Accident Prone Part 2 (Insult to Injury)

155 19 33
                                    

Kamakailan ay naipamalas ko na ang aking kahenyohan, kaya bilang pagtupad sa aking pangako ay isasambulat ko pa ang ilang heart stopping, death defying at skull crushing na mga aksidenteng nalampasan ko.

5. Grade 5 ako nito. Madalas akong sumama sa mga tropapips kong ilang taon ang tanda sa akin. Sila ang pinagbasehan ko sa Talaba Boys. (Siga ng Universe Reference)

May rumorondang "water truck" sa buong village. Ito yung mga nagrarasyon ng water supply sa buong subdivision.

Isang araw, nagliliwaliw kami nila Carloo at Patrick. Papunta kami noon sa burol para mantrip. Nang may dumaang water truck sa aming harapan.

Biglang umangkas ang dalawa sa likuran, sambit style parang sa jeep; para mas mapabilis ang paglalakbay namin pataas ng burol.

Ito ang first time kong gawin ito, mas pipiliin ko na nga lang maglakad kesa sumabit. Ngunit dahil sa udyok ng mga kupal kong kaibigan ay sumunod na din ako.

Masaya kaming nakasabit sa likuran. Pagdating sa may bungad ng burol ay in sync na tumalon pababa ang dalawa. Samantalang ako, nakaangkas pa din. Umaasang titigil ang truck.

Pero dahil mapaglaro ang tadhana ay lalo pang bumilis ang takbo nito. At mukhang sa Tuktok na sya titigil. Kaya pinilit nila akong bumaba. Buong pwersa akong tumalon!

At ayon sa rules of physics at kung ano ano pang extraneous variables; ang velocity ng truck, ang speed ng wind, gravitational force ng araw at ang aking weight ng mga panahon iyon ay gumulong gulong ako pagbaba.

And to add insult to injury, dire-diretso ako pababa ng burol, kasabay ang pagtawa ng dalawa kong ungas na tropa.

6. Second Year High School, Christmas Vacation. Manonood kami ng sine ng pamilya ko. Sa pagkakaalala ko, MMFF Entry yung papanoorin namin.

Medyo maulan noong mga panahon yun. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sinubukan kong abutin yung ceiling sa aming garahe. Kaya ginaya ko si Michael Jordan at nag mala "Come Fly With Me"

Unfortunately, pagbagsak ko sa lupa ay medyo basa ang sahig. Nawala ang aking balanse at nadulas ako pagbaba. Naitukod ko ang aking kanang kamay sa paraang hindi dapat.. Nakaramdam na ako ng sakit at init sa aking braso. Wala namang lumabas na buto o dugo kaya ayos lang.

Dumiretso pa kami sa mall, aliw na aliw pa sa pamamasyal. Pero noong pauwi na kami, nagulat ako sa nangyari. Namamaga at pulang pula ang braso ko. Nagmukha syang isang malaking longganiza na pwede nang magpakain ng 20 tao.

Sinugod ako sa Ospital at napag-alamang na-sprain ang aking braso. Kailangan daw i-sling ng ilang linggo at hihintayin ang Xray results bago malaman kung gaano katindi ang nangyari dito.

So pagbalik ko ng eskwelahan. Instant celebrity ako. Nag-aalala lahat. Akala nila nabalian ako at nasabugan ng paputok. Tinanong pa nga nila kung ilan na lang daw ang daliri ko. Pakshet diba?

Matapos ang ilang linggo, lumabas na ang resulta at check up. Nagkaroon daw ng minor dislocation ang aking radius at ulna o yung dalawang buto na nagdudugtong sa aking braso at kamay. Parang adik nga yung doktor noon eh. Nakangisi pa sya nung ibinalita nya sakin na okay naman daw. Walang operasyong gagawin o isemento. Mag-ingat na lang daw ako dahil next time na mapuruhan ito ay mabibiyak daw ang kanang braso ko.

7. College na ako, around 2010 ata. Aliw na aliw ako sa mga "flame shot" o yung magpapa-picture habang tila nagliliyab ang iyong kamay. Ang cool kasi tignan, ansarap gamiting profile picture sa Facebook.

Kaya ako tong si henyo, naisipan kong magpa picture ng ganito dahil dala ng tropa ko ang kanyang DSLR Camera. So mas H.D. ang kuha. Mas mukhang realistic.

Nandoon kami sa aming usual tambayan spot, sa isang sosyal na kapehan sa tabi ng aming campus. Sitting pretty pa ako sa aking usual na trono at magpapa-picture.

Paglagay ko ng rubbing alcohol sa aking kamay ay medyo napadami ang buhos ko. Literal na naliligo ang buong palad ko sa alcohol. Pagsindi ko ng lighter ay talagang lumagablab ang kamay ko.

Hindi ito tulad ng inaakala. Talagang mala-Human Torch na pag flame up. Nagpanic din ako dahil kahit anong pagpag ko ay ayaw mamatay ng apoy. Mabuti na lang at nabuhusan nila ng tubig bago ako masunog ng tuluyan.

Wagas ang tawanan ng mga kaibigan ko. Pati ata yung mga tao sa paligid natawa na din sa katarantaduhan ko.

Nalapnos ang aking kamay at nagpaltos. Nagtubig tubig din at pulang pula. Sobrang sakit din na para bang tinalupan ang kamay ko.

Kaya nakabenda ito ng mahigit ilang linggo. May peklat na nga ang mga daliri dahil sa kahenyohan kong ito. At hanggang ngayon ay hindi alam ng aking mga magulang ang tunay na kwento kung bakit nakabenda ako pag-uwi ng araw na yun. Sinabi ko na lang na nadapa ako at kumayod ang aking kamay sa side walk.

Ito yung mas masakit. Sa sobrang HD nung kuha nung litrato, hindi mahalatang may apoy sa kamay ko. Hindi ko din nagamit ito sa Facebook.

8. Unang taon ko sa NYC. Naka-adjust na ako at masaya naman kahit papaano. Nagtatrabaho ako sa isang retail store sa Manhattan o kung tawagin ay sa City.

Pauwi na kami nung manager ko, ng biglang nabundol na lang kami ng rumaragasang pa-left turn na sasakyan.

Noong mga pagkakataong iyon, nagkaroon ako ng mini flashback ng buong buhay ko. Lahat ng mga ginawa ko, importanteng mga nakilala at kung ano ano pa. Akala ko katapusan ko na.

Nabungggo ang aking left side at nabagsakan ko ang aking manager. In shock ako sa mga pagkakataong iyon. Bumangon nga ako agad na para bang nagballet lang.

Maya maya pa ay dumating na ang mga Pulis, Bumbero at Ambulansya. Kinuha ang aking personal info, at nagtatanong kung gusto ko daw ba magpasugod sa Ospital. Tumanggi ako dahil buhay naman ako. Wala ni isang galos, pasa, o dugo ang natamo ko. Hindi na din ako nagsampa ng kaso dun sa nakabangga, buhay naman kasi ako.

Samantalang yung manager ko na hindi naman nakante nung kotse ay talak ng talak. Sarap pektusan sa ngala ngala.

Moral of the story: Ang katangahan ay mapanganib. Lalo na sa iyong sarili.

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon