Chapter 9

1.5K 24 0
                                    

Tahimik akong nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Pollux. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda at pagiging organized nito. Ngayon ko lang ito napagmasdan nang maigi. Ang puting dingding ay bagay sa kulay tsokolate nitong mga upuan at lamesa. May iba't ibang frame pa na nakasabit sa dingding na may laman na certificate. Ang iba naman ay mukha niya ang nandoon. Bumalik ang tingin ko sa nag-iisang picture frame na nasa lamesa niya. Nakaharap ito sa kaniya kaya hindi ko makita kung ano o sino ang nasa frame. Naisip ko na baka isa sa mga taong pinakamamahal niya ang nakalagay doon dahil parang importanti ito sa kaniya.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito. Well, inutusan lang naman niya ako kanina na dalhin ang gamit niya sa opisina niya. Aba, ang magaling na professor, hindi na ako pinaalis dahil alam niya na wala na akong klase hanggang tanghalian.

Noong time na sinabi sa akin na papa na kailangan kong pakasalan si Pollux ay hindi ako agad nakakapagsalita. I was torn whether I will answer yes or no. Buti na lamang ay dumating si Pollux at nagpaalam na aalis siya dahil may gagawin. Kung hindi pa talaga dumating si Pollux ay hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Tumayo ako nang makitang may mini-kitchen sa likod niya. Kahit may nakaharang na pader ay medyo kita ko pa rin ang gamit doon.

"Where are you going?" Mabilis na tanong niya.

Napaikot ang mata ko dahil sa naging tanong niya. Kung makatanong ay para namang tatakasan ko siya.

Imbis na sagutin siya ay nag tuloy-tuloy lang ako sa paglakad papalapit sa kaniya. Nakaramdam ako ng tensiyon nang tumingin siya nang maigi sa'kin na parang bang sa bawat hakbang ko ay hinubaran niya ako. Nakahinga na lamang ako nang maluwag nang lumagpas ako sa kinauupuan niya.

Tumingin muna ako sa paligid kung anong pwedeng lutuin. Para akong nagmamay-ari ng opisina dahil sa ginawa ko. Binuksan ko ang mini refrigerator niya. Nagpasalamat ako nang makitang may karneng baboy. Tantsiya ko ay nasa isang kilo pa. Humanap ako ng maaring panghalo sa karne. Sa kabutihang palad ay may kalahating kilo rin siguro ng chinese pechay sa loob.

Nilabas ko na lahat ng sangkap at isa-isang hiniwa ang mga ito. Naghugas muna ako ng kaldero pagkatapos ay nilagay ito sa burning stove. Matapos tadtarin ang karne ay mabilis ko itong nilagay sa kaldero at saka nilakasan ang apoy.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang niyakap ako ni Pollux patalikod. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko kaya agad akong napaatras at humarap sa kaniya.

"Ano ba, Pollux. Naghihiwa ako dito, o," naiinis na saad ko at marahan siyang tinulak pero hindi siya nagpatinag. Bagkus ay mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Damn, ang lapit-lapit lang natin pero hindi pa rin kita maabot," rinig kong saad niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Awtomatikong napatingin ako sa kaniya. Hindi ko inalintana kahit one inches lang ang pagitan ng mukha namin.

"W-what?" hindi makapaniwala na tanong ko dito.

Umalis ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya. Mabilis akong napaiwas ng tingin nang marinig ko ang katok sa labas. Mabilis niya pa akong siniil ng halik bago pumunta sa pinto para tingnan kung sino ang kumatok.

Sakto namang nag-ring ang selpon ko kaya mabilis ko itong sinagot. Kita ko pa ang pagtingin sa'kin ni Pollux habang nasa pintuan ngunit hindi ko siya pinansin.

Hindi man lang niya pinapasok ang kausap niya. Tinaguriang guro pero walang modo. Paano na lang kung magiging asawa ko ang isang katulad niya? Baka mahawa pa ako sa pagiging unprofessional niya.

Mabilis akong napailing dahil sa iniisip ko. Parang sinasabi ko na rin na talagang magpapakasal ako sa Pollux na 'yon.

Mula sa pagkainis ay mabilis na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makitang si Joshua ang tumawag.

"Hi, love," bungad ko sa kabilang linya at talagang hininaan ang boses.

Sinigurado kong hindi maririnig ni Pollux ang tinig ko. Baka mamaya ay sigawan na naman ako. Mas mabuti ng hindi niya marinig.

"Hello, love. Are you free right now?" tanong ni Joshua sa kabilang linya.

Agad na nabuhay ang loob ko dahil sa naging tanong niya ngunit agad din na nadismaya nang maisip ko si Pollux. Malamang ay hindi niya ako papayagan na gumala ngayon kung sakaling iimbetahin ako ni Joshua. Kung iisipin ay parang naging kabit pa si Joshua kaysa kay Pollux.

"Not sure, love. Why?"

Gusto kung sabihin na "oo" ngunit hindi ko masabi. Gustuhin ko man ay inunahan ako ng takot.

"Let's eat lunch together." Hindi nabura ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

Sa wakas ay magkikita na ulit kami at magkasabay nakakain. Ilang linggo narin na hindi kami sabay na kumakain. Tawag o text lang ang komunikasyon namin.

I was about to answer ngunit mabilis ko itong pinutol nang marinig ko ang pagsarado ni Pollux sa pinto. Mas nilakasan ko ang apoy para matapos agad.

Muntik na naman akong mapasigaw nang sumulpot si Pollux sa tabi ko. Nakataas ang kilay niya at tila hindi masaya.

"Sino yung kausap mo kanina?" masungit na tanong niya.

Pinulupot niya ang kamay sa baywang ko na parang ahas na ayaw makawala ang prey niya. From his action, masyado itong possessive.

"Boyfriend ko. Bakit?" lakas loob na sagot ko at tinaasan siya ng kilay.

Nakita ko kung paano sumama ang mukha niya.

I should be honest, right?

Hindi naman pwedeng hindi ko siya komprontahin, diba?

"You didn't break up with him?" hindi makapaniwala na tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay.

Mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Kulang na lang ay lukutin niya ang maliit ko na palapulsuhan. Namumula na nga ito dahil sa higpit na hawak niya. Kulang na lang ay ma-dislocate ang buto ko.

"I told you... I won't," pabalang na sagot ko sa kaniya at pilit na tinatanggal ang kamay niya nakahawak sa'kin.

"Don't test my patience, Alliah. You won't like me if I get mad," matigas at mariin niyang saad.

Padabog niya akong bintawan kaya napaupo ako. Kahit namumula ang kamay ay hindi ko maramdaman ang sakit. Tila namamanhid ang buong katawan ko sa lamig ng boses niya. Napapiksi pa ako sa lakas ng pagsarado niya sa pinto.

Oh god! I'm really in trouble!






















The Professor's Obsession (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon