The "One"

115 5 10
                                    

Have you ever had that person who always have a special place in your heart? Kahit hindi kayo. Kahit hindi naging kayo. Kahit hindi mawari kung anong meron kayo.

I had that.

Keyword: HAD.


After a year and a half of knowing her I finally met her in person. Unfortunately, it wasn't quite what I expected.

Hindi ko alam kung:

A. Napanidigan ko na ang pagiging Siga at Awesome persona ko.

B. I just learned how to control my feelings.

Or C. Wala lang talagang spark.


Sa mga nakakakilala sa akin beyond my Dummy account sa Facebook at interactions within Wattpad, I'm talking about May. Sa kanya nakabase ang isa sa mga characters ko sa Pursuit of "The One".

At para naman sa mga hindi nakakakilala sa kanya ay bibigyan ko kayo ng isang mabilis na background check.

Nakilala ko sya salamat sa isang CFO Group o isang organization ng mga Filipino Immigrants all around the world.

Nagkaroon kami ng "mutual feelings" toward each other way back 2014. But due to unfortunate events hanggang doon na lang yun. A thing in the past. An Almost.

Hindi ko sya nagustuhan because of her looks. Nagustuhan ko sya dahil sa kanyang personality. Her story. Kung ano sya at kung ano ang ipinakita nya sa akin.

Noong mga panahon kasing nakilala ko sya ay she's still in a Long Distance Relationship. Unang una, ayokong maging dahilan ng kanilang break up. Hindi kaya ng sikmura ko ang galawang "Mr. Steal Yo Girl" dahil kay respeto pa naman ako sa kanya at sa aking sarili.

Kaso hindi na sya masaya. Pero hindi nya mabitawan ang kanyang boyfriend dahil nanghihinayang daw sya sa tagal ng kanilang pagsasama. (If I can remember correctly 3 years na sila nang mga panahong iyon.)

Ang nakakatawa pa dito ay alam ng lahat ng nasa group namin na we like each other. Pakiramdam namin na we like each other. Alam namin sa isa't isa na we like each other. Kaso walang formal definition kung ano man ang namamagitan sa amin.

After months ng ganoon, I've made up my mind. Handa na akong umamin. Handa na akong hamakin ang lahat. Unfortunately, nakita kong nagkakamabutihan sila ng kanyang boyfriend. Kaya I put my plans into a halt and tinantanan ko sya.

Kaya't ako naman ang nag explore. Naghanap ng mga taong makakausap. At sa mga panahong nagpapaka-Siga ako ay may nakilala akong dalagita at nagkamabutihan.

Ironically, noong mismong araw na naging "offical" kami ni Alexa (POTO reference) ay tsaka ko naman napag-alaman na hiwalay na sila May ng kanyang boyfriend.

Nakakapanlumo. Hindi ko maintindihan ang panghihinayang at frustration levels ko nang malaman ko iyon.

Long story short, Mayroon ding nakilala si May, nagkamabutihan, naging official, nag-end, heartbroken, rinse and repeat.

Nawalan kami ng communication for a long time. Dahil nagkaroon na kami ng sari - sariling buhay at pinagkakaabalahan.


But 2 weeks ago, finally. After ng ilang naudlot na plano pagpunta ng New York ay pupunta na daw talaga sya. And this time it's for real.

Kaya't pinagplanuhan namin ito ng mabuti, set the date, booked a hotel reservation at pinag-usapan ang mga pupuntahan.

At nang makita ko sya in person ay wala akong naramdaman. Walang kilig. Walang nginig. Walang kaba. Walang butterflies in my stomach. Walang kahit ano.

In short, Casual. Nothing really special.

Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaction upon that feeling. Kahit kasi Awesome at Siga na ako'y isa pa din akong makesong hopeless romantic. But she wasn't able to give me that "spark" I was so desperately looking for.

Kaya't in - enjoy ko na lang ang pagtour sa kanila sa New York and had tons of fun. Pumunta kami sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Nag food trip, naglakad ng milya milya at sa katunayan ay tinuruan nya pa akong mag bike.

There were some moments na kami lang dalawa ang magkasama. Pero para bang mayroon kaming unspoken agreement to not talk about what we had before.

Dahil siguro hindi pa tamang panahon para kalkalin muli ang subject na ito. Siguro dahil emotionally drained sya at bitter sa ngayon. Siguro dahil carefree at masaya akong single ngayon. Siguro dahil what we had was as simple as that.

A one time thing. A thing in the past. An Almost.

It was quite upsetting for me. Dahil siguro I'm begging all the angels on the heavens to send someone to knock me off my guard and sweep me off my feet.

Dahil sa ngayon ay wala akong pakialam kung magkaroon ako ng karelasyon or not. But I'm patiently waiting for someone to do that. Na hindi naman ako ang maghahabol. Na hindi naman ako ang mang-aagaw. Na hindi naman ako ang mag-eeffort.

I want someone to need me because they love me. Not the other way round. Ayoko nang maging dakilang rebounder. Ayoko nang maging isang tagaayos at shoulder to cry on. Ayoko nang maging isang bestfriend. I just want someone that would share her time with me.

And right now, May isn't what I'm looking for her.


But she definitely was the "One". Almost the One.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon