko mapigilan na tumitig sa inosente niyang mukha. He looked so innocent.

“Sorry.”

Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Kung para ba sa nagawa kong panloloko sa kanya o sa pagpisil ng pisngi niya. Bahagya siyang natigilan nang makita ang seryosong ekspresyon ng mukha ko.

“Seryoso mo naman, love. Joke lang naman, i. Hindi naman masakit.” Natatawang saad niya at ginulo ang buhok ko.

Maslalo akong na guilty dahil sa inakto niya.

“Tangek! Akala ko kasi masakit talaga.” Plastik akong tumawa at sinabayan siya.

Ayokong siraan ang mood na mayroon kami ngayon. Maslalong ayokong putulin ang ugnayan na mayroon kami. I can’t break his heart knowing how innocent he is. I can’t afford to hurt the man that I love the most.

Matapos kumain ay agad na kaming pumasok sa campus. Nasa hallway pa lang kami ay nagkagulo na ang mga estudyante. Pagkarating namin sa bulletin board ay nagbulong-bulongan ang iilang estudyante. Dahil sa kuryosidad ay lumapit ako habang hilahila si Joshua.

“Relax, love. Masyado kang tsismosa.” Nakangising saad niya na parang iniis ako ngunit hindi naman ito effective.

Inismiran ko lang at sinamaan ng tingin.

“Tangek! Gusto ko lang mabasa ang latest news ‘no! Magkaiba ang pagiging mapanuri sa tsismosa, duh!” pabiro ko siyang inirapan kaya napatawa na lamang siya.

Napailing siya dahil sa ginawa ko. Habang nakipag siksikan ako sa nagkukumpulang estudyante, nakasunod din siya sa akin kaya napailing na lamang ako.

Tsimoso rin pala!

Nang makarating ako sa harap ng bulletin board ay napahinga ako nang maluwag. Akala ko ay good news ang nakapaskil ngunit hindi. Muntik na akong mapaupo sa nakita ko. Buti na lang at mabilis ang reflexes ni Joshua kaya agad ako niya akong nahawakan sa bewang. Sabay kaming napatingin sa isa't isa habang hindi makapaniwala sa nabasa.

Good day, dear student!
The school scholarship will stop due to the sudden decision of our Chairman. If you have questions, please look for Mr. Pollux Dela Feunte in his office.

Bagsak ang balikat namin na umalis sa bulletin board. Hindi ako makaimik. I felt sad. I'm not a scholar pero si Joshua, oo. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng room ko ay wala ring imik si Joshua. Ngumiti lang pero pilit.

“Pumasok ka na. I'm fine.” Nahihirapang saad niya.

Gusto ko mang yakapin siya pero hindi ko magawa lalo na nang makita ko si Pollux na paparating sa gawi namin. I want to bid goodbye ngunit tumalikod na siya. Kahit na nakatalikod siya ay ramdam ko pa rin ang lungkot na dinadala niya.

Napatigil ako sa kakaibang tingin ni Pollux. Kahit na may nakasalubong sa kaniya na estudyante ay hindi siya binabati, marahil dahil sa nakakunot at nakataas ang kilay niya. Idagdag mo pa ang pagkuyom ang kamao niya na parang lalabas na ang ugat sa kamay. Papasok na sana ko nang biglang nagsalita si Pollux nang dumaan siya sa harap ko.

“Want him to suffer more, baby?”

Ganoon na lang ang pagkatigas ng katawan ko dahil sa tanong niya. Hanggang sa malagpasan niya ako ay hindi ako makagalaw.

He was not the one who did it, right?

My mind was clouded by different thoughts. Nang uwian na, imbis na dumiretso sa bahay ay sa mansyon ng mga Dela Fuente ako tumuloy. Determinado akong kausapin si Pollux sa kalokohang ginagawa niya. Buti na lang at pinapasok ako ng mga guards. Marahil ay kinausap na ang mga ito ng mga Dela Fuente tungkol sa pagpapakasal ni Pollux sa akin.

Tuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako sa kwarto niya. Nakikita ko pa ang paglingon sa akin ng mga katulong ngunit hindi ko iyon pinansin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok ng diretso. Hindi na ako nag-abala pang kumatok dahil sa inis na naramdaman ko.

Naka-topless na Pollux agad ang nabungaran ko. Lantad ang walong pandesal at tumatagaktak pa ang ilang butil ng tubig galing sa buhok niya. May hawak pang towel sa kanang kamay. Imbis na maglaway ay binago ko ang ekspresyon ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag at tila nage-enjoy pa.

“Wow! My lovely fiance is here.” Hindi ko alam kung sarcastic ba o namangha talaga.

Halo-halo rin kasi ang ekspresyon niya.

“Huwag mo akong malovely-lovely riyan. Alam kong ikaw ang may gawa tungkol sa scholarship,” akusa ko at tinuro pa siya.

Biglang nagbago ang itsura niya. Bumalik na naman sa pagiging malamig. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nagbago ang ekspresyon niya. Kung dahil ba sa pang-aakusa ko o dahil baka may-iba pang dahilan.

“Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?” tila disappointed niyang tanong.

Umupo siya sa upuan niya at pinagpatuloy ang pagpunas sa buhok gamit ang tuwalya. Bigla naman akong natigilan sa tanong niya. Medyo na konsensya ako sa pagsigaw sa kaniya.

“Why did you do that? Walang ginagawa sa’yo ‘yong tao, Pollux. Hindi ka ba naawa sa tao, ha?” halos bulong ko na tanong.

“Then what about me?! Hindi ka ba naawa sa’kin? I know I've been jerk to you. I know you hate me but don't you really even pity me, Alliah?! I did everything, Alliah! From the first day of school, harassing you, your father's job, sa scholarship at pati na rin sa pagpasok mo rito! I planned everything about that Alliah, just to get your attention! You're my obsession but I kept myself in control. Everytime I saw you, gusto kong ipagsigawan sa lahat na akin ka lang! Na pagmamay-ari kita! I waited so long just for you to notice me…”

“Tangina... a-ang lapit lang natin pero hindi pa rin kita maabot.”


























The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon