First Crush (The Lady and the King)

169 21 81
                                    

Naaalala nyo pa ba ang First Crush nyo?

Malinaw pa din sa aking isipan ang nakakaloko at nakakatuwang alaala nito. Kapag na-reminisce ko kasi ang pangyayaring ito ay tumutugtog pa sa background ang Cult Classic na Busy Apple.

(Busy Apple, Lemon Juice. Tell me the name of your sweetheart)

Bata pa lang ako, may kinikimkim na akong kalandian. Andami kong nagustuhang classmate dahil sa kanilang cuteness. Medyo chick boy kasi ako dati, medyo *ehem* magandang lalake kasi ako noong totoy pa ako. Nag "evolve" na lamang pagtanda...

Ngunit pagdating ng 3rd Grade, mga Early 00's ay nakaramdam ako ng bagay na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko.

Sa isang bayan sa Calabarzon, na notorious sa trapik at pinapa-Sulong pa! Ang mga mamamayan nito; ay may tinatagong private school na ang color scheme ay katulad ng mga Mamamana sa UAAP.

Sa unang araw ko sa bagong paaralang ito ay nakakita ako ng isang dalagitang nakapagpa-WOW! sa aking mapusok at batang isipan.

Matangkad ako, at matangkad din sya; kaya magkatabi kami sa may bandang likuran. Hindi sya super ganda; mas maganda pa yung iba sa kanya. Pero mayroon syang "mahika" na tila itinarak sa aking damdamin.

Mabait naman sya kahit papaano, sya pa nga unang pumansin sakin eh. At dahil mapaglaro talaga si Bro ay bagay pa ang pangalan namin, Lady sya at King naman ako. Bangis no? Parang royal couple.

Kaya lagi kaming inaasar ng mga kaklase naming uhugin at amoy panis na laway. Masama pa dito, kahit mga pa-bagets naming mga teacher, nakikidagdag pa. Love team daw kami. Bagay daw kami sa itsura at pangalan.

Nakakaloko talaga doon sa paaralan na yun. Kinokonsinte kalandian ng mga mag-aaral. Bata pa lang at hindi pa nga tuli, pinapares pares na agad.

Syempre, kunwari ayaw ko. Pero deep inside kinikilig ako. Tindi talaga, bata pa lang maharot na.

Lagi kaming nagkekwentuhan. Kahit pag-uwi, magkatelebabad kami. Madami ako natutunan sa kanya. Madami din akong nalaman sa kanya. Kaso, dahil bata pa akong maituturing, ay lagi ko syang inaaway.

Ewan ko ba. Bongoloids talaga mga lalake kapag totoy pa. Gusto mo yung babae, at kapag nakakaramdam ka na ng iba, para mapansin ay aawayin mo. Ansaya diba?

Kaya lumipas ang taon ng ganoon. Nagkikimkim ng nararamdaman at nang-aaway para napansin.

Pagdating ng 4th Grade, ganoon pa din. Crush ko pa din sya. Bad trip nga lang dahil hindi na kami magkatabi. Nakakaasar. Kaya lalo akong na-frustrate, lalo ko sya inaway.

At para mas mapaglapit pa kami, ay kinakailangan daw ng representative ng aming klase; isang babae at isang lalake sa paparating na Pageant/ Fashion Show.

At dahil kami nga ang Royal Couple ay kaming dalawa na lang daw. Nahiya ako ng slight. Hindi pa kasi ganoon kakapal ang mukha ko dati. Pero dahil no choice na din ay pumayag na ako. (*EHEM* ANG GANDANG LALAKE KO TALAGA! At may height din ako kaya kami ang napili.)

Kaya pagkatapos ng klase, diretso na kami sa practice. Tinuruan kami rumampa sa Catwalk. Tinuruan mag project. Tamang paglalakad at kung ano ano pa.

One time, absent sya. At sinabi sa amin na sa susunod na practice ay "dry run" daw ng pageant. Sinabi na dalhin daw ang mga isususot para masanay na sa pagpalit palit ng damit.

Kaya ako tong si kamote, sinabi ko ba naman sa kanya na kailangan daw nakatodo ayos. So ayun. Pagdating ng practice, nakatodo make up at ayos ng hair ang aking kapareha.

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon