The Birth of My Brain Child (Siga ng Universe)

254 21 14
                                    

Huling linggo ng Abril, naisipan kong gumawa ng isang kwentong puno ng kabalbalan. Kilala ito sa pamagat na Siga ng Universe.

Napag-alaman ko kasing ang aking sister from another parent na si Sarah ay isa palang Published Author. Nagtatago sya sa pangalang Asrah028, at sya pala ang may-akda ng librong Labyrinth Academy na under ng Viva-Psicom.

Hindi ako makapaniwala nung una, kaya pala madalas syang magpuyat noong kakakilala ko pa lang sa kanya, may hinahabol daw kasi syang manuscript.

Noong una wala akong ideya kung anong manuscript ba yun, sa katunayan nagpagawa pa sya ng kanta para daw sa susunod nyang story.

Kaya't noong malaman ko ang kanyang secret identity, natuwa talaga ako. Akalain mo yun? May close friend akong famous!

Pero napaka-humble at down to earth nya pa din. Hindi nya pa din daw akalaing yung sinusulat nya lang dati sa notebook ay maililimbag at mababasa ng milyon milyong kabataan.

Na-inspire ako sa mga sinabi nya. Bata pa lang kasi ako isa na yan sa mga pangarap ko. Kaya sinimulan kong halughugin ang kasuluk-sulukan ng aking isipan at nag-formulate ng isang kwentong kakaiba.

Ilang transformation na kasi ang isinagawa ko sa aking buhay. Naging #medyobadboy, suplado, alpha male, awesome at ang pinakahuli, Siga.

Ginawa kong identity ang pagiging Siga ng Universe. Mula sa oovoo at sa viber group namin, pinanindigan kong Siga ako.

Kaya ilang linggo akong nagmuni muni at nagsaliksik para makagawa ng isang catchy at over the top na prologue.

Sa katunayan, hindi pa malinaw sa simula ang direksyon ng aking likha. Wala pa syang konkretong plot at flow. Pero sabi nga, "write what you know" kaya ibinase ko na lamang ang magiging takbo ng kwento hango sa aking tunay na buhay.

Nilakipan ko na lamang ng super-powers, over the top antics, unique characters at witty na writing style; kahit papaano naging matagumpay naman ang aking adhikain.

Kaya ang Chapter 0 o ang Introduction ng aking kwento ay ang background o ang humble beginnings ni Archeebal Genesis, which is a pseudonym of my real name.

Nag-isip din ako ng mga cliches na dapat kong iwasan, kaya naghalungkat ako ng mga super hero cliches na nakalaad sa paninula ng aking likha.

Totoo naman diba? Halos lahat ng Super Hero story sobrang cliche, pare-pareho ang gasgas nilang plot, flow, origins at identity.

Alien na nanggaling sa ibang mundo, namatayan ng magulang o mahal sa buhay, napagtripan sa laboratoryo o naaksidente. Mula kay Superman, Batman at Spiderman. Lahat pa sila may Man sa pangalan.

Nakadampot ng kakaibang instrumento o aparato sa kalawakan, malinis ang kaibuturan at pinagpala ng Maykapal. Mula kay Green Lantern, Darna at Captain Barbell.

Lahat sila may secret identity na kailangan pangalagaan. Kailangan mayroon silang flashy two tone na costume at kapa na wala namang saysay maliban na lamang sa dagdag angas points.

Kaya si Arch ay ginawa kong engliserong, anti-hero kuno just to break the norms of super heroes.

Kung tutuusin nga, hindi naman talaga Super Hero ang bida sa kwentong ito, Siga Lord sya. Bwahaha.

Kaya kalaunan, nakaisip na ako ng flow at twists ng aking likha. Nakatakda na din ang proposed ending at alternate ending (spoilers) ng aking action adventure fiction.

Mayroon na din akong plano para sa sequel nito, para kasing hindi mabibigyan ng justice ang pagiging Siga ng Universe ni Arch kung isa lamang mahabang Origin Story ang ihahain ko sa mga masugid at walang sawang supporters at silent readers nito.

Kaya ngayon pa lang ay ipinapangako ko nang may susunod pang nobela ang paborito nyong Siga Story. Mas action packed, mas makulay, mas over the top, mas humorous, mas pulido at mas pag-iisipan ko pang mabuti ang mga susunod na kabanata sa kwento ng nag-iisang Siga ng Universe.

Kaya sa mga sumuporta, natawa, naaliw, nainis, nanlait o bumoto at nag komento sa aking unang likha, salamat sa inyong lahat. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako gaganahan, ma-iinspire at mag-iimprove sa pagsusulat.

At sabi ko nga sa Prologue,

Ang Bumangga, Giba!!

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon