H.I.D.W. (How I Discovered Wattpad)

423 31 43
                                    

Ayon sa Wattpad, nagsimula daw akong maging myembro dito noon February 13, 2014 o ang Desperation Day.

Para sa mga hindi nakaka-alam kung ano ito, (H.I.M.Y.M. reference) ang Desperation Day ay ang araw bago ang pinakamalupit, pinakamapula at pinakamagastos na Corporate Holiday na kung tawagin ay Valentine's Day.

Ayon sa tv show na H.I.M.Y.M. o How I met your mother, ang Desperation Day daw ay ang araw kung saan lahat ng single na babae ay desperado magkaroon ng ka-date o kasintahan sa darating na Valentine's Day. Kaya ito daw ang perfect day para maka pick up ng chicks.

Kaya I'm not proud of myself to say this pero nagbabalak akong tumambay noon Grand Central Station and "Fake Destiny."

Balak kong man-chicks habang nagpapanggap na ang pagkikita namin sa araw na ito ay Deja Vu; Na nakita ko ito sa aking panaginip, at para patunayan ang aking sinasabi ay mapepredict ko ang mga mangyayari sa susunod na ilang minuto.

Syempre kokontyabahin ko ang mga kaibigan ko na sumama sa akin at gagawin ang aming skit. For example, may maglalakad na babaeng may arm sling sa kaliwang kamay, may tatakbong lalakeng madudulas, at may dalawang taong mag-aaway.

Mabuti na lang at hindi ko ito naisakatuparan dahil na din sa 2 dahilan. Una, may friendly date na lang kami ng aking pinsan at ang aming close buddy from Pennsylvania. At pangalawa, tinubuan ako ng hiya at hindi ko na naisip pang idulog ito sa aking mga kaibigan.

Kaya lumipas ang araw na iyon ng ganun na lamang, nag super late dinner sa T.G.I. Friday's at umuwi. Nagmember ako sa wattpad ng walang dahilan, nakikiuso siguro.

Pagdating ng Valentine's Day, medyo emosyonal ako ng mga panahong ito. Kaya nagpost ako ng aking saloobin. Badtrip nga eh, 7 lang nag like lol.

The ironic thing about Valentine's Day and the idea of love, is the whole concept of it.

It's seen as a day for lovers. A day to manifest one's affection or desire through letters, cards, chocolates, roses, etc. A day branded to be a "special" day for those who found someone to share it with, while single people weep and bitterly rant that they don't "celebrate" it.

As if being single in this very day stricken you with an incurable disease that would just pass the day after.

For me, this "corporate holiday" just deceived us human beings in to what it truly means. Unrequited love peaks at its highest during this "wonderful" day. Flowers are as expensive as gold, and as if dinner reservations are a must. And if you're one of the "lucky ones" to be single during this time of the year, you'd just be horribly haunted by your past years of having someone to spend it with.

Just to be clear, I have nothing against Valentine's day, and I'm not bitter, sad or lonely since I have no one special to spend it with. I actually am an advocate of love and serious relationships.

But it just seems ironic that there's 7.143 billion people in the world; and right now I'm lying in bed, wishfully thinking that the "love of my life" would be doing the same and having the same ideas running through my head.

Whoever she is, wherever she is, Happy Valentines Day.

(May I meet you sooner than later)

**********

NAPAKA-KESO! Wahahaha.

Pero looking back, symbolic nga siguro ang pagsali ko sa Wattpad noong Desperation Day. Hindi ko pa man gamay o maintindihan ang nilalaman ng social site na ito, ay para bang unti unti nang nahuhulma ang kagustuhan kong magsulat muli.

Para bang ang araw na ito ang subconscious na kapanganakan ng aking pen name, ang aking wattpad alter ego-

Si Mr. Awesome One.

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon