Wish ko lang! (My Wish List)

242 33 114
                                    

Isa na namang epedemya ang kumakalat sa Wattpad Universe. Ilista daw ang mga kahilingan at itag ang mga kung sino sinong may pake at walang pakealam. Kaya here it goes. Ito po ang aking mga kahilingan. Sana po ay umabot ito sa GMA 7 at ma-feature ako sa Wish ko lang! (Tama na jokes ang corny ko na)

1. Makauwi ng Pilipinas

Sa mga nakakaalam o hindi, nasa ibang bansa po ako ngayon. Kaya gusto kong makabalik at bisitahin ang relatives, old friends at new friends na nakasalamuha ko dito sa wattpad.

2. Makapagtayo ng Negosyo

Priority/ Goal ko ito. Pangako ko sa kasi sa aking sarili na bago ako umuwi ng bansa, kailangan umiikot pa din ang aking pera. Tsaka mas masarap kasi maging negosyante kesa maging empleyado. Wala ka kasing Boss at kontrolado mo ang oras mo.

3. May ma-inspire ako sa aking mga likha

Hindi lang kasi sa dami ng boto, basa o komento ang basehan ng isang magandang kwento. Ngunit base sa mga buhay na naimpluwensyahan mo. Kaya kung may nagbago man ang pananaw sa buhay dahil sa aking mga likha, madaming salamat sa inyo.

4. Mai-feature sa Featured Page ang likha ko.

Alinsunod ito sa number 3. Nakakataba kasi ng puso kung mapabilang ang iyong sa likha sa diumano'y kapita-pitagang mga likha na pinu-plug ng wattpad.

5. Maging isang Published Author/ Mailimbag ang aking mga likha.

Kasama talaga ito sa mga pangarap ko noong bata pa ako. Parang ansarap kasi sa pakiramdam mahawakan at nasa isang hard copy ang sinulat mo diba?

6. Magkaroon ng Movie Adaptation o I-translate sa ilan pang lengwahe.

Alam kong mas matindi na yan. Pero libre mangarap diba? Just imagine Zac Efron playing the role of Arch Genesis. LOLWUT?!

7. Magkaroon ng kakayahang lumipad.

Super powers. Gusto ko lumipad. Period.

8. Makilala si "The One"

Ang cheesy man pakinggan pero isa talaga akong hopeless romantic. May marriage proposal na nga akong nakaplano. (Tsk tsk -_- keso level 999)

9. Maging isang Awesome na Ama.

Gusto ko maging proud ang mga future anak ko.

Kaya Arch, at mga kapatid mong wala pang pangalan; I hope you're proud of your Siga father.

10. Mag-iwan ng magandang "Legacy"

Hindi kasi natatapos ang buhay ng tao sa oras na pumanaw tayo sa mundo. Mamamatay ka lamang kapag wala ka nang impluwensya sa mga nasa paligid mo. Kaya nais kong mag-iwan ng isang legacy na hindi makakalimutan ng aking angkan at kung sino mang maiimpluwensyahan ko.

11. Magtravel all over the world kasama ang family ko or si "The One"

Mahilig ako magtravel. Nakapaglibot na ng bahagya sa Luzon at sa Asya. Pero hindi bat mas masarap libutin ang mundo ng kasama ang taong makakasama mo habang buhay? (Shet na malagkit. Cheesy talaga)

12. Malaman ang araw ng aking kamatayan.

Alam kong creepy, Pero hear me out. Para bang may taning ka na, may expiration date kumbaga. At least alam mo na kung ilang oras o panahon na lang ang natitira sa buhay mo diba? Kaya magagawa mo na lahat ng gusto mong tuparin.

P.S. Sana yung mga susunod na pauso ay mas may thrill at mahirap. Yung tipong mag sulat ng tula na hindi gumagamit ng vowels o kaya naman mag upload ng rap video mo sa YouTube. Wahaha.

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon