Accident Prone (I'm Indestructible!)

167 23 55
                                    

Sinasabi na ang masamang damo daw, matagal mamatay.

Kaya kung pagbabasehan ang kasabihang iyan ay napakasamang damo ko pala. Andami na kasing katangahan at kamalasan ang nalampasan ko; at hanggang ngayon ay nandirito pa din ako't nakakapagsulat ng matiwasay.

Minsan nga may mga "medallion" pang iniiwan ang mga pangyayaring ito. Kaya magsimula tayo sa aking kabataan.

Noong nandoon pa ako sa aming probinsya, puro na kabalbalan ang inaatupag ko. Sumikat nga ako sa bayan namin dahil sa mga "da moves" kong malupit.

1. Dalawang taong gulang ako noon. Nasa second floor kami noon. Nakikipaglaro ng tagu-taguan ang nanay ko. Iyakin kasi ako noon kaya't nung hindi ko sya mahanap ay ngumawa ako at tumakbo sa may hagdanan namin. Kaya ayun. Plakda! Gumulong gulong ako pababa. Hardwood pa naman yung hagdanan namin.

Nag hysterical ang lagi kong maingay na lola dahil nag suicide dive nga ako pababa. Nawalan daw ako ng malay ngunit matapos ang ilang sandali ay okay na.

2. Sa parehong taon ay ang "paborito" kong katangahan. Papunta kami noon sa Martial Arts Tournament ni erpat, 6 degree black better kasi sya.

Nakasakay ako sa likod ng owner type jeep ng aking tito. At mahilig akong chumibog noong ng nilagang mani.

Sobrang tagal ng byahe, kaya urat na urat na ako. Kaya ako tong si gago, napag-isipan kong gawin yung "coin game" na madalas gawin sa mga children's party; gamit yung nilagang mani.

Para sa mga sosyal at pretending na hindi alam ang larong ito. Ilalagay mo yung piso sa noo mo at kailangan igugusot gusot mo mukha mo para mahulog sa bibig mo.

So noong malapit na sa bibig ko, bigla kong nasinghot yung mani sa kaliwang butas ng ilong ko. Kaswal kong sinabi sa kanilang "Pumasok yung mani sa ilong ko."

Natawa pa nga sila eh. Akala nila trip lang. Pero nung napansin nilang meron nga, napurnada yung panonood nila kay erpat at sumugod kami agad ng ospital.

Napaka-epic ng ginawa ng doktor sa akin. Hanggang ngayon magpapa salamat ako sa kahenyohan nya.

Dahil nasa probinsya nga lang kami, hindi pa super high tech ang mga aparato dito. Kaya naman binigyan ng doktor ang ilong ko ng ultimatum.

Kapag hindi daw nakuha ang mani na naglodge sa aking ilong ay bibiyakin daw ito. AS IN BIYAK! So dapat meron akong Bingot o HarelipMabuti na lang at isa syang alagad ng Medisina at nais nya pa ding protektahan ang kagwapuhan ko.

Kaya't mula sa kanyang "professional" expertise ay kumuha sya ng paper clip, diniretso ito at sinungkit ang kawawang mani sa ilong ko.

Imagine ang sakit na nararamdaman ko sa mga pagkakataong iyon. Napasigaw pa nga daw ako ng solid na "DOKTOR AYOKO NA, MASAKIT!"

Sa mga pagkakataong iyon nawala ang spokening dollars skills ko. Pero sa awa ng Maykapal ay naging successful ang futuristic na operation nya.

Kaya dahil dito ay kaya kong isarado ang kaliwang butas ng ilong ko by will! Pero once in a while dunudugo ito dahil sa truama na naranasan ng aking sinuses.

3. Pagdating ng edad 5 ay nag iba naman ang trip ko. Naaliw ako sa pag coin flip. Kaya't lagi akong may tinatagong 2 peso coin sa aking bulsa.

At para naman sa mga mas bata sa akin ng ilang taon, o nagpapanggap na mas bata sa akin; noong mga mid to late 90's ay mayroon pa nito. Malaking octagon shaped na coin na mas malaki pa dun sa 5 peso coin ngayon. Nasa harapan si Jose Rizal at coconut tree naman ang nasa likuran.

Nakahiga kaming magpipinsan, ang Tebulats at si Mariz sa kwarto nilang magkakapatid. (Siga ng Universe Reference)

Hindi ko na maalala yung joke pero wagas ang tasa ko noon. Sobrang laki ng pagkakanganga ko. At sakto naman ang pag-itsa ko ng magical barya ko sa ere.

Kaya swak na swak ang barya sa loob ng aking ngala ngala, todo panic na ang mga pinsan ko. Hindi na kasi makahinga ng matino.

Sobrang ingay nila, nagsilabasan mga usiserong kapit bahay namin at ang syempre, ang lagi kong maingay na lola. Ang hysterical level nya ay nagdoble kumpara doon sa unang aksidente ko. Samantalang yung mga tukmol naming kapitbahay nakikinood lang.

Out of desperation ay hinambalos nya ang aking likod habang kulay ube na ang aking mukha. Tumalsik na ang 2 peso coin with laway laway pa. Nagpalakpakan pa ata yung mga usiserong kapit bahay namin at matapos ang ilang minuto ay umuwi na sila na para bang walang nangyari.

4. Sa kahabaan ng kalsada namin ay may isang bahay sa may bakanteng lote na puro bubog at basag na bote ang nasa harapan nito. Hindi ko alam kung anong trip noong mga nakatira doon, pero napakadelikado dumaan doon. Yun siguro ang paraan nila para hindi ma "akyat bahay" kahit naman walang mananakaw sa loob ng bahay nila. Squatter kasi yung mga nakatira doon.

At alam ko na ngang ganoon ang sitwasyon ay nangahas pa din akong lumabas ng bahay ng walang tsinelas, nagpabuhat kasi ako sa mas nakakatanda kong pinsan na itago na lang natin sa pangalang Katkat. Payatot kasi ako dati kaya kayang kaya ako pasanin nito.

Bibili kami ng softdrinks sa may kanto, at nang malapit na kami sa "death spot" ay tsaka nangati ang hita ko. Pagkakamot ko dito ay nakiliti si Ate Katkat sa batok, sanhi ng paglagpak ko sa mga bubog.

Sumakto ang kanang kamay ko sa isang pinong bote ng Sprite kaya sugod ulit ako sa Ospital.

Nakabenda ang kamay ko ng halos isang buwan at bawal kong basain ito. Mabuti na lang at bakasyon yun nangyari. Kung hindi pahirapan ang pagsusulat.

Ito na muna ilang kagaguhan ko. Sa susunod ko na lang itutuloy ang mga mas death defying, skull crushing at out of this world na kamalasan ko.

Moral of the Story: Magandang ikwento ang mga kaboplokan mo.

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon